Chapter 31

238 6 0
                                        

Rhianne's POV

"What are you doing?"

Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Caspher. Agad kong pinulot ang photo album na nasa sahig.

"Ah wala naman. Nagtitingin tingin lang.." Ngumiti ako.

"Here are your clothes. Maligo kana para hindi tayo ma-late."

"Sige."

Kinuha ko ang mga gamit ko at nag tungo na ako sa guest room. Pumasok ako sa C.R at nag lagay ako ng warm water sa may bath tub.

Habang nagbababad ako sa bath tub hindi ko maiwasan maisip kung sino nga ba si Fleenimarie Gray.

Nang matapos ako, mabilis akong nagbihis at nagtungo ulit sa kwarto ni Caspher. Puro si Fleenimarie ang nasa isip ko kaya sigurado akong babagsak ako.

Joke!

Ayoko bumagsak. Kailangan ko makagraduate at makapaghanap ng magandang trabaho. Kailangan ko suklian lahat ng hirap na ibinibigay ni Kuya Rico sa akin. Nagta-trabaho 'yon ng marangal sa malayong lugar tapos babagsak lang ako? No way!

Kailangan ko maka graduate!

Oo nga pala.. Miss ko na si Kuya Rico medyo nabusy kasi 'yon sa work niya kaya hindi gaano nakakatawag at nakakauwi.

Lumabas si Caspher mula sa C.R nang kwarto niya na bihis na.

Ngumiti siya.

"Ready?"

Bumusangot ako.

"Masyadong maraming iniisip utak ko.. baka hindi ako makapasa!"

Umiling siya.

"Don't worry, papakopyahin kita."

Wow naman! Edi ikaw na nag review, sana all!

Kinuha niya lang gamit niya tapos lumabas na kami.

"Kinakabahan ako..." Sabi ko. 'Yan tayo eh nasa huli ang pagsisisi, ba't ba kasi nakalimutan na may exam? tss.

Alam niyo kung bakit? Alam niyo? Alam niyo?

Feeling ko kasi wala akong masasagot na tanong. Yung tipong number one pa lang eh di mo na alam.

Tumawa siya.

"Papakopyahin nga kita."

Ngumisi ako.

Sumakay na kami sa kotse niya at pumuntang school.

***

Pagpasok ko sa class room agad na bumungad sa akin si Anne.

"Rhi! Nabalitaan ko yung nangyari kagabi, okay lang ba kayo?"

Tumango naman ako.

"Buti naman.. Siya nga pala nag review talaga ako ng mabuti dahil malaki points nito sa grade natin!"

Nalukot ang mukha ko.

"Masyado ako marami iniisip, hindi ako nakapag review ng maayos. Baka nga bumagsak ako..."

Tumawa siya.

"Ayos lang 'yan, kopyahan na lang tutal ga-graduate naman na tayo!"

Tumawa lang ako tapos hinila ko na siya papunta sa mga seats namin.

Kakapasok lang ni Caspher. Pinark kasi niya yung kotse at bumili pa yata siya ng pagkain.

"Uy, hi Caspher!" Bati ni Anne.

"Mukhang nagreview 'to ah! Pakopya naman!" Ani ulit ni Anne.

Ngumisi naman si Caspher.

"Sure.."

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon