Chapter 34

238 8 0
                                        

Rhianne's POV

"Aray naman!" Sigaw ko ng mahatak ng sobrang lakas ang buhok ko.

Bumungisngis ang mga kaklase kong nagtatali ng buhok ko into pig tails.

"Isa pang hatak ah!"

Nag rolled eyes ang kaklase kong nagma-make up sa akin.

"Wag kang magulo..."

Napa-buntong hininga ako.

Kalma self. Mga kaklase mo 'yan.

"Ayan, tapos na!" Natutuwang sigaw ng mga kaklase ko ng matapos nila ang pag ipit sa buhok ko.

"Ang cute! Bagay ang pigtail hairstyle sayo, kamukhang kamukha mo na si Hina-san!"

Napailing na lang ako.

Sakto naman na tapos na din ang nag me-make up sa akin.

"Tapos na ako, check niyo na kung may kulang pa ba. Kukunin ko lang yung pina-order kong transparent umbrella sa baba."

Tumango naman ang mga natira kong kaklase pagkatapos binigyan nila ako ng salamin.

"Tignan mo kung okay lang ba pag ayos namin sa 'yo."

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at okay naman ang pagkakatali nila sa akin at pag make up. Super cute.

Natigil ako sa pagtingin sa sarili ko ng may narinig akong tumatawag sa akin.

"Rhianne!"

Lumingin ako at nakita ko si Anne.

"Yiee ang cute mo naman, Rhi!"

Ngumiti ako.

"Thank youuu."

Agad niyang ibinaba yung bag niya at naghalungkat ng kung ano do'n. Nang mahanap niya ay agad niyang ibinigay sa akin.

"Oh ayan, alam mo naman na support ako sayo always!"

Tinignan ko ang ibinigay niya.

Choker iyon na kulay black tapos yung pendant niya ay water droplets.

"Ba't mo ako binibigyan nito?" Tanong ko. Di ko naman kasi birthday!

Napa-kamot siya sa ulo niya.

"Diba si Hina yung iko-cosplay mo? Ayan, 'yang choker na bigay ko sayo katulad iyan ng kay Hina!"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ows?"

"Talaga! Ang hirap nga makahanap niyan eh. Sa online pa ako nakakita."

Napangiti ako ng todo.

"Hala thank you so much, Anne!"

Napa-iling na lang siya.

"Ano pa nga ba? By the way, galingan mo mamaya ah. Good luck mwahh!"

Nag-wink ako.

"Syempre!"

Tinignan ko lang saglit ang suot ko. Naka-sleeveless hoodie lang ako tapos short and rubber shoes.

Napalingon ako ng may tumawag sa akin.

"Rhianne!"

"Oh?"

"Ito na yung payong mo!"

Inabot sa akin ng isa sa mga kaklase ko ang transparent na payong.

"Thank you!"

Pagkatapos non ay inayusan pa nila ako.

"CALLING ALL THE STUDENTS WHO WILL JOIN THE COSPLAY CONTEST, PLEASE GO TO THE WIDE SPACE. THANK YOU."

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon