Chapter 12

33 8 0
                                    

Andito ako ngayon sa labas ng gate hinihintay na sunduin ako ni ailee akala ko ba 9 punta namin e lagpas 9 na hays.

Kinutingting ko muna ang cp ko habang hinihintay siya  balak ko sana siyang i message nang may natanggap akong message mula sa unknown number and guess what??siya yung tumawag sa akin dati.

inopen ko ang message niya "Goodmorning, you look good today" napakunot naman ang noo ko nang mabasa ko yun so it means taga rito lang siya?nandito siya ngayon stalker ba to??"who are you??saka nakikita mo ba ako ngayon?"reply ko sa kanya sakto namang linagay ko na sa shoulder bag ko yung cp ko dahil meron na rin  si ailee naka kotse siya.

"Woahhh alam mo pala mag drive" namamanghang sabi ko sa kanya at pumasok sa kotse.

"Yes, and this car bigay to ni dad sa akin birthday gift niya ayaw niya nga sanang regaluhan ako ng kotse e dahil daw baka madisgrasya ako hahaha" sagot niya na napapa iling.

"So?susunduin ba natin sila?" Tinanguan niya ako kaya tinanaw ko na lang ang mga nadadaanan namin at nag soundtrip hanggang sa makapunta kami sa bahay nila xi at sinundo siya.

"di ko alam na marunong ka pala mag drive" sabi ni xi na nakaupo sa likuran

"Oh yeahhh!!"

"Siguro awkward kay xeemer na iisa siyang lalaki na kasama natin look puro babae tayo" napatawa naman kami sa sinabi ni ailee tama naman siya puro babae kasama niya baka mapagkamalan pa siyang bakla.

Sakto namang tumawag sa akin si xeemer

"Hello xeemer "

"Hindi ata ako makakasama sa inyo may pupuntahan kasi kami nila dad e ingat na lang kayo diyan bye" pagkasabi niya nun ay binabaan niya na ako.

"Sino yun?" Tanong ni xi

"Si xeemer di raw siya makakasama may lakad daw sila"

"SO THIS IS A GIRLS DAYYYY!!!!" Sigaw ni xi at parang baliw na nag sasayaw sayaw.

Nandito na kami ngayon sa destination namin

"Anong balak natin ngayon" tanong ko kay ailee na kagagaling lang sa pag park ng kotse niya.

"ANO PA BA EDI KUMAIN MUNAAAAA" hinawakan niya ang kamay namin ni xi at dinala sa isang resto naupo na kami at nag order.

"Next naman is mamamasyal tayoo" masiglang sabi ni ailee sa amin

Dumating na ang order namin at tahimik kami na kumakain ewan ko kung namamalikmata lang ba ako o si kuya talaga yung nakita ko may kasama siyang babae at nakapulupot ang kamay niya sa braso ni kuya kitang kita ko sila sa labas nitong resto well that girl is pretty galing pumili.

"Huy ash sino tinitignan mo sa labas?" Tanong ni ailee sa akin.

"Ah wala" sagot ko sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain di muna kami umalis pagkatapos kumain nagpahinga muna kami ng mga ilang minuto dahil talagang busog kami.

Pero ewan ko dito kay xi at parang kulang pa sa kanya kinain niya.

"GUYS!!PUNTA TAYO SA BAHAY NAMIN PAGTAPOS NATIN MAMASYAL AT KUMAIN AT KUMAIN ULIT AH IPAPAKILALA KO KAYO SA PARENTS KO PARA ALAM NIYANG MAY KAIBIGAN NA AKO RITO" Tumango naman kami ni xi sa kanya nasa labas na kami ng resto at naglalakad lakad

Kung ano anong bagay lang nakikita namin pag may nagugustuhan sila binibili nila hanggang sa napadpad kami sa isang naglalako ng ice cream so dahil si ailee ang nag aya treat niya 'to.

"Guys upo muna tayo kanina pa tayo lakad ng lakad e" reklamo ni xi kaya huminto muna kami at naupo

"So it's already 10:45 tara sa bahay?" Nakangiting tanong ni ailee sa amin.

"Uhm ano kasi ailee di ata ako makakasama sa inyo" sabi ko sa kanya nalungkot naman siya

"Bakit?"

"Sinabi ko kasi hanggang 11 lang ako at saka baka magsumbong si kuya at mapagalitan ako next time babawi ako promise" hinawakan ko ang dalawang kamay ni ailee"hmm okay sige tara na ihahatid na kita xi tayo ka na rin diyan"linabas na ni ailee ang kotse niya at sumakay na rin kami tahimik lang kaming tatlo habang bumibyahe nakarating na kami sa bahay namin kaya bumaba na ako nag wave ako sa kanila nginitian naman nila akong dalawa

"So marunong ka pala makipag hang out" nagulat naman ako sa biglang nagsalita sa gilid ko

"So?saka ano na namang ginagawa mo rito sa harap ng bahay namin?" Tinaasan ko siya ng kilay nakapamulsa siyang lumalapit sa akin at ako naman naka taas parin ang isang kilay.

"Wala lang napadaan lang remember kaharap niyo lang bahay namin" saka niya tinuro ang bahay nila.

Inirapan ko lang siya saka pumasok at isinara ang gate.

"Hey" liningon ko naman siya dahil nagsalita siya "ah wala sige" eh?baliw ata 'to"okay" sagot ko sa kanya at tinalikuran siya.

Bago ako pumasok ng bahay ay tinignan ko muna kung wala na siya at sa wakas wala na nga

Unconditional Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon