Xeemer POV
"Bro, diba kaibigan mo yung chicks sa kabilang room?yung xi ba yun? basta yun pakilala mo naman ako"pakiusap ni lawrent sa akin magkasama kami na nag lunch break dahil may pupuntahan kami mamaya
"Kilala kita lawrent wag na wag kang magkakamali"banta ko sa kanya kaya napahawak siya sa mukha niya
"Bro naman nagbago na ako lalo na't nakita ko na yung dream girl ko"para naman siyang nag dadaydream habang sinasabi yun kaya napangiwi ako
"Korni mo ugok"sabi ko sa kanya at binatukan siya
nauna na akong naglakad dahil nababanas ako sa kanya tsk sasama niya pa sa mga babae niya si xi bangasan ko siya eh
"broooo hintay naman"sigaw niya pero di ko siya pinansin
"Bro sige na oh promise di ko siya lolokohin nagbago na nga ako eh saka yung babaeng kasing ganda niya di dapat sinasaktan"pakiusap niya ulit
"Stay away from her"walang emosyon kong sabi sa kanya kaya bumagsak ang balikat niya at nalungkot
"Tara na nga gutom na ako tsk"aya niya sa akin at naunang naglakad ngayon siya naman nauna
Hanggang sa nakarating na kami sa isang resto at dun nag lunch sabi niya treat niya eh tsk kala niya makukuha niya ako sa palibre libre.
"So bro gaano mo na katagal na kaibigan si xi?anong full name niya?"sunod sunod na tanong ni lawrent tsk di naman halatang gusto niya kaibigan ko.
"Since fetus"sagot ko at tinignan niya ako ng masama
"nagtatanong ako ng maayos bro naman""Simula pagkabata childhood friend ko siya at ang full name niya ay xin dikato"nakangiting sagot ko
"Bro ayos na eh ayusin mo naman alam mo naman siguro feeling ng magkagusto sa isang tao diba?"nawala ang ngiti ko sa sinabi niya napansin niya yun kaya napahawak siya sa bibig niya
"Bro don't tell me "siya
Pinakyuhan ko agad siya dahil alam ko na ang sasabihin niya
"Gusto mong naka wheel chair na pumasok?"nagitla naman siya kaya umayos siya a bumalik sa dati
"Sagutin mo na kasi"pakiusap niya at kinuha ang phone niya
"And can i get her phone number don't worry bro kukunin ko lang hehe di ko siya iistorbohin"pangungumbinsi niya sa akin
"Pangalan niya lang ang sasabihin ko Xia Hopper sinabi ko na lawrent kilala kita kilalang kilala wag na wag mo siyang guguluhin dahil pag nangyari yun tayo ang magkakagulo"sabi ko sa kanya
Huminga siya ng malalim bago magsalita"you can't stop me xeemer alam ko na malaki ang utang na loob ng pamilya ko sa pamilya mo pero bro maniwala ka totoo ang nararamdaman ko sa kaibigan mo just give me a chance para mapatunayan ko na sincere ako sa kanya"
"Okay hahayaan kita pero wag na wag kang magkakamali wag mo siyang igaya sa mga naging babae mo iba si xi"wala na akong magagawa proprotektahan ko na lang siya may tiwala naman ako kahit konti kay lawrent dahil naging kaibigan ko rin siya
"Promise bro salamat dabest ka talaga"akmang yayakapin niya sana ako nang ipinakita ko sa kanya ang kamao ko kaya umatras siya
"kain na bro pakabusog ka hehe"siya
"Tsk"kumain na kami at nang natapos ay bumalik sa campus
Sabay kaming pumunta kay coach parehas kaming player ng basketball kaya sabay kami na nag lunch may sinabi lang si coach sa amin at bumalik na rin kami sa room namin
"HOYYYY"rinig kong sigaw ni xi nang malapit na ako sa roombuti na lang naunang pumasok si lawrent at di niya napansin si xi
Agad agad akong lumapit sa kanya at nakatanggap agad ako ng batok
"Ano ba!Tinawag mo ba ako para batukan?"reklamo ko
"Bakit di ka sumabay samin mag lunch ha??may iba ka ng sinasamahan no may gf ka na no?"napakunot ang noo ko sa sinabi niya anong connect ng gf
"May importante kasi na sinabi si coach sa amin kaya sabay ko yung isa kong classmate na nag lunch"paliwanag ko pero umirap lang siya at tila hindi parin kumbinsido ano bang problema ng babaeng 'to.
"Si ash?"pagbabago ko ng topic
"Tsk andun na sa loob nakita lang kita kaya kita tinawag galing ako sa comfort room pasok na ako balakajan"pagkasabi niya nun ay tinalikuran na niya ako may sayad ata talaga siya
BINABASA MO ANG
Unconditional Love
Teen Fiction"The more you hate the more you love" do you believe in that sayings? STARTED WRITING YEAR 2018 FINISHED WRITING YEAR ----