Chapter 15

17 5 0
                                    

Andito ako ngayon sa labas ng campus lunch break namin at plano kong bumili ng ice cream sa pinagbilhan namin ni zander kahapon yun lang naman kasi ang naglalako sa labas ng campus namin kaya dun na ako nagtungo

"Uhm kuya isa nga pong ice cream" binigay ko na sa kanya ang bayad ko at iniabot niya ang ice cream

"Thank you po" nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya umalis na ako sa tapat nun pagkatapos kong bumili naglalakad lakad lang ako dito hindi naman ganon katirik ang araw ngayon kaya hindi ko na kinuha ang payong sa bag ko.

'Hey" napatingin naman ako sa likod ko dahil sa familiar na boses na yun at totoo nga si flinn.

Lumapit siya sa akin at sinabayan ako maglakad huminto ako kaya huminto rin siya ba't niya ba ako sinusundan?

"B-bakit?" Biglang lumabas sa bibig ko kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya saka naglakad ulit nahihiya ako lalo na't crush ko siya sinundan niya ulit ako at hinawakan ang kamay ko.

"I just want to say sorry noong nabunggo kita" nakikita ko sa mga mata niya na seryoso siya bakit ba siya nag so-sorry e alam ko namang di niya yun sadya mas lalo tuloy akong naiinlove hoy ash calm down baka mahalata ka.

"Okay lang yun ano ka ba saka di naman ako galit sa'yo dahil dun" sagot ko sa kanya.

"Thanks so san ka pala pupunta?" Tanong niya ulit sa akin habang hawka hawak parin ang kaliwang kamay ko.

Napansin niya atang nakatingin ako sa nakahawak niyang kamay sa kamay ko kaya tinanggal niya yun at napakamot sa ulo niya aww ang cute talaga niya.

"wala naman gusto ko lang maglakad lakad since lunch break naman" sagot ko ng nakangiti

"Kumain ka na ba ng lunch?" oh shoot hindi pa pala ako kumakain

"Oo, kumain na a-" di ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang tumunog ang tiyan ko shit ba't ngayon pa?nakakahiya kay flinn buking tuloy ako haup na tiyan to.

"So let's go" hinawakan niya ulit ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa isang resto pumasok na kami dun at pinaupo niya ako tinawag na rin niya ang waiter at pinapili ako ng kakainin ko grabeng himala to grab the chance na ash first date namin to kahit di naman talaga date thanks to you stomach at nakasama ko kumain si flinn may gamit ka naman pala

Pero ang kanina pa naglalaro sa isip ko ay bakit niya to ginagawa? E diba ang cold nga ng pakikitungo niya sa akin tas ngayon bigla siyang magiging mabait tas linibre pa ako ng lunch what a miracle.

Bawat subo ko ata sa kinakain ko tinititigan niya lang ako kaya grabe ang ilang ko kanina habang kumakain alam mo yung konti na lang sasabog na ako sa kilig grabe talaga dating ni flinn

Natapos na ako sa pagkain at ngayon ay umiinom tumayo bigla si flinn pagkatapos kong ibaba ang baso at kinuha ang panyo niya saka pinunasan ang gilid ng labi ko

WHAT DA HECK OH MY GOD KINIKILIG AKO PARANG GUSTO KONG MAG TATALON TALON PERO TAE NAESTATWA NA NAMAN AKO SHITTT FLINNNNN SA MOVIE KO LANG TO NAKIKITA NANGYAYARI RIN PALA SA TOTOONG BUHAY .

"t-thanks" halos mautal utal ko ng sabi sa kanya na nakapag pangiti sa kanya.

PERO POTEK KAHIT NAHIHIYA AKO NANGINGIBABAW PARIN YUNG KILIG TAKTEEEEEE

Nakalabas na kami sa resto at sabay kaming bumalik sa campus pero bago kami makapasok sa gate natanong ko na yung kanina pang naglalaro sa isip ko.

"F-flinn b-bakit mo ginawa yun?" Tanong ko sa kanya na medyo nauutal utal pa ako.

Ngumiti siya "Para makabawi sa'yo"

"But di mo naman kailangan gawin yun" agad kong sagot sa kanya wala talagang patumpik tumpik 'tong dila ko e saka ayoko mag assume assumera pa naman ako assumerang apat ang mata hays.

"Nagawa ko na tara na baka malate pa tayo" hinawakan niya ulit ang kamay ko at saka lang binitawan nang nasa harap na kami ng classroom kahit ang awkward sobrang kinikilig parin ako minsan lang to kaya todo todo na tatanggi pa ba ako na hawakan niya ang kamay ko?ako pa ba ang aarte si crush na to oh pero grabeng kapantasyahan na 'to pero shet ang lambot ng kamay niya crush ko na si flinn mula nung mga elementary pa lang kami ewan ko nga kung ba't hanggang ngayon di parin nawawala paghanga ko sa kanya.

Unconditional Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon