Pagbabago

477 0 1
                                    


                                                                    Pagbabago

Naniniwala ako sa mga bagay na hindi kapani paniwala
Naniniwala ako na mayroong nakatingin sa iyo mula sa iyong likuran hinihitay na lumingon ka
Naniniwala ako sa mga elementong kinakatakutan ng mga bata
Naniniwala ako sa mga bagay na hindi mo aakalaing may maniniwala

Naniniwala ako
Naniniwala ako sa multo
Naniniwala ako sa elemento
Naniniwala ako sa engkanto
At higit sa lahat, naniniwala ako na kaya mong magbago

Naniniwala ako na kaya mong magbago
Pagbabagong para sa ikabubuti mo
Pagbabagong alam kong magpapahulog lang nang mas malalim ng puso ko para sayo
Mahal, hindi ko man sabihin nang harapharapan sa iyo
Ngunit kay tagal ko nang hinihintay ang pagbabago mo

At dahil mahaba ang pasensya ko
Natunghayan ko na ang pagbabago mo
At Kay tagal kong hiniling at ipinagdasal ang pagbabago na ito
Ngunit pagtataka'y bumalot sa 'king puso
Dahil noong nagbago ka, lalo lamang nasaktan ang puso ko.

Katakataka, dahil kay tagal ko 'tong hiniling ngunit ngayong nandito na ay aking pinagsisihan
Ano nga ba ang dahilan kung bakit ko ito pinagsisisihan?
Ano nga ba ang dahilan kung bakit ka nagbago?
O ang dapat bang tanong ko,
Sino nga ba ang dahilan nang pagbabago mo?

Baka kaya pinagsisisihan ko ang paghiling nang pagbabago mo,
Ay dahil hindi ako ang dahilan nito.
Marahil hindi nga ako ang dahilan nang pagbabago mo
Saglit, hindi marahil kundi sigurado
Sigurado akong hindi ako ang dahilan nang pagbabago mo.

Kaya puso ay puno ng puot at pighati
Dahil hanggang sa dulo hindi parin ako ang iyong pinili
Wala paring saysay ang sandamakmak na luha na sa mga mata ko'y pumatak
Dahil simula't sapul sa puso't isipan mo, ang pangalan ko'y hindi manlang tumatak.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon