CHAPTER ONE: INTRODUCTION

124 2 0
                                    

'Mitchelle's POV'

"Hi Good Morning everyone, My name is Mitchelle Ford Villegas 19 years of age, you can call me Mitch for short i am from Makati City. And i believe in the saying "Never bend your head. Always hold it high. Look the world right in the eye, I hope we can all be friends. And i thank you!" pagpapakilala ko sa harap dito sa classroom ko sa isa sa mga pinakasikat na univerity sa bansa ang National Integrity and Leadership College.

"Excuse me Mr. Villegas classroom ang pinasukan mo hindi Ms. Gay Beauty Contest" sabat ng aming professor.

Tinawanan lang ako ng mga classmates ko. Nakakahiya naman talaga oh! Kung susuwertihin ka nga naman. Sheteeeee!

Jusq. eto naman si sir panira ng moment! Akala mo naman maganda! bulong ko sa sarili. Oo you heard it right baklita rin itong si Sir Cruz.

"Sorry sir hehe" sabay ngiti sa kaniya.
"Okay, enough of that, Sit whenever you want to sit" sambit ng aming prof.
"Yes sir!" sagot ko naman
"Bakla dito" sabi naman ng bestfriend kong si Cyrille. Mag classmate na kami neto since high school at saktong may bakanteng upuan sa tabi niya.
Agad naman akong umupo sa tabi niya na kung saan naman nakita ko sa kabilang row ang super duper crush ko na si James.
"Ano nakatitig ka na naman sa james na yan, bakla ka talaga. Eh ang sungit sungit nga niyan sayo, MOVE ON! MOVE ON! DIN NOH?"
"Aysewssss, palibhasa porket may lovelife ka ganyan ka, alam mo naman na gusto ko na siya bata pa lang kami diba?" paliwanag ko sa kanya.
" Oo nga, pero kase ni hindi ka nga niya napapansin, advice lang naman teh, ikaw din baka sa huli baka ikaw lang ang masaktan" pangagaral niya naman.
"Daig mo pa si mama mangaral saken. Ano ka ba kasama naman talaga yung saket pag nagmamahal diba? Handa akong sumugal para lang sa kanya, kahit maiwan akong luhaan wala akong pagsisisihan kase sa kanya ko unang naramdaman kung paano magmahal" sinserong sabi ko.
" Ang drama mo talaga kahit kelan, dami mo ding sinabi no? dinaig mo din si Charo Santos teh, sa haba ng talak eh" pagbibiro niya.
" HAHAHAHAHA ewan ko sayo"

*Pero seryoso talaga yung sinabi ko kanina, si James ang aking ultimate crush, first crush, first love and one and only love. Lahat na! Todo na towh!
Hindi ko alam kung pagmamahal na nga ba yung nararamdaman ko sa kanya, pero sa tuwing titignan ko siya parang humihinto yung mundo ko parang hinihila ako papunta sa kagwapuhan niya. Enebe! Like omygosh~.
Si james ay masasabi mong pinagpala talaga, na sa kanya na kaseblahat. Looks, talented at super talino. Mukha ding masarap at daks charowt! Siya lang naman ang valedectorian namin nung high school at siya din lagi ang pinanlalaban kung may contests inside and outside of the school kaya naman marami talagang nagkakandarapa sa kanya at isa na ako dun. Syempre hindi naman ako papatalo, i am the salutatorian of our previous school. Ako naman wala namang masyadong espesyal sakin bukod sa mukha daw akong babae at kutis babae daw ako? Ewan ko bat di pa akong ginawang babae ng mga parents ko! Di ginalingan eh! Sabi din nila maganda rin daw ang boses ko at pati boses ko pambabae ewan ko nga ba sana nga naging babae na lang ako. Matalino din naman ako, kaya nga salutatorian ako right? Pinagbibigyan ko lang talaga si james! Ang hangin ko banda dun!
Pero seryoso matalino naman talaga si James. Hindi ko nga alam kung paano niya ako inakit ng ganito at sobra akong naatrract sa kanya simula pa nung mga bata pa kami.
Btw we are now in our first year as a college student. Si James ay classmate ko nung grade school, high school at ngayong college. Nung grade school at high school ay co-incident lang na naging mag schoolmate kami, pero ngayon sinundan ko talaga siya dito sa university na to and also i am taking Business Management dahil na rin sa both parents ko ay nasa business industry and balang araw ako daw ang papalit sa kanila. Hindi ko lang alam kay James, pero ang alam ko nasa business industry din ang parents niya, kaya siguro siya nag take din ng course na to.

-----------------------------------------------------------
Natapos ang mag-hapon na wala namin kaming masyadong ginawa dahil nga sa first day of school, diniscuss lang ng prof namin ang mga requirements namin, history ng school and rules and regulations ng school.

The Unforgettable Love (BXB)💓⌛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon