TREVOR'S POV
Sobra pa rin akong nasasaktan dahil kay mitch. Pero hindi ko din naman dapat siyang sisihin kase sinabi niya saken una pa lang na si Jamed talaga ang laman ng puso niya. At hindi niya kayang suklian ang pagmamahan na kaya kong ibigay. Kung tutuusin dapat akong magpasalamat sa kanya dahil binago niya ako. Siya ang nagparamdam saken kung paano magmahal, kung paano maging tunay na kaibigan, kung paano magsakripisyo para sa taong minanahal at kung paano matutong maging masaya para sa ikaliligay neto. Kaya naman simula sa araw na to, pinapangako ko sa sarili ko na magiging matatag na ako sa bawat hamong ibato sakin ng tadhana. At sisimulan ko yun sa unti-unting paglimot sa nararamdaman ko kay mitch. Sabi nga nila "Forget the feelings, not the friendship". Sobrang pinapahalagahan ko yung pagkakaibigan naming dalawa ni mitch. At alam kong ganun din siya. Madami siyang naitulong saken. At siya ang dahilan kung bakit ako nagpapakatatag. Kahit nasaktan man niya ako, na hindi niya naman sinasadya. Andito pa rin ako sa tabi handang tulungan siya sakaling kailanganin niya ako. Sa ngayon, mas kailangan ko munang mag focus sa studies ko at tuparin ang pangarap ko upang maging matagumpay balang araw. Ngayon ay hindi ko pa kayang makipag-usap at harapin si mitch, dahil sariwa pa ang mga sugat sa puso ko. Pero alam kong darating din yung araw na magiging maayos ang lahat at sana pagdating ng araw na yun ay magkaibigan pa din kami.
Kasalukuyan nandito pa rin kami sa canteen at kasama ko si jennie ang Ms. NPIC last year. Actually maganda siya at mabait. Hindi pa naman kami, pero sabi niya gusto niya daw ako. At gusto niya din daw akong tulungang makapag move on kay mitch. Ipinaalam ko sa kanya ang tungkol sa nangyare samin ni mitch. Nagulat nga siya at baket sa kapwa lalaki daw ako nagkagusto eh andami namang babae diyan. Sabi ko naman wala namang pinipili ang pag-ibig. Totoo naman kase talaga. Kaya pumayag ako sa alok niya, baka ito na nga rin ang paraan para makalimutan ko na si mitch.CYRILLE'S POV
"Hi guys! Finally may exposure na ako pero bat nyayon lang author? Tsee! Bestfriend kaya ako ng bida dito? HELLOOOO? Kaya dapat madalas akong may exposure right?🙄"
Author: Manahimik ka na lang buti nga binigyan ka pa ng exposure di ka naman maganda! Wag kang mag-alala madami akong plano sa character mo!
"Bet ko yan authoor"
Author: Tama na balik na sa story! Vaklang tow!Kasalukuyan kaming andito sa canteen at kumakain kasama si mitch. Nakita ko namang sincere siya sa pagkakasabi niyang masaya siya para kay trevor but nakita ko ding parang may lungkot ng berrry light:( siguro kase nanghihinayang siya sa friendship nila. Naging close din kase etong dalawang to kahit papaano. At nakita ko yun. Kaya naiintindihan ko din si mitch. Alam kong masaket din sa kanyang nakikitang nasasaktan si trevor pero kailangan din talagang maaga pa lang sinabi na ni mitch ang totoo para di na umasa si trevor. Sayang kung wala lang akong jowa, jusq. I will grab the oppurtunity to take trevor (chareng!). Ewan ko ba dito kase kay mitch sobrang mahal na mahal siya ni trevor pero mas pinili pa rin niyang umasa kay James. DAKILANG MARUPOK talaga tong bespren ko na to. Pero kerii lang yan kung san siya masaya support ko lang siya all the way!
"Mitch, kumain ka na diyan. At for sure di mo kakayaning hindi kumain kase magdudugo na naman yung utak natin mamaya sa discussion, and wag mo nang isipin muna si trevor kaya niya yan. Malakas siya. Para san pa't kakausapin ka din niyan" payo ko kay mitch.
"Ay tama ka diyan teh, di na kinakaya ng utak ko yung discussion. Pero di mo rin maaalis saken ang mag-alala sa kalagayan ni trevor ngayon lalo pa na't ako ang may kasalanan ko baket ganyan siya. Pero alam mo naman diba? Na hindi ko rin kayang makitang mas masaktan pa siya kapag pinagpatuloy niya pang ligawan ako." malungkot niyang sabi.
" Oo alam ko yun, pero wala na tayong magagawa kundi mag-antay at magtiwala sa kanya hanggang sa maging maayos na ang lahat sa inyong dalawa" sabi ko
"Sana nga cyrille." yun na lang nasabi niya.
Habang inaantay ko namang kumain si mitch ay nagtilian na naman ulit ang mga estudyante dito.
"Ano na namang meron?" pagtatanong ni mitch
"Hindi ano kundi sino?" sagot ko naman
"Bahala sila dyan!" sambit ni mitch at pinagpatuloy ang pagkain.
Habang ako nag-aabang pa rin kung sino ang pinagkakaguluhan doon.
Unti-unti nang nababawasan ang mga edstudyante mula sa pagkukumpulan habang si mitch wala pa ding pake at patuloy na kumakain. Kahit kelan talaga ang takaw netong bessy ko! Laking gulat ko nang makita ko kung sino ang pinagkakaguluhan doon.
"Ahh mitch tara na kaya! Di ka pa ba tapos?" pag-aaya ko kay mitch. Ayokong makita niya kung sino ang nandun.
"Baket ba? Ang aga pa kaya oh! Himala parang dati gusto mong magpa late after ng breaktime tas ngayon ang aga mo mag-aya may saket ma no? Teka nakilala mo na ba kung sino ang pinagkakaguluhan dun?" sagot ni mitch
"Ahh basta tara na please?" pangungumbinsi ko
"Baket nga? Lapit mo na tayo dun oh! Curious lang ako sino ba yung pinagkakaguluhan dun?" sabi niya naman.
"HUWAG!" hindi ko na napigilan ang sigaw ko.
"Hoy ano ba bat ka ba sumisigaw ayan tuloy pinagtitinginan na nila ta-ta----------"
Hindi na natapos ni mitch ang sasabihin ng makita niya kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante rito. Sabi ko naman kase sa kanya wag na eh.MITCH'S POV
Ansaket! Parang tinusok yung puso ko nang paulit-ulit. Andito kami ngayon sa canteen at nang makita ko si James kasama si Jane Andrada. Si Jane Andrada ang ultimate crush ni james noong high school, kaya lang may boyfriend si jane nun kaya naman ikinalungkot iyon ni james. Nang makita ko sila ansaya-saya nila.
"Bagay sila no? They look perfect together?" rinig kong sabi nung isa.
"Oo nga, sila na ba? Ayieee" sabu naman nung isa
Ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang anumang sandali ay may handa nang tumulo na luha. Ayokong makita nila iyon kaya naman.....
"Bes ok ka lang?" pagtatanong ni cyrille
Nagtagpo ang mga mata namin ni trevorr. Nagkatitigan kami, hanggang sa nakita kong hawakan ni jane yung kamay niya. Di ko na napigilan yung sarili ko, hindi ko na kaya.
"Ahh c-cyrille ta-ttra na" pautal utal kong sabi.
Sabay talikod ko at dun na tumulo ang kanina ko pa pinipigilan na luha. Agad akong tumakbo papaalis.
"Bes san ka pupunta?" sigaw ni cyrille.
Ngunit di ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, basta ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar na yun. Hindi ko na alintana ang mga matang nakatingin saken na nakikita nila akong lumuluha.
"Ang saket saket, wala naman akong ibang ginusto kundi ang sumaya at magmahal. Bakit pinagkakait mo saken yun ha? Baket ang daya daya mo?" sigaw ko habang umiiyak hindi ko alam kung sino ang kausap ko. Basta gusto ko lang ilabas ang lahat ng saket na nararamdaman ko..
"O-okay ka lang ba? Bat ka umiiyak?" rinig kong sabi ng isang boses.ITUTULOY..........
AUTHOR'S NOTE:
IFY mitch. Sobrang saket talagang makita yung taong gusto/mahal mong may kasamang iba. Parang tinutusok yung puso mo. Feel free to live your comments guys. And kung may suggestion kayo sa kung anong pwedeng maging flow ng story. Dont hesitate to comment!
I will accept all of your comments. Even if it is good or bad. I will accept all of it. Thank you!😉❤
BINABASA MO ANG
The Unforgettable Love (BXB)💓⌛
Romance(BxB)Isang istoryang magpapakilala sa inyo na ang pagmamahal ay hindi nakakalimot. Whatever or whenever life takes you love will always find you. Kuwento ito ni Mitchelle Ford Villegas isang taong matagal ng humahanga kay James Allen Monteverde, bat...