MALAYANG PAGTULA

25 0 0
                                    

Hi guys i made a "tula" which is entitled "MOVE ON". I will post my self made poems in in every after of a 10 chapters. Hope yah like it....

"MOVE ON"

Move on? Anim na letra dalawang salita ngunit hindi ko magawa.
Bakit nga ba?
Dahil masyado akong napamahal sa kanya?
Naging tanga at umasa
Umasa sa wala
Inakalang ikay makukuha ko na
Ngunit panaginip lang pala
Isang malaking akala.

Paano nga ba mag move on?
Paano bibitawan ang isang tao
Taong sobrang pinahalagahan mo
Taong nagpabago sa mundo mo
Taong nagturo sayo
Kung paano magmahal ng totoo
Taong sumira din sa iyo
At sa pinangarap mong mundo

Nung una akala ko masaya
Akala ko maganda
Ang ibigan kaa.
Akala ko mahal mo din ako
Akala ko pwedeng maging tayo
Naghintay ako
Umasa sa iyo
Minahal ka ng todo
Ngunit ako lang ay nabigo.

Pinilit tanggapin
Na hindi ka pwede sa akin
Na madamot ang tadhana sa atin
Ngunit anong gawin
Ikaw ay mahal ko pa din

Anong meron ka?
Bakit hindi ka mawala?
Mawala na parang isang bula
Sa isip at puso kong gusto nang kumawala
Masyadong masaket na,
Hindi ko na kinakaya,
Ang mahalin kaa
Isang malaking pagkakasala
Biniro lang ako ng tadhana
Nang matagpuan kita at ang mahalin ka
Ay labis na pinagsisihan ko na.



The Unforgettable Love (BXB)💓⌛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon