CHAPTER 9: PARTNERS

24 0 0
                                    

MITCH'S POV

Isang linggo na rin ang lumipas magmula nang mangyari ang bangayan namin ni james sa restaurant. Naging ok naman ang lahat, pagtapos nun ay naging tahimik naman ang mundo ko.
--------------------Pasok------------------------------
--------------------Uwian-----------------------------
--------------------Pasok------------------------------
--------------------Uwian-----------------------------
--------------------Pasok------------------------------
--------------------Uwian-----------------------------
Ganyan ang naging set-up ko buong linggo. Bagamat nagkikita kami ni james dahil nga sa mag classmates kami ay siguro mas pinili muna naming hindi magpansinan. Hindi niya naman ako ginu-gulo mabuti na rin yun para saming dalawa. Madalas ko siyang nakikita kasama ang tropa at si Jane mukhang nagkakamabutihan na nga talaga sila. Eto naman ako pilit nililibang ang sarili ko nang sa gayon kahit papaano ay hindi ko siya masyadong naiisip. Masyado na rin kase masaket ang lahat. Mas mabuti na yung ganito. Si daniel nga pala ay papasok na raw dito sa school next week. Palagi niya nga akong dinadalaw dito sa bahay. At kilala na rin siya nila mom and dad, mukha namang ok lang sa parents ko na maging kaibigan si daniel. Actually mas lalo kaming naging close, para ko na rin siyang naging kapatid. Si trevor naman ay kapag nagkikita kami ngitian lang ang nangyayare mas maiigi na rin yun kesa naman sa hindi niya ako pansinin.

************************************
Kasalukuyan nandito kami sa classroom ina announce nang aming prof na mayroon daw magaganap na performance task, nang sa gayon ay maipakita namin sa isa't isa ang kakayahang mayroon kami. At lalong mahubog ang talentong taglay namin. Pero ang alam ko business ang kinuha naming course bat may gantong kinemestre? Wala naman kaming ibang magawa kundi pumayag na lang. And ang nakakainis pa by pair daw para hindi matagalan pag nag perform kung gagawing individual. Sana naman maayos ang makaka pair ko shemayyy.

"Cyrille and Trevor" announce ni sir. Magkapartner si cyrille and trevor. HAHAHAHAH
"Mitch anddd-------
Juice colored sana naman matino ang maging partner ko....
"James" dugtong ni prof
Ha? Si james? Potaaaaa naman oh nag momove on ako beshy tapos pagpapartnerin mo kaming dalawa? Asan ang hustisya? Kapag nasa katwiran ipaglaban mo!!
"Sirr? Pwede po bang iba na lang partner ko? Or kahit ako na lang mag isa sir pleasee?" pangungumbinsi ko kay sir
"Mr. Villegas mamili ka magpeperform ka kasama ang partner mo? O hindi ka sasama at di kita bibigyan ng grade this semester? Ano? Madali akong kausap. My subject, My rules" sagot ni sir.
"Ano pa nga bang magagawa ko dito sa vaklang towh! Arte arte akala mo naman maganda! Nakakainis! My subject my rules pang nalalaman. Ano ka si daniela mondragon? Eh mukha ka ngang dragon. Grrr." inis na bulong ko sa sarili.
"Ano yun Mr. Villegas?" pag uusisa ni sir
"Ahh wala ho, ang sabi ko magpeperform na nga ho ako kasama ang PARTNER ko" pinag diinan ko talaga yung salitang partner at tumingin sa punyetang james na yan. Tumawa lang ang ang loko. Hayyyyyy nakakainis talaga!!!!!!!!!
"Anong nakakatawa PARTNER?" inis kong tanong kay james at inirapan siya.
"Wala" malamig niyang sabi.
"Buti naman" inis kong sabi sabay talikod sa kanya.

"By the way class, your performance will be held next week monday. Today is friday so you have two days to practice. FIGHTING! See you again next week. Class dissmiss!!" pagpapa-alam ng aming prof.
Agad naman nagsitayuan ang mga classmates ko at inayos na ang kanilang mga gamit at nakahanda nang umalis. Paalis na sana ako ng biglang mag kuma-usap sa akin.
"Ahh mitch" si james
"Anong kailangan mo?" iritado kong sabi sabay taas ng kilay.
"Narinig mo naman siguro si prof diba? Sa monday na ang performance natin" sabi niya
"Eh ano ngayon?" pagtataray kong sabi.
"Alam kong may galit ka saken, pero kailangan muna nating isantabi yun kailangan nating magtulungan para sa performance. Mag practice tayo. Kelan ka ba free? Ngayon pwede ka ba?" pagpapaliwanag niya
"Whatever. Pwede bang bukas na lang? May lakad kami ngayon ni daniel eh. Sige ah bye! Text mo na lang ako sa details" sabi ko sabay alis.
Nakita ko namang nagbago bigla ang mukha niya nung narinig niyang aalis kami ni daniel. Ano na namang iniisip niya? Na nilalandi ko kapatid niya. Neknek niya, siya nga nakikipag landian sa iba di naman ako nagreklamo. Bat nga ba ako magrereklamo eh wala naman pala akong karapatan? Hayy nako hirap talaga pag one sided love lang. JUSQ. NAGMOMOVE ON PALA AKO!! WALA AKONG PAKE KUNG MAGLANDIAN SILA! MAGSAMA SILANG DALAWA!!!!!

ITUTULOY ........

AUTHOR'S NOTE:

Hope you enjoy this chapter!!

I will accept all of your comments. Even if it is good or bad. I will accept all of it. Thank you!😉❤

The Unforgettable Love (BXB)💓⌛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon