CHAPTER 6: TREVOR'S CHANGE

27 0 0
                                    

AFTER 4 WEEKS
-----------------------------------------------------------
MITCH'S POV

After nung quiz namin na naka perfect kami ni james ay sobrang saya. Mas lalo kung tinutukan ang pag-aaral ko, paminsan-minsan ay tinutulungan pa rin ako ni james pag may mga lessons akong hindi alam. Mas lalo ko din siyang nakilala na kapatid niya nga si daniel at nag open din siya na may tampo siya sa pamilya niya dahil sa wala nga itong oras sa kanya. Nakakaawa nga siya eh. Pero hindi pa din ako makapaniwala na pinapansin niya na ako at magkaibigan na kami. Sabi ko nga kay cyrille diba? Kahit maging magkaibigan lang kami ni james ay sapat na saken.
Si trevor naman ay ayun di na masyadong nangungulit siguro napagod na rin siya kaka-suyo saken. Alam niya naman kase sa una pa lang ay si james talaga ang gusto ko. Siguro mabuti na rin yun para habang maaga pa tumigil na siya, kase kung papatagalin niya pa masasaktan lang siya. Anlakas ko magsabi ng ganyan diba? Pero ako hanggang ngayon marupok pa rin kay james. Ewan ko ba nung mas nakilala ko siya, mas lumalim yung nararamdaman ko sa kanya.
Hindi ko din alam sa sarili ko, dahil kahit alam kong di ako magugustuhan ni james pilit pa rin akong umaasa. Wala din naman akong lakas ng loob para mag confess sa kanya. Parang gusto ko na lang na sabihin niya saken ng harapan na hindi niya ako magugustuhan para mas mabilis ko na siyang kalimutan. Pag nasaktan ako, wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko. Wala namang masamang ginawa si james. Ako tong nagkagusto sa kanya, kaya di dapat tayo magalit or magtampo sa isang taong gusto natin kung hindi nila tayo magustuhan. Kase at the first place, hindi nila tayo sinabihan na gustuhin natin sila tayo lang tong nagiging tanga. Hindi natuturuan ang puso. Sa una pa lang alam ko naman na malabo ang magustuhan niya ako, pero hindi ko pa din siya magawang makalimutan. Ewan ko ba kay heart? Andiyan naman si trevor na sabi gusto ako, at hindi ako kailanman nakalimutan, pero hindi yun ang sinasabi ng puso ko. Umaasa pa rin ako saming dalawa ni james kahit alam kong malabo. (Dami kong sinabi diba? Para mapahaba yung chapter hehe😀😂)

Kasalukuyan akong papunta sa school ngayon. Late na ata ako? Pano ba naman kase nasira yung alarm clock di ko tuloy narinig yung Kill This Love ng BLACKPINK:. Ansaket nga nung lyrics nun parang ako yung pinapatamaan.

We all commit to love that makes you cry (oh)
We're all making love that kills you inside (yeah)
We must kill this love
Yeah it sad but true
Gotta kill this love before it kills you too

We must kill this love? But i can't. Ewan ko ba sa love na yan. Putchaa late na pala ako hehe nagawa ko pang kumanta.

" Let's kill this love~~ ayy este Good morning Mr. Cruz" bati ko sa aming proffessor ayun late nga ako buset na kill this love to.
"Why are you late Mr. Villegas? At anong kill this love pinagsasabi mo ha? Gusto mo ikaw i kill ko? You know that i dont want late people right?" bulyaw saken ni sir
" Yes sir, im so sorry po hindi na mauulit" paghihingi ko ng paumanhin.
" Talagang hindi na! PASOK!" sigaw ni sir saken.
"Eto talaga si bakla ang sungit wala ka lang lablayp eh ganyan ka na, tsaka kanta ng BLACKPINK yun baka ipasipa kita kay lisa. Here im kickki'n the prof~ (charot). For sure tatanda ka talagang mag-isa" bulong ko.
"May sinasabi ka Mr. Villegas?" tanong ni sir
"Ahh sir wala ho, sabi ko papasok na ho ako"

DISCUSSION.........
DISCUSSION.........
DISCUSSION..........

Ansaket na ng brain cells ko ha? My gosh my profs are really getti'n to my nerves. Kung ano-ano na kase pinagsasabi eh. JUSQ. PO SEND HELP! Kahit yung kalahati lang ng utak ni Einstein ilipat niyo saken. Hirap na hirap na ako sa mundong ibabaw. Pero lavarnn para sa pangarap pero isa lang naman pangarap ko eh siya lang~~ yieeeeeee. 
"Hoy teh, tulala ka na naman breaktime na kaya no?" sigaw saken ni cyrille
"Breaktime na pala? Sabi ko nga. Tara na I'm super hungry na as fu*kk!
"Lezgoo cyst!" sabay hila saken ni cyrille papuntang canteen.

Habang kumakain kami ni cyrille ay narinig naming nagtitilian yung ibang mga students dito.
"Uyy ano kaya yun? May pogi ba?" sambit ni cyrille
"Wala naman gwapo dito, bukod lang kay james hehe" sabi ko
"Siraulo, meron pa si trevor. " sabu niya
And speaking of trevorr siya nga yung pinagtitilian and kasama niya si Jennie yung MS. NPIC last year" sabi ni cyrille
(NPIC stands for our school which is National Peace Integrity College)
Agad naman akong lumingon sa tinitignan ni cyrille. At dun ko nakita si trevor kasama yung jennie, masayang masaya sila habang magka holding hands. Nakaramdam ako ng kirot kase ilang araw na rin akonh iniiwasan ni trevor, pero hindi ko naman siya masisi. Baka yun yung paraan niya para mag move on. Good for him that he finds the better one para sa kanya. Kung saan kayang suklian yung love na kaya niyang ibigay. Mabait na tao si trevor kaya masaya ako para sa kanya at nahanap niya na yung love na hindi ko kayang maibigay.🙂

"Hoy ano masaket ba? Nagsisisi ka na? Iniisip mo na sana ikaw yan! Ikaw naman kase eh, mahal ka na tinanggihan mo pa. Masaket? Deserve mo!" pangangaral saken ni cyrille
"Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi ako nasasaktan hindi ako nagsisisi, in fact im happy for them. Finally he finds the one for him, yung kayang suklian yung love na kaya niyang ibigay na hindi niya nahanap saken. And alam mo naman ever since na commited na ako for someone" sabi ko sabay ngiti.
"Okay, sabi mo eh but yes your committed to someone. Someone who can't love you back. Someone na ang turing sayo kaibigan lang. There's someone na kaya ka ding mahalin but you chose that someone na hindi ka nga napapansin."
" Like what I',ve said cyrille. Handa akong sumugal,magpakatanga at masaktan. Kase yun ang sinasabi ng puso ko, gustuhin ko mang makalimutan siya pero hindi ko magawa. Siguro kailangan muna akong masaktan bago matauhan. Kumain na nga lang tayo" aya ko
Nakita ko naman si trevor na tumingin sa gawi namin, nagtagpo ang aming mga mata at nginitian ko lang siya. Yung ngiting nangangahulugang masaya ako para sa kanya. Pero bigla na lang siyang umiwas. Hindi ko na lang yun pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Baka hindi niya pa ako kayang harapin sa ngayon. Baka labis ko talagang siyang nasaktan. Pero mag-aantay ako. Trevor mag-aantay ako hanggang sa araw na kaya muna akong harapin. Na napatawad mo na ako at masaya ka na. Yung araw na magpapasalamat ka saken dahil maaga pa lang binusted na kita, at dahil dun nakahanap ka na ng taong tunay na magmamahal sayo. Alam kong hindi yun madaling gawin. It takes time and bravery to move on, forgive and forget to all the pain that You've been through. Hindi ako mapapagod na antayin yung araw na yun. We can be friends. After all naging isa kang mabuting kaibigan at tao saken.

ITUTULOY..........

AUTHOR'S NOTE:

Trevor change. Will it last? Totoo kayang ok na si trevor or pinapakita niya lang kay mitch na kaya niya? ABANGAN... Sorry for short update ulit hehe:( gusto ko pa kaseng pahabain yung chapters and story.
Awiieeeeee, sana nagustuhan niyo yung update. Marami pa akong plano at twist na ilalagay sa story na toh. Hope yah like it!
I will accept all of your comments. Even if it is good or bad. I will accept all of it. Thank you!😉❤

The Unforgettable Love (BXB)💓⌛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon