MITCH'S POV
"O-okay ka lang ba? Bat ka umiiyak?" agad kong nilingon kung sino yung nagsalita nun,
"D-daniel?" takang sabi ko.
"Ahh-ehh Hi Mitch!😉" sabi niya naman
Eto na naman ho siyaa yung kindat niyaaa, pero salamat na rin at dumating siya medyo gumaan yung pakiramdam ko.
"Mitch ok ka lang ba? Kanina ka pa tulala diyan, tapos naabutan pa kitang umiiyak. Ano bang nangyare? Pina-iyak ka na naman ba ni kuya?"
Kanina pa pala ako hindi umiimik. Kung pwede lang sabihin sa kanya na oo pina-iyak ako ng kuya mo kase may iba siyang kasamang babae.
Kaso hindi pwede eh. Mamaya kung ano pa isipin neto.
"Ahh hindi ok lang ako, may iniisip lang. Tsaka napuwing lang ako kanina" pagpapalusot ko.
"Ahh sige sabi mo eh pero halata naman umiyak ka eh" pabulong niyang sabi na medyo hindi ko narinig.
"Ano yun? May sinasabi ka?" tanong ko
"Ahh wala, ang sabi ko ahhh" sagot niya namanMarami kaming napag kuwentuhan ni daniel, syempre hindi nakaligtas dun si james, kahit ayokong marinig man lang yung pangalan niya ay wala na akong ibang magagawa. Kahit nasaktan niya ako kanina ay meron pa rin sa loob ko ang curiousity na malaman ang iilang bagay tungkol kay james. Nalaman kong hindi sila masyadong close, dahil madalang daw makipag-usap sa kanila si james. At lagi daw itong nagsusungit. Sinabi niya rin na sa galing siyang states, doon siya lumaki. Kaya pala hindi ko siya kahit kelan man nakitang kasama ni james.Nai-kuwento ko din sa kanya ang iilang bagay tungkol saken. Sa ilang oras naming nagkuwentuhan ni james ay ramdam ko naman mabait at responsable siyang tao. Nakakatuwa lang na nung una ko siyang nakilala ay para siyang uto-uto at tanga. Kaya din pala siya nandun nung araw na nagkita kami ay mageenroll daw siya dito sa school.
"Ahhh talaga? Ok yun magkakasama at makakapag kuwentuhan pa tayo." tugon ko.
" Kaya nga, sana lang di itong ang huli nating pag-uusap"
"Oo nga eh, ang saya mo pala kausap" nahihiya kong sabi.
"Ha? Baket?" tanong niya naman
"Kase nung nagkita tayo at sinabi kong may demonyo sa classroon namin at kuya mo pala yun para kang batang excited na makakita ng laruan" natatawa kong sabi
"Hoy, magpasalamat ka nga sinakyan ko yung trip mo nung araw na yun. Kase nakita kong malungkot ka" sarkastiko niya namang tugon.
" Edi thank you po!!!!!" sabi ko sabay bow sa kanya.
"HAHAHAHAH siraulo!"
Buti na lang pala talaga dumating tong lalaking to kahit papaano ay nakalimutan ko yung saket na nararamdaman ko. At naisip ko na ring iwasan na muna si James para hindi na rin ako masaktan. Sana lang habang ginagawa ko yun ay iwasan niya rin ako at mag focus siya dun sa babae niya. At sana dumating yung araw na makalimutan ko yung matagal ko nang nararamdaman sa kanya. Ansaket saket kase eh.
"Uyy daniel tara na kaya, mag gagabi na rin pala, salamat pala ahh! Nag enjoy ako ng sobra"
"No problem basta ikaw!😉"
Ayan na naman siya sa kindat kindat kineme niya. Nahiya tuloy ako bigla.
"Hoyy mitch!! Tara na kaya?" aya niya naman
"Ayy sabi ko nga tara na!"-----------------------------------------------------------
Kasalukuyan ay andito kami sa isang restaurant inaya pa kase ako ni james kase pinag-laanan ko daw siya ng oras. Ako nga dapat tong magpasalamat sa kanya eh, kase pinagaan niya yung loob ko. Eh wala eh mapilit talaga tong lalaking to kaya wala na akong nagawa.
"James salamat talaga ah, nakakahiya talaga sayo, kakaka-usap pa lang natin nililibre mo na agad ako"
"Sabi ko naman sayo diba? No problem ako nga dapat magpasalamat kase nakipag-kuwentuhan ka saken" sabi niya naman
Ang bait talaga netong lalaking to, malayong-malayo dun sa kuya niyang asungot!!!
Speaking of asungot, may nakita akong papasok sa restaurant na pinuntahan namin at si James kasama si Jane? Mukha silang masaya at madaming taong nakaagaw pansin nang dumating sila. Mukha din silang perfect together. Bigla na lang tumulo yung luha ko ng di ko namamalayan agad ko naman itong pinunasan at mabuti na lang walang nakakita. Tinignan ko naman sila at tumingin sa gawi namin si james, agad naman akong umiwas ng tingin.
"Ahhh daniel pwede bang umuwi na tayo?"
" Sige ok lang, tutal tapos na rin naman akong kumain" sabi niya naman.
Bigla namang may nagsalita......
"Oh daniel? Andito ka pala! Anong ginagawa mo rito" si james
"Ahh inaya ko kase tong si mitch nagka kuwentuhan lang kami kanina, nakita ko kase siyang u-----"
Di ko na siya pinatapos magsalita dahil ayokong i kuwento niya pa kay james yung nangyare.
"Ahh daniel una na ako ah? Medyo late na rin kase eh, hinahanap na ako samin" pagputol ko sa kanya.
"Ah sige hatid na kita" aya niya.
"Wag na! Kaya ko na namang umuwi. Mag-aabang na lang ako ng jeep sa labas"
"I insist, ako naman nag aya sayo dito eh, kaya responsibilidad kong ihatid ka" pamimilit niya
"Ang kulit mo talaga, oh sige na nga di na ako kokontra baka bukas pa tayo matapos sa bangayan" natatawa kong sabi.
Pilit kong nagpapaka normal sa harap ni james. Ayokong mahalata niya ako.
"Kuya mauna na kami"
Tumango lang si james, lalabas na sana ako nang hinawakan ako sa braso ni james nang mahigpit.
"Aray! Ano ba, bitawan mo nga ako!" pagsigaw ko hindi ko na alintana ang matang nakatingin samin ang gusto ko na lang ay umalis sa harap nitong taong to.
"May problema ba tayo? Bat di mo ko kinakausap at tinitignan?" iritado niyang sabi
"W-wala, at tsaka sino ka ba para pagtuunan ko nang pansin ha?" pagtataray ko naman.
Nakita ko naman napa kunot siya ng noo...
"Wow! Ano bang problema mo ha? Akala ko ba ok na tayo? Nag sorry na ako sayo diba?" pasigaw niyang sabi.
"Ang sabi ko wala nga diba? Tara na daniel"
Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.
"Aray!! Ano ba? BITAW!!!!!!" sigaw ko ulit.
"Kuya tama na! Nasasaktan na si mitch" pag-awat ni daniel
"Wow! Ano nilalandi mo ba yang kapatid ko ha? Inakit mo ba siya para dalhin ka niya dito? Ginayuma mo siya?"
Halos manlumo ako sa narinig ko mula sa kanya. Tangina all this time ganyan pa rin siya??
Agad ko naman siyang sinampal ng malakas
Nagulat siya sa ginawa ko!!!
"Ano nagulat ka ba? Di mo inexpect? Masaket ba? PUTANGINA all this time ganyan pa rin pala tingin mo saken? Ano puro ka plastikan lang pinakita mo? Sana di ka na lang nag sorry saken james. TANGINAAAA!!!!!!" halos mangiyak ngiyak kong sabi.
"What's going on here" pagsingit naman ni jane.
Lumuwag ang pagkakahawak ni james sa braso ko kaya mabilis kong natanggal iyon.
Hinila ko palabas si daniel
"Mitch ok ka lang?" pag aalala niyang tanong.
"Ihatid mo na lang ako daniel please" sabi ko naman habang umiiyak.
"MITCHHH!!!!!" pagsigaw ng isang boses
Si james, hindi ko siyang nilingon at agad pumasok sa kotse ni daniel. Papalapit siya sa kotse ni daniel.
"Daniel tara na pleaseee!!!"
"P-pero si kuyaa?"
"Please daniel" pagmamakaawa ko.
Agad niyang pinaandar ang sasakyan at hindi nga kami naabutan pa ni james. Sobrang saket na talaga.
Baket laging si james na lang ang dahilan kaya lagi akong nasasaktan at lumuluha? Ansaket lang marinig sa taong mahal mo ang ganung mga salita. Alam ko naman ginusto ko to eh, ang mahalin siya. Dapat ko na talaga siyang kalimutan.....ITUTULOY.......
AUTHOR'S NOTE:
Hi dear readers. I hope your enjoying the story. Keep reading!!!!!!🙂☺
I will accept all of your comments. Even if it is good or bad. I will accept all of it. Thank you!😉❤
BINABASA MO ANG
The Unforgettable Love (BXB)💓⌛
Romance(BxB)Isang istoryang magpapakilala sa inyo na ang pagmamahal ay hindi nakakalimot. Whatever or whenever life takes you love will always find you. Kuwento ito ni Mitchelle Ford Villegas isang taong matagal ng humahanga kay James Allen Monteverde, bat...