Chapter 6
Tatlong araw na ang nakalipas simula ng dumating siya dito.Binabantayan pa din niya ang kaniyang ina na bumubuti na ang lagay.
Tatlong araw na din na wala siyang kumunikasyon kay Havoc.Wala naman s'yang ibang phone number nito.At panigurado na busy din ito.
Para na nga s'yang tanga kahihintay sa text nito. Binigay lang nito ang isang papel na may nakalagay na line Id. Sinubukan niya doon tumawag pero bawal. Baka mali lang ang nabigay na number sayo Spring.
'Sige umasa ka pa Spring ikaw lang naman masasaktan'
Bakit naman kasi hindi niya naisip na ibigay ang number niya dito incase na hindi nga niya matawagan. Kagagawan ito ng kahibangan niya sa tuwing malapit sa kaniya si Havoc.
Kahit naman siguro hindi niya aminin nahulog agad siya sa binata. Ang dali niyang ma attached at mahirap din siya maka move on.
Maraming tanong ang bumabagabab sa isipan niya at isa na dito kung naiisip din ba siya ni Havoc?Namimiss din kaya siya nito?
Nanggigil na tumayo siya.Natumba ang plastic na upuan kaya napatingin sa kaniya ang kanyang ina at dalawang kapatid .
"May problema ba Spring?" pagtanong ni nanay .Kaya napapahiyang ngumiti s'ya dito.
"Wala po nay!May iniisip lang" umuwis siya sa titig nito.
"H'wag mo na s'yang isipin.Iniisip ka din nun" wika ni nanay.Wala naman itong pinupunto pero bakit pakiramdam ko na si Havoc ang tinuturan nito.Namula ang aking pisngi at nahihiyang tumingin dito.
"Sino ba iyang iniisip mo?Nobyo mo?"pagtanong pa ni mama.Kaya mas lalo nang-init ang mukha ko pati yata tenga eh .
"Hindi po nay!S-sige po labas muna ako.Bibili lang po ako ng prutas nyo"
"Ate ice cream ha!"paghabol ni Bunso.Bago ako lumabas tinuro ko muna ito at kinindatan.
Sa totoo lang pangarap ko talagang maging nurse.Pero wala eh!Hindi natapos.Kaya minsan naiinggit ako sa mga nurse ngayon dito.Eto 'yong gusto ko eh!Pero hindi pinagkalooban.
Pagkalabas ko ng hospital naglakad lang ako.Malapit lang naman dito iyong palengke.Doon nako bibili ng mas mura at kasya sa badget.
Napahinto ako ng maramdaman ko na parang may sumusunod sakin.Nilingon ko ito ngunit wala.Baka guni-guni ko lang.
Ipinagsawalang bahala ko nalang ito at nagsimula muling naglakad.Nakarating ako sa maingay at magulo na palengke.Sanay nako dito kaya ayos lang.
Nagpunta ako sa fruit section dahil doon naman talaga ang pakay ko mga prutas.
Namili pa ako ng magandang uri.Dito sa palengke sariling kuha at pili.Pag hindi ka marunong pumili mapupunta sayo masamang uri.
'Pfftt magkatugma'
"Magkano po ang kilo sa mangga?" kinilatis ko ito. Tiningnan ko kung nabubulok na ang ibang partem
"Singkwenta one fourth ineng" sagot ni ateng tindera.
"Ang mahal naman po" reklamo ko.
"Mahal na talaga ngayon ang magga ineng .Dahil sa kulang ng supply" napakamot ito sa ulo.
Tsk andami pa netong sinasabi
"180 isang kilo ale"suhestiyon ko.
"185"pagsagot pa nito.
"180 nalang ate!Masyado ka naman, dali na po" nagpacute pa ko dito.Natatawa itong tumingin saken.
"Sige na nga" naiiling na wika nito.
Halos mapatalon pa ko sa tuwa dahil dito.Yes!Nakatawad .
Nakangiting inabot ko ang bayad dito.Talaga na sinakto ko na baka hindi nako suklian ni ale eh!.
Napahinto na naman ako ng maramdaman ko muli na may sumusunod sakin.Luminga linga ako at nakita ko ang isang lalaki na nakacup at ngumisi sakin.Kaya nagtayuan ang balahibo ko .
Agad akong umalis at mabilis na naglakad.Kinakabahan na pumasok ako sa isang department store.Inihabilin ko muna ang aking binili saka nagtungo sa ice cream section.
Luminga linga siya at nakita na naman niya yung mamang nakasombrero.
Natatakot na nagtago siya.Kahit na madali siyang matatangpuan nito.Napamura ako sa gulat ng nasa tapat ko na ito.
Napaluha nalang ako sa takot.Ano bang kailangan neto sakin?
Napaatras ako habang ito naman ay nakangisi.Ngayon nakikita ko na ang nakakatakot nitong mukha mas lalo akong kinabahan.
Bakit sa walang tao ka kase pumunta Spring.Pagalit niyang turan sa sarili.Baket kase ang tanga ko?
Sino nalang tutulong sakin."S-sino ka?"nanginginig na tanong niya.
"Limot mo na agad ako Spring" sa boses pa lang nito nakakapangilabot na.Napahikbi ako sa takot ng makilala ito.Kailan pa ito nakalabas ng kulungan?.
Eto lang naman yung pumatay sa tatay ko.Namumutla at pinagpapawisan na siya.
"A-anong kailangan mo s-sakin?"umiiyak na tanong ko.
"Buhay mo" nalulukong ngisi nito.
Napatingin siya sa nahawakan niya.Isa itong noodles.Walang pag-aalinlangan niya itong ibinato at tumakbo.
Nagtataka ang mga tao roon.Lumapit ako sa guard."T-tulong"
Gulat ang bumakas sa mukha nito."Ma'am anong nangyare sayo?"
Natatakot na tiningnan ko ang lalaking iyon."K-kuya guard.Mamatay t-tao yan!" turo ko dun sa lalaki.
Agad naalarma iyong guard at lumapit don sa lalaki.Ngunit bigla itong sinaksak ng lalaki kaya napatigil si manong guard.
Lumapit ito sakin ng may ngisi habang hawak hawak ang kutsilyo na may dugo.Nanginginig ang aking kalamnan sa takot.
Akmang isasaksak na ito sakin ng biglang may humawak sa kamay nito at napatigil.Nakamask iyong lalaki at naka jacket naalala ko tuloy yung lalaki sa bus.
Agad nitong binigyan ng mabibigat na suntok hanggang sa matumba ito.Dumagan naman si Mr.Hood boy at walang tigil na sinuntok ang mukha nito.
Humikbi lang siya dito sa tabi.Napatigil siya ng biglang marinig ang serena ng pulis.
Tumingin siya sa bungad at pumasok roon ang pulis .Tumigil sa pagsuntok iyong lalaking naka hoodie at hinawakan ng pulis.Akmang lalagyan ito ng posas kaya nakialam nako.
"Teka ho!Hindi po siya kasali" pagpigil ko. Nakita ko pa ang posas na hawak nito.
"Huwag mo ng pagtakpan miss.Kasabwat siya nito"turan ng pulis
"Hindi ho!S-siya ho yung tumulong samin" wika ko.
"Oo nga maniwala ka naman sa babae mamang pulis"
"Kung hindi yan dumating edi sana may saksak na kaming lahat.Ang tagal niyong dumating" singhal ng isang ale kaya sumang-ayon lahat.
Napapahiyang binitawan ni mamang pulis si Mr.Hoodie.Magpapasalamat sana ako dito kaya lang mabilis itong lumakad papalayo.
Nahuli na din ang lalaking iyon.Hinding hindi ko makakalimutan ang walanghiya na lalaking iyon.Siya ang dahilan kung bakit namatay si tatay.Dinala na din sa hospital si Manong guard.
Nanghihina niyang binayaran ang biniling ice cream .
Natrauma siya sa nangyare .Kaya nanghihina siyang naglakad patungo ng hospital.
Namumuo na din ang luha sa kaniyang mga mata dahil na din naalala na naman niya ang kaniyang ama na walang hiyang pinatay ng ganon nalang.
•••••••
Ayt
Ps:HAHAHHQHWHQ edi wow. Jeje days pa 'to ang daming errors.
BINABASA MO ANG
Forbidden job.
General FictionYou will do the things you never did before. For the sake of your family. Money is needed to survive in this cruel world.