Chapter 10
NGAYON ang labas sa Hospital ng ina ni Spring.Magaling na ito kaya napanatag na ang pakiramdam niya. Kung tatanungin kung sino ang nagbayad ng hospital bills.Ay si Havoc lang naman.Masyadong malaking pera ang ibinayad nito sa Hospital.
"I need to go .May business meeting pa ako.Sumunod ka nalang mamaya Spring . I'll wait for you" nagmamadaling usal nito .
Tumango siya at naghihintay sa goodbye kiss nito pero wala siyang natanggap .Akmang hahalikan niya ito bigla itong sumakay sa kotse at di man lang nakita ang gagawin niya.
Pain sudden came up.Nasaktan siya dahil hindi man lang siya nito binigyan ng halik.Mas lalo siyang nasaktan siya ng bigla nalang ni Havoc paandarin ang sasakyan na hindi man lang s'ya nisusulyapan.
"Oh bakit parang nagmamadali 'yang nobyo mo anak?" pagtatanong ng ina niya.Hinarap niya ito at binigyan ng pekeng ngiti.
"May business meeting pa ho 'yon nay.Alam nyo na po pag mayaman ganyan ang ginagawa patungkol sa negosyo"
"Kailan ang balik mo sa Maynila?"
"Mamaya na siguro nay.Gabi nako mabyahe" pag sagot ko.
"Magpasalamat ka sa nobyo mo kat-kat .Kung hindi niya binayaran ang mga bills natin baka di pa rin ako nakalabas ng hospital"
"Nasabi ko na 'yan kanina ma."
"Magluluto ako ng biko ibigay mo yan sa nobyo bilang pasasalamat"
"Nay hindi pa pwede.Hindi ka pa magaling.Bilin ng doctor na wag gagawa ng kahit ano.Tanging kumain at magpahinga lang raw"
"At bakit?May doctor ba dito ha!Wala naman" matigas ang ulo nito. Hindi na naman siya papakinggan nito.
"Ako!ako iyong doctor mo rito sa loob ng bahay"
"Gagawa lang ako ng biko.H'wag ng masyadong mag-alala tulungan mo nalang ako." ayaw papigil na wika nito.Kung gusto maraming paraan o dahilan.Sa kaso ng nanay niya gusto nito at walang makakapigil.
Kaya sa huli s'ya rin ang natalo.Kaya tinulungan na niya ito.As much as possible konti lang ang paggalaw nito .Mas nakakatuwa pa rito.Nag eenjoy siya sa paggawa ng biko.Naisip niya na gawan ng ibang hugis iyong ginagawa nila.Kaya kumuha siya ng lalagyan na hugis puso at doon nilagay ang biko na ginawa.
Napatigil siya ng mapansin may nakatitig sa kanya at don nagtama ang mata nila ng kaniyang ina.Nagulat pa siya kapangkuwan ay ngumiti.
"Mahal mo ba talaga ang lalaking yon?" biglang pagtanong nito kaya hindi agad siya nakasagot.Isa na rin sa dahilan na hindi pa s'ya sigurado sa nararamdaman niya.Kasi pinangako niya sa sarili na iisang lalaki lang ang mamahalin niya.Ito ay ang lalaking tumulong sa kaniya na makauwi sa bahay nila.Hindi niya alam ang pangalan nito at hindi na niya muli itong nakita.
"Sa nakikita ko Kat-kat. Mahal mo ang binatang 'yon.Hindi ka naman mag e-effort ng ganiyan kung hindi mo mahal diba?" sandali itong tumigil sa pagsalita at hinawakan ang pisngi niya "Sundin mo lang ang tinitibok ng puso mo.Twenty five ka na Kat-kat oras na rin para maghanap ka ng mapapangasawa mo"
"Nay!Ano ka ba!Mag-aaral pa nga ako e"
"Pagsabayin mo,hindi ka na teenager para pagbawalan ko pa.Hala!mag-ayos ka na ng gamit mo." mahina ako nitong tinutulak papunta sa kwarto.
"Pinapaalis mo na ako ma?" pag arte niya dito.Sa halip na yakap ang makuha niya isang malakas na batok ang natanggap niya
"Oo" aww heartless
BINABASA MO ANG
Forbidden job.
Fiksi UmumYou will do the things you never did before. For the sake of your family. Money is needed to survive in this cruel world.