Chapter 5

10.2K 207 2
                                    

Chapter 5

Kanina pa siya naiirita sa katabi niya. Nakasandal na ang ulo nito sa kaniya.Hindi naman niya makita ang mukha nito dahil may suot itong mask at sumbrero kahit nasa loob sila ng bus. Mata lang nito na nakapikit ang nakikita niya.Laking pasasalamat niya ng isang baranggay nalang malapit na sila sa terminal.Inihanda na niya ang kaniyang gamit at hindi alintana ang ginawa niyang pagbawi ng kaniyang balikat.Tiningnan muli niya iyong lalaki natutulog pa din ito.

'Hayst salamat at di niya naramdaman' nakahinga siya ng malalim.Kasi aasahan na niyang bubulyawan siya ng lalaki.Pwede naman kase niyang tanggalin sa malumanay na paraan pero 'yong ginawa niya,walang pasabi niyang inalis.

Paghinto ng bus sa terminal ngayon lang niya napansin na gabi na pala.
Nagtawag siya ng tricycle at doon sumakay.
Magsolo niyang binyahe ang daan patungo sa kanilang tahanan.Malapit lang ito mga trenta minuto ang byahe .

Malapit lang ay bahay niya sa kabayanan. Sa isang taon niyang hindi pag-uwi marami ng nagbago sa lugar na ito. Hindi na rin sasakit ang pwet niya sa pagkakaupo sa tricycle dahil sa mabatong daan dati.

   
Nakita agad niya ang bahay nilang napa-ayos niya konti-konti. Ang dating makulay na bahay nila ay ngayon madilim at tahimik.
Kaya napabuntong hininga siya.

Mabuti at may susi pa s'ya ng kanilang bahay . 
Pumasok s'ya don at inilagay lang ang gamit sa loob ng kaniyang kwarto at muling lumabas.Marumi na din ito dahil siguro sa wala ng naglilinis at naroon sa hospital nagbabantay.
Nagsimula niyang niligpit ang mga kalat sa sala.Nagpunas na din siya ng lamesa at winalisan ang sahig.

May mga pinggan na hindi pa nahuhugasan kaya hinugasan niya iyon.Pinalitan niya ang tubig na nakastock lang ron baka pamugaran ng lamok.Pagod siya ng matapos niyang linisin ito. Alas otso na ng gabi kaya nakaramdam na siya ng gutom. Nagtimpla siya ng kape. Naghanap siya ng pwedeng makain sa kusina tanging isang lata lang ng sardinas. She was about to open it ng may biglang kumatok.

Napatingin siya sa pinto pagkarinig niya sa katok. Hindi muna niya nilapitan pero hindi pa rin ito tumigil kaya naman napilitan na rin siyang puntahan iyon.
Inilapag niya ang kaniyang iniinom na kape sa lamesa at pinagbuksan iyon.

Bumungad sa kaniya ang kanilang kapit bahay na may dalang pagkain.   

“Oh ikaw pala iyan Kat-kat kailan ka pa dumating?”  gulat na turan ng kanilang kapitbahay na si Manang Belen.Isa itong kaibigan ni Nanay at talaga naman na mabait at mapagbigay ito.

“Kanina lang po manang belen”magalang na sagot niya sa matanda.

“akala ko'y umuwi saglit dito ang iyong kapatid. Nakita kong bukas ang ilaw kaya pumunta ako dito" paliwanag nito. Sinuri nito ang kabuoan niya.

" Ah ganon po ba?" naiilang siya sa ginawa nitong titig.

“Eto oh!may pagkain akong inihanda sobra ito kaya sayo nalang.Pwede mo din dalhan si kumare saka yung dalawang kapatid mo!”wika nito.Napangiti ako sa tuwa .Ganito talaga dito sa probinsya nagbibigayan.Marunong ka lang makisama marami ka ng kaibigan.Dito ako lumaki kaya alam ko na ang mga ugali nila.Likas talaga dito sa bayan namin ang mapagbigay.

“Maraming salamat ho”nahihiyang turan ko.Kinuha ko na din ang binigay nito dahil bawal tumanggi sa grasya.

   
“Aba kita mo nga naman oo.Napakaganda mong bata ka mana ka sa nanay mo”pambobola pa nito.Ngiwing tumawa ako dito.

“Salamat po ulit” 

“Bagay na bagay kayo ng anak ko Kat-kat”tuluyan napawi ang ngiti ko. Simula bata pa lang lagi nitong nirereto sakin si Baldo.

"Eh?" si baldo?Parang kuya lang ang turing ko dun eh?Saka di ko type .

  
Napansin nito na nagbago ang expression ko kaya pagak itong tumawa.

“Siya ako'y aalis na ingat ka dyan .Puntahan mo na din ang nanay mo sa Hospital”    

Ngumiti sya dito at tumango.
Umalis na din ito kaya sinara muli niya ang pinto.
Inihanda niya ang pansit habhab na binigay nito.May kasamang suman at puto.

Paborito nya ito at isang taon na s'yang di nakakain nito.

Masyado itong marami kaya inilagay niya ang natira sa Tupperware at dadalhin niya sa hospital.

  
Pagkatapos niyang kumain hinugasan lang niya ang plato at nag bihis muli dahil pupunta siya sa  hospital.    

Ilang minuto lang ang tinahak niya. Mabilis siyang nakarating sa hospital.  

“Anong room ho ni Mrs.Dela Reez?” tanong niya sa nurse .

     
“305 po maam” pagsagot nito.     
Mabilis niyang tinungo ang kwarto na binigay ng nurse.

Pagbukas palang niya ng room  bumungad sa kaniya ang dalawang kapatid na nakabantay sa nanay nilang natutulog.

    
Nang mapansin siya nito bigla itong tumakbo sa gawi niya.    
“Ate”
sabay yakap sa kaniya napaiyak nalang siya sa sobrang pagka miss sa kapatid.

“Kamusta ang nanay?”pagtanong niya pagkatapos kumalas sa yakap nito.

     
“Ayos na ate na operahan na si nanay”
pagsagot nito kaya napatango siya.

“Kailan ang labas ni nanay?”

“Sa susunod na linggo pa ate”    
Tumango tango siya at pinagmasdan ang ina .

“May dala akong pagkain. Kumain na kayo hwag kayong magpapalipas ng gutom” inilapag ko ito sa maliit na mesang naroroon. Binigay ko naman ito sa kanilang dalawa. Bumili rin ako ng ibang pagkain sa labas bago pumasok dito sa loob.

Mahimbing ang tulog ni mama sa hospital bed. Umupo ako sa may tabi nito. Habang iyong dalawa ay busy sa pagkain.

Makikita mo rin sa kanilang dalawa ang pagod. Sa umaga mag-aaral at sa gabi magbabantay dito sa hospital.

"It's almost 10 pm na, hindi pa ba kayo matutulog?" tanong ko. Pareho silang busy sa pag sagot sa assignment nila.

" Malapit na kaming matapos ate" sagot nilang dalawa. Tumango ako at lumapit dito.

Tinulungan ko na rin sila para mas lalong mapadali.

"Matulog na kayong dalawa sa sofa. Ako muna ang magbabantay kay mama"sabi ko. Wala silang nagawa kundi ang sumunod. Tulog na silang lahat habang siya ay gising pa din at hindi makatulog.

  
Iniisip pa din niya ang ginawa niya.Sigurado na magagalit ang kaniyang ina pag nalaman nito ang pinasok niyang trabaho.

Wala syang magagawa dahil buhay ng nanay niya ang nakasalalay dito.

Hindi siya nalalayo sa bayaran na babae let say pokpok na papatol kung kani-kanino.
Pero sa lagay ko ngayo highclass bitch s'ya at iisang lalaki lang ang gumagalaw sa kaniya pero still binabayaran pa din  pagkatapos makipagtalik.Ang sakit isipin pero totoo.

Karamihan sa gaya ko ay ginagawa ito para lang mabuhay kase no choice sa unfair na mundo.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

:-)

Forbidden job.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon