"Diba nakita mo yung nangyari kanina?" tanong ko kay aiden.Hinintay ko ang sagot nya habang nakatanaw ako sa dinadaanan namin. Tinignan ko sya dahil hindi parin ito sumasagot. Seryoso syang nag dadrive at nakatingin sa dinadaanan namin pero alam kong may malalim syang iniisip.
"Den." kinalabit ko sya.
"What?" tanong nito at nag
natauhan na."I said, diba nakita mo ang nangyari kanina?" tanong ko.
"Wait, ano ulit yung tinawag mo sakin kanina?" tanong nya.
"Anong tinawag? nililihis mo lang yata yung usapan eh." sabi ko.
"Hindi yung tinawag mo sa akin." sabi nito.
Inisip ko naman kung ano iyon.
"Den?" tanong ko.
Bigla syang natahimik ulit at seryoso nanamang tumingin sa dinadaanan namin. Nagtataka kung bakit bigla nalang itong umiling.
"Ano ulit yung tanong mo kanina?" tanong nya.
"Ayos ka lang ba?"
"Yes dont mind me, so ano yun?" tanong ulit nya.
"Diba nakita mo yung nangyari kanina?" tanong ko.
"Yes." maikling sagot nito.
"Bakit hindi ka nagagalit sakin?"
"Bakit naman ako magagalit sayo?" tanong nya.
"Kasi si-sinambunutan ko si audrey, hindi ko nga alam kung bakit nagawa ko iyon. Nasaktan na nga ako, nakasakit pa ako ng ibang tao." napayuko ako.
"Im not mad at you, maybe a little. Naiintindihan kita, kanina nga lang gusto kong sapakin yun si france kaso magmumukha akong tanga. Wala akong karapatan para gawin yun." nakita kong humigpit ang hawak nya sa manubela dahilan para magsilabasan ang mga ugat nya.
Nanatili parin akong nakayuko hindi alam ang sasabihin.
Maya-maya pa ay huminto ang sasakyan sa isang.....
"Playground?" mahinang sambit ko.
Bumaba na ito ng sasakyan at hinintay kong pagbuksan nya ako ng pinto pero ang mokong ay nag-lakad pa puntang swing.
"Ang ungentleman naman nito." buti pa si france.
Napailing ako sa naisip ko,bumaba na ako sa kotse at pinuntahan sya.
Umupo ako sa katabi nyang swing at nagsimula akong iduyan ang sarili ko.
"Bakit ang tagal mo?" tanong nya.
"Wa-wala." nahihiya naman akong sabihin na hinintay ko syang pagbuksan ako ng pinto.
"Hindi kana iiyak?" tanong nya.
"Mamaya nalang sa bahay."
"Your funny." sabi nya.
"Bakit?, gusto mo bang umiiyak ako?" tanong ko.
"Oum ang pangit mo eh." asar nya.
Napahinto naman ako sa pagsuswing at napatulala, naramdaman ko yung mga luha kong nagbabadya nanamang bumuhos.
"A-are you okay? akala ko mamaya ka pa iiyak?"
"Sira! wala to." sabi ko at nagswing ulit habang nakatingin sa langit.
"Hindi ako maganda, kaya nya ako sinukuan." sabi ko at tuluyan ng lumuha.
Hindi sya nagsalita pero ramdam ko yung titig nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Amor Fati
Teen FictionAkala ni Natalie ay magtutuloy-tuloy na ang kasiyahan ng buhay pag-ibig nya kay France dahil nasa kanya lang ang atensyon ng lalaki at lagi sya nitong pinapakilig, ngunit nag iba ang lahat nang dumating ang first love ni france na ex girlfriend nito...