KABANATA 12

59 4 0
                                    

After umalis ni aiden ay umakyat na ako sa kwarto ko at nagkulong doon. Hindi ko alam kung makakayanan ko pa bang mag stay sa party na iyon na matagal. Siguro mamaya nalang ako bababa wala naman na siguro sila doon mamaya..

Hinubad ko ang suot kong sandals at humiga sa kama ko. Nakatulala lang ako sa kisame at iniisip ang nangyari kanina. Masyadong maraming nangyari ngayong araw may mga mabagay akong natuklasan at may mga bagay rin akong nadiskubre patungkol sa akin.

Hindi ko akalain na magagawa ko yung nagawa ko kanina sa lalaki at masasabi ko yung mga salitang iyon kay france, para bang unti unti na akong nag-iiba.

*Ringgg~ Ringggg~*

Napatingin ako sa cellphone ko dahil may tumatawag doon, agad ko iyong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag.

*Kuya Nath Calling*

Nang malaman ko kung sino ang tumatawag ay agad ko itong sinagot.

"Hello kuya?"

[Hi my princess.] napangiti ako dahil sa sinabi nya. Ohh how i miss my brother.

"Bakit ka napatawag kuya?" tanong ko.

[Bakit ayaw mo ba?] birong sabi nya sa kabilang linya.

"Hi-hindi naman sa ganoon kuya, may problema ka ba?"

[Silip ka sa bintana tapos tingin ka sa labas.]

Agad kong sinunod ang sinabi ni kuya at doon ay nakita ko sya at naka upo ito sa motor.

"Oh my kuya bababa ako dyan wait lang." excited na sabi ko.

[Hahaha sige see you princess.] pinatay na nya ang tawag at dali-dali akong bumaba para puntahan si kuya.

Pagkababa ko ay napansin kong marami paring tao at nagkakasiyahan parin hanggang ngayon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at malapit na sana akong makalabas sa gate ng may humawak sa palapulsuhan ko. Napalingon ako at tinignan kung sino iyon.

"France?"

"Where are you going?" tanong nya sakin.

Biglang kumabog ang dibdib ko. No nathalie alalahanin mo ang sinabi ni aiden. Huwag mong ipakita na gustong gusto mo parin sya.

Huminga ako ng malalim at tinignan sya ng bored look.

"Why do you care?" tanong ko na may pagkamalditang tono.

Nakatingin lang sya sa  mga mata ko at hindi nagsalita.

Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa palapulsuhan ko.

"Wala ka bang sasabihen? Makakaalis kana." sabi ko't tinalikuran na sya at lumabas ng gate.

Agad kong nilapitan si kuya at niyakap ng mahigpit.

"Congratulations my introvert sister." bulong ni kuya sakin habang nakayakap ako sakanya.

Napakalas ako sa pagkakayakap ko sakanya at mahina syang hinampas.

"Kuya naman inaasar mo nanaman ako, atsaka im not introvert anymore may mga friends na ako noh." nakangiting sabi ko.

"Talaga ilan?" natatawang sabi nya.

"Dalawa pero atlis meron na." pagmamalaki ko sakanya.

"Buti naman at may kaibigan kana, subukan mo pang makihalubilo sa maraming tao para naman hindi ka laging lonely." sabi nya sa akin.

"Yes kuya ang saya pala magkaroon ng hindi lang isang kaibigan." nakangiting sabi ko.

"Good to hear that, oh by the way before i forgot." may inilabas si kuya sa bulsa nyang maliit at napakahabang box, binuksan nya ito at ang laman noon ay isang kwintas.

Amor FatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon