KABANATA 3

47 3 0
                                    

Wala kaming pasok ng five days dahil kasama yung school namin sa sports fest. Kailangan kasi naming suportahan ang mga players ng school namin. Lahat yata ay nanonood maliban lang sakin, nasa bahay lang ako at nagmumukmok sa kwarto. Apat na araw akong kain, tulog lang ang ginagawa at apat na araw ko naring hindi nakikita si france.

Kapag tumatawag sya ay hindi ko iyon sinasagot at noong one time na pumunta sya dito sa bahay ay hindi ko sya nilabas at naglock ako sa loob ng kwarto. Kahit na namimiss ko na sya ay sumasagi parin sa isip ko yung ginawa nya noong nakaraang araw.

Alam kong para akong bata dahil hindi ko iniintindi o pinapakinggan  yung paliwanag nya pero parang ayoko kasing marinig yung dahilan nya kasi may bumabagabag sa akin at alam kong masasaktan talaga ako kapag tama ang hinala ko, hindi lang doble kung hindi triple.

Tama na ang topic tungkol sakanya...

Nang malaman nga pala ni daddy na umalis si kuya ay wala itong reaksyon, parang wala syang pake kay kuya. Si mommy naman ay iyak ng iyak at gustong-gusto nya daw makausap si kuya. Noong umalis kasi si kuya ay nasa kwarto sila mama at papa kaya hindi nila alam na umalis pala si kuya dala ang mga gamit nito. Hindi man sabihin ni papa aynakikita ko sakanya na nalulungkot din sya, anak nya parin si kuya kahit papaano kaya ganun.

Sa gitna ng pagmumuni-muni ko dito sa kwarto ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Ate Franchezca calling....

Tumatawag ang ate ni france, bakit kaya? Sinagot ko ito at itinapat sa tenga ko ang cellphone.

[Hey natalie, i miss you.] sweet na sabi nito sa kabilang linya.

"Miss you too ate, bakit po kayo napatawag?" tanong ko.

[Nakakatampo ka naman, birthday ko bukas diba hmp!] ayy oo nga pala.

"Ayy.. sorry talaga ate at hindi pumasok sa isip ko may pro-- i mean madami kasi kaming ginagawa." pagdadahilan ko.

[Madaming ginagawa ehh sportfest daw ahh. Nako natalie ah, may problema ba kayo ni france?] tanong nya.

"Wa-wala po ate. " mahinang sabi ko.

[Siguraduhin mo lang ah, sabihin mo sakin kapag inaaway ka ni france at sabay nating kokotongan yun.] natawa naman ako sa sobrang ka jollyhan ni ate chezca.

[Basta aasahan kita bukas ah, 6pm dito sa bahay. Pag hindi ka pumunta ay magtatampo ako sayo.] parang batang sabi nito.

"Oo na po ate, promise." sabi ko.

[Sige ah-- ano ba Adrian nakikiliti ako.] sabi ni ate at mukhang may kausap.

[Isa, adrian ah. Ay! natalie sige babye na, see you bukas ah]

"sige po see you." sabi ko at in-end yung call.

Mukhang kinukulit sya ng boyfriend nyang si kuya adrian. Close kami ni ate chezca dahil minsan ay dinadala ako ni france sa bahay nila. Minsan shineshare nya sa akin kung ano yung mga kalokohan ni france noong bata pa ito. Hindi naman mahirap pakisamahan si ate chezca dahil napaka bait at jolly ito, mga kung bakit sya nagustuhan ni kuya adrian. Hindi kami masyafong close ni kuya adrian pero minsan ay kinakausap naman nya ako.

Kung pupunta ako bukas sa birthday ni ate chezca ay malamang makikita ko doon si france. Siguro ay kailangan narin naming mag-usap dahil apat na araw na kaming hindi nagkikita. Hindi ko man aminin ay miss na miss ko na sya.

Tumayo ako at humarap sa salamin habang sinusuklay ang buhok ko. Mukhang kailangan kong paghandaan ang birthday ni ate chezca pati narin ang paghaharap namin ni france. Napagdesisyonan kong pumunta sa mall at bumili ng susuotin ko para bukas.

Amor FatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon