"Malapit na mag bakasyon, anong balak mo girl?"
"Pupunta kami ng korea with my family, im so excited na nga eh. "
"Ohh nakakainggit ka naman girl, gusto ko rin pumunta doon para ma meet ang bts."
Tahimik lang akong nagmamasid sa mga kaklase kong pinag uusapan kung saan sila magbabakasyon pagkatapos ng klase. Ako? baka tumambay lang ako sa kwarto at magmukmok doon. Wala namang kasi akong hilig sa mga outing at paglabas-labas sa ibang bansa. Kahit may ipagmamalaki naman kami sa buhay ng pamilya ko ay hindi ko naisipang gumasta at mag waldas ng pera para sa kung ano anong walang katuturan. Katulad nga ng sinabi ko hindi kami friends ni fashion.
Inimbitahan nga pala ako ni france na sumama sa kanya sa resort nila sa bakasyon kaya baka hindi naman ako ma bore during vacation. Speaking of france, isang linggo na ang lumipas noong sinabi nya sa akin na mahal nya ako at sinabi kong mahal ko sya. Bigla nag init ang magkabila kong pisngi ng maisip ko ang pangyayaring iyon.
Ganoon parin kami ni france, sweet sa isa't-isa at para na kaming mag jowa sa inaasta nya. Yep, hindi parin kami at hindi parin nya sinasabi kung nanliligaw na ba sya. Alam kong iniisip nyo na tanga ako at kahit walang kami ay hinahayaan ko syang gawin ang ginagawa ng isang magkarelasyon. Wala eh mahal ko na sya at sya lang ang taong nagparamdam sa akin ng ganitong saya. Pinagkakamalan kasi akong introvert ng mga tao dahil minsan lang ako magsalita at napaka tahimik ko. Kaya ayun, walang gustong makipag kaibigan o kumausap man lang sa akin.
Nakuha lahat ng atensyon namin nang may pumasok sa loob ng room at pumunta sa gitna. Mukhang may i-a-announce.
"Wala daw po si Mr.Garzon pero sabi nya ay may sinend daw po sya sa group nyo sa facebook na gagawin." sabi nito at nag paalam narin.
Nagsitayuan na ang lahat at nagsialisan habang ako naman ay nakaupo lang at hinintay na makalabas na silang lahat. Ayoko lang kasi makisiksik sakanila lalo na't hindi ko naman sila close. Abm student nga pala ako, ayun kasi ang gusto nila mama't papa sa akin dahil balang araw ay ako na ang papalit sa pwesto ni papa kapag nagretiro na ito.
Dapat ay si kuya nathan ang papalit sa pwesto ni papa ngunit hindi sinunod ni kuya ang gusto nito at mas pinanindigan nya ang kagustuhan nyang maging isang engineer kaya ngayon ay 4rth year na sya at malapit nang grumaduate. Medyo hindi sila magkasundo ni papa dahil sa pagsuway nya o hindi pagsunod sa kagustuhan ni papa, kaya ito ako ngayon at pinili ang landas na inayawan ni kuya kahit na gusto kong maging isang doctor katulad ni lola.
"Hey nathalie."
Naputol ang pag iisip ko nang biglang may nagsalita.
"Ay france ikaw pala." napatayo ako at humarap sakanya.
"Ano pang ginagawa mo dito? wala daw kayong klase ah." tumingin ako sa paligid.
Hindi ko namalayan na ako nalang pala ang tao rito sa room at hindi ko ito napansin kakaisip.
"A-ahh wala, tara na?" sabi ko sakanya.
Tumango nalang sya at hinawakan ang kamay ko papalabas ng room.
"Diba may laro kayo ngayon?" tanong ko sakanya.
"Oum mamayang 3:30pm pa naman kaya masosolo pa kita." sabi nito at kinurot ng mahina ang pisngi ko.
Nag-init agad ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko.
"Nood ka mamaya ng game ko ah?" sabi nya.
Tumango lang ako at ngumiti.
Habang naglalakad kami ay tumunog ang cellphone nya. Kinuha nya ito at nang makita nya kung sino ang tumatawag ay parang biglang syang nataranta.
BINABASA MO ANG
Amor Fati
Novela JuvenilAkala ni Natalie ay magtutuloy-tuloy na ang kasiyahan ng buhay pag-ibig nya kay France dahil nasa kanya lang ang atensyon ng lalaki at lagi sya nitong pinapakilig, ngunit nag iba ang lahat nang dumating ang first love ni france na ex girlfriend nito...