KABANATA 13

177 10 7
                                    

"Natalie nandyan na ang mga kaibigan mo sa baba."

"Sige po yaya pakisabi sakanila na pababa na ako."sabi ko.

Binilisan ko na ang pagkilos dahil naghihintay na pala sila joana at pepay sa baba. Niyaya kasi nila akong mag mall dahil wala daw silang magawa, same as them i dont have anything to do so i agree to join.

This past few weeks lagi akong napupuyat kakaisep tungkol parin sa inaakto ni france. Naguguluhan ako dahil para syang nagseselos and at the same time walang pake at inlove na inlove kay audrey.

*Toot toot*

Napatingin ako sa cellphone ko dahil nakarecieve ako ng message, pagkatingin ko rito..

From:Unknown no.

Goodmorning sunshine start your day with a smile cause it makes you more beautiful.

Napasinghap ako sa nabasa ko, ngayon nalang ulit sya nagparamdam.

Nireplyan ko kung sino man sya..

To:Unknown no.

Sino ka ba talaga hindi ka nakakatuwa.

Naghintay ako ng ilang minuto sa reply nya ngunit hindi na ito muling nag text pa.

Patagal ng patagal mas lalo syang nagiging creepy, papaano kung isa pala yung stalker.

Napahinto ako sa pag-iisep ko. Ako may stalker? No way imposible..

Nilagay ko na ang cellphone ko sa bag at lumabas ng kwarto dahil for sure naiinep na yung dalawang yon.

"Finally natalie, wow rhyme." ang sabi ni joana at nagulat sa sinabi nya.

"Sorry may inayos pa kasi ako sa kwarto ko." Pag papalusot ko.

"Saan ka pupunta te?" tanong ni pepay.

"Sa mall diba sabi nyo kayo pa nga ang nagyaya sa akin." nagtatakang tanong ko.

"No offense sis tignan mo yung suot namin sa suot mo mas mukha pa kaming may ari ng bahay na ito kaysa sayo." nakapamewang na sabi ni pepay habang sinusuri ang kasuotan ko.

"Gaga yung suot lang, mas lamang sa atin si natalie sa itsura." ang sabi ni joana.

"Hi-hindi naman kasi ako sanay na mag suot ng ganyan." turo ko sa suot ni pepay.

Naka croptop ito na kulay white at may nakaprint na kiss mark sa gitna habang ang pangbaba nito ay kulay black na denim short. Maputi si pepay kaya bumagay ito sakanya at may itsura rin sya hindi ko alam kung bakit tinatawag ni joana si pepay na chaka.

"Natalie yung mga tinginan mo ahh hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae." sabi ni pepay kaya natuon na sa mukha nya ang atensyon ko hindi sa suot nya.

"H-huh?" pagtataka ko dahil sa sinabi nya.

"Joke lang sis hahaha." tawa ni pepay.

"Kapal mo naman pepay ehh ang baho baho ng singet mo." pang aalaska ni joana kay pepay.

"Hoy ipaamoy ko pa sayo to hanggang sa malaseng ka sa bango." mataray na sabi ni pepay.

"Jusko mahabaging langit ayoko pang mamatay." maarteng sabi naman ni joana.

"Umalis na nga tayo at baka magkapikunan pa kayo." maglalakad na sana ako..

"Hep!" kaso pinigilan ako ng dalawa.

"Ganyan talaga yung isusuot mo?" tanong nila.

"Ano bang mali sa suot ko?"

"Te naka tshirt ka na plain white tapos naka mahabang paldang bulaklaken, sa mall tayo pupunta hindi sa simbahan." paliwanag ni joana na parang may ginawa akong karumaldumal na krimen.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Amor FatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon