Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay dumeretso na ako papuntang parking lot para pumubta sa kotse dahil gusto ko ng umuwi. Ayokong mag krus ang landas namin ni france kasi sa tuwing nakikita ko sya ay nasasaktan ako. Marinig ko nga lang ang pangalan nya ay parang nanghihina na ako.
Hanggat maaari ay iiwasan ko sya dahil ayaw ko ng maramdaman paulit ito. Ang gagawing ko nalang ay ang kalimutan at burahin sya sa sistema ko.
Pagkarating ko sa parking lot ay wala pa doon ang kotse kaya tinawagan ko si mommy.
"Mom papubta naba dito si mang kanor?" tanong ko.
[Oo anak kaaalis nya palang.]
"Kaaalis palang?" nanlumo ako sa sinabi ni mama.
Tinignan ko kung nandito ba yung kotse ni france at nakita ko iyon. Ibig sabihin ay nandito pa sya.
[Sige anak at aalis na ako dahil bibisitahin ko yung dress shop branch natin sa quezon city.] sabi ni mommy at pinatay na ang tawag dahil siguro sa nagmamadali sya.
Isang fashion designer si mama at alam kong nagtataka kayo dahil wala akong ka fashion fashion sa katawan kahit fashion designer ang mama ko. Hindi ko lang talaga hilig ang pag-aayos dahil wala namang mababago. Ako parin si natalie na weak at marupok.
"Hey." nagulat ako dahil biglang may nagsalita.
"Den-den? anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Huwag mong isiping nandito ako para sayo, nandito ako dahil nandito si audrey." sabi nya.
"Bakit ko naman iisiping nandito ka para sakin, alam kong mahal mo si aud---" bigla akong napahinto at natauhan sa sinabi nya.
"N-nandito si audrey?"
"Yes, nag transfer sya dito sa school nyo dahil sa makong nayun." halata sa boses nya ang galit.
Napayuko ako at nagsimula nagbabadya nananang tumulo ang mga luha ko.
"Ki-kinausap nya ako kanina." sabi ko.
Nakita naming nagsisidatingan na ang mga tao kaya hinila nya ako papasok sa kotse nya.
"And what did he tell you?" tanong nya ng makapasok na kami sa kotse.
"He said sorry for hurting me." naluluhang sabi ko.
"Sinabi nya mismo sa harap ko na mahal nya ako pero mas higit pa yung pagmamahal nya kay audrey. Sinabi niya rin na mahal parin niya si audrey ,at sa isip-isip ko paano naman ako. Minahal ko naman sya ng totoo pero bakit parang nakukulangan sya sakin? Am i not enough?" humihikbing sabi ko.
"Fuck him! His asshole, huwag mo syang iyakan." sabi ni den-den at naramdaman kong niyakap nya ako.
Gumaan ang pakiramdam ko ng sinabi ko kay aiden ang saloobin ko. Iyon siguro talaga ang kailangan ko, ang may mapagsabihan ako ng sama ng loob. Gusto kong pasalamatan si aiden sa lahat dahil tuwing nalulungkot at umiiyak ako ay lagi syang nandyan.
Hihiwalay na dapat ako sa yakap nya pero mas hinigpitan nya ang pagyakap nya sakin.
"Don't" maiikling sabi nya.
Pilit parin akong humiwalay sakanya at nang makawala ako ay nakita ko syang may tinitignan sa labas.
Naramdaman ko nanaman yung sakit at pag tusok-tusok sa puso ko. Si France na naka akbay kay audrey papuntang sasakyan nya. Masaya silang nag-uusap na dalawa at parang hindi ko nakitang nasasaktan si france pagkatapos nya akong kausapin kanina. Bakit ang unfair, bakit ako lang yung nasasaktan sa amin.
Napapikit ako ng mariin ng nakita kong mabilis na hinalikan ni france sa pisngi si audrey. Habang nakapikit ako ako ay patuloy parin ang pag-agos ng mga luha ko. Nang minulat ko ang mga mata ko ay nakasakay na sila sa kotse ni france at nagsimula ng umalis.
BINABASA MO ANG
Amor Fati
Teen FictionAkala ni Natalie ay magtutuloy-tuloy na ang kasiyahan ng buhay pag-ibig nya kay France dahil nasa kanya lang ang atensyon ng lalaki at lagi sya nitong pinapakilig, ngunit nag iba ang lahat nang dumating ang first love ni france na ex girlfriend nito...