Dumaan ang maraming araw ay sa wakas, graduation day na namin. Sa maraming araw na iyon ay ginugol at pinagtuunan ko ng pansin ang aking pag-aaral. Hindi ko muna inisip ang mga bagay na gumugulo sa puso't- isipan ko. Minsan nga'y hindi ko napapansin na sa sobrang busy ko ay hindi ko na naiisip ang nararamdan ko kay france. Kapag nakikita ko lang sya ay doon nanunumbalik sa aking isipan na hindi na ako ang kasama nya, hindi na ako yung mahal nya. Kasi bumalik na yung una nyang minahal, yung tunay nyang minahal."Hoy kaloka ka dalian mo na ang lakad, magsisimula na daw." sabi ni joana.
"Nag eemote ka pa dyan." sabi naman ni pepay.
Mas lalo naman akong napalapit sa dalawang to. Kahit konting panahon ko palang sila nakilala ay napalapit na talaga ang loob ko sakanila. Kapag may taong masama ang tingin o di kaya'y pinag chichismisan ako ay papatulan at tatarayan nila. Minsan ay napapailing nalang ako sa mga kabaliwang ginagawa nila. Kaya nagpapasalamat talaga ako ng sobra dahil nakilala ko sila, sila ang nagpapasaya sa akin tuwing nalulungkot ako. Pinapayuhan nila ako lagi sa mga disisyong gagawin ko. Sila iyong kaibigan na matagal ko ng hinahanap, at salamat dahil dumating sila sa oras na kailangan ko talaga sila.
Si Aiden naman ay hindi ko alam kung ano na ang nangyari sakanya. Hindi na ito nagpaparamdam kahit sa text or tawag man lang. Siguro ay nag suicide na iyon, joke lang huwag naman sana. Alam ko ay ngayon din ang graduation nila, gusto ko sana syang i-congrats kaso hindi ko alam kung nasaan sya. Sa tingin ko nga ay naka move-on na sya at masaya na ngayon dahil hindi na nya ako kinukulit sa plano nya, hindi ko narin sya nakikitang umaaligid kay audrey. Pero kung totoo ngang masaya na sya ngayon, im happy for him. Ako? hindi ko alam kung kailan ako makakamove-on, dumating na ang graduation day namin lahat-lahat ito parin ako at nakalugmok at hulog na hulog kay france.
Napailing ako dahil sa naiisip ko. Kailangan ko muna itong burahin sa isip ko at huwag maging nega ngayon, nega means negative. Natutunan ko yung kala pepay, andami ko ng natutunan sakanila na kung ano-anong salita. So ayun, no to nega muna at dapat masaya lang dahil ako lang naman ang valedictorian sa batch na ito. Sobrang saya nila mama't papa ng malaman nila iyon, sa sobrang saya nga nila ay agad nilang inasikaso ang party nila para sa akin. Sinabi kong huwag na dahil wala naman akong masyadong kaibigan pero sadyang mapilit sila. Sinabi ko narin kay kuya ang tungkol sa pagiging valedictorian ko at maging sya ay masaya para sa akin, pero alam kong kahit masaya sya ay nalulungkot parin ito minsan dahil namimiss na nya sila papa.
Sobrang tagal ng ceremony ng graduation namin dahil napaka dami namin ngayon. Magkakatabi kami nila pepay at joana ngayon kahit hindi ko sila kaklase dahil ayaw naman namin na mabagot kaya magdaldalan nalang daw muna kami.
Todo cheer sa akin ang mga kaibigan ko ng sabitan ako ng medalya ng aking mgamagulang, nakakatuwang makita sa mga mata nila na masaya at proud talaga sila sakin. Hindi ko maiwasan maluha dahil sa tagpo namin.
"Thankyou to the both of you. I love you mama't papa." nakangiting sabi ko sakanila.
"I love you too princess." sabay na sabi nila.
Nang magbibigay na ako ng speech as a valedictorian ay bigla akong kinabahan. Ngayon lang ako magsasalita sa harap ng ganto karaming tao.
Todo sigaw at cheer parin sa akin sila joana at pepay habang nag spespeech ako. Hindi ko na hinabaan ang speech ko dahil nahihiya nga talaga ako. Pinasalamatan ko sila mama't papa, mga kaibigan ko at syempre ang panginoon sa lahat ng blessings natanggap ko at pagkatapos noon ay bumalik na ako sa pwesto ko. Sobrang saya ko dahil alam kong masaya ang magulang ko ngayon at proud sila sa akin.
"Punta kayo mamaya sa pa-party namin dito kay natalie ah." sabi ni mama kala pepay at joana habang naglalakad kami papuntang parking.
"Ay nako tita never akong tatanggi dyan, basta maraming pagkain." sabi ni pepay.
BINABASA MO ANG
Amor Fati
Teen FictionAkala ni Natalie ay magtutuloy-tuloy na ang kasiyahan ng buhay pag-ibig nya kay France dahil nasa kanya lang ang atensyon ng lalaki at lagi sya nitong pinapakilig, ngunit nag iba ang lahat nang dumating ang first love ni france na ex girlfriend nito...