KABANATA 10

59 5 0
                                    


"Saan ka galing?! Alam mo bang may nag-aalala sayo tapos kung saan-saan ka nagpupupunta?!" sigaw na salubong sakin ni papa pagkapasok ko palang ng bahay.

"Kumalma ka nga." sabi naman ni mama.

Napayuko ako at hindi nakapagsalita dahil alam kong kasalanan ko talaga.

"Akala ko ba ay saglit ka lang?! Bakit ngayon ka lang?!" sigaw ni papa kaya agad akong nag-alala sakanya dahil baka atakihin nanaman sya.

"Pap--"

"San ka galing?!"napatalon ako dahil dumadagundong ang boses nya sa sobrang lakas.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nakayuko lang ako habang umiiyak.

"Natalie sumagot ka?!"

Tumakbo ako paakyat ng kwarto ko dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

"Natalie bumalik ka dito!" sigaw ni papa.

Nang makarating na ako sa kwarto ko ay agad akong pumasok doon at nilock ang pinto. Lumapit ako sa kama ko at itinapon ang sarili ko doon.

Nag-aalala ako kay papa at gusto kong magpaliwanag para kumalma sya, ang kaso ay hindi ko alam ang sasabihin ko.

Alangan naman na sabihin ko kay papa 'Pa nakipag tukaan po yung anak nyo sa isang lalaki', edi inatake na talaga si papa at ayokong-ayoko na nagsisinungaling sakanila. Ayoko nga sa taong sinungaling, magsisinungaling pa ako sakanila. Pero mukhang kailangan ko talagang magsinungaling..

Habang nakahiga ay nag-isip ako ng ipapaliwanag kay papa, sasabihin ko nalang iyon sakanya kapag kalmado na sya. Ayoko talagang nagagalit sya dahil natatakot ako na baka atakihin nanaman sya sa puso.

Sa pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako, siguro ay dahil sa pagod at sa mga kung ano-anong nangyari ngayon.

---
*Tok tok tok.*

"Natalie buksan mo itong pinto."

*Tok tok*

"Natalie."

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nagising ako dahil sa may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Natalie." si papa.

"Wait lang po papa." sabi ko.

Inayos ko ang pagkakalagay ng salamin ko sa mata ko at inayos ko din ang suot-suot ko paring toga hanggang ngayon.

Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon.

"Natalie."

"Pasok po kayo papa." sabi ko at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto para makapasok si papa.

Pumunta ako sa kama ko at umupo doon, ganoon din ang ginawa ni papa.

Maya maya pa ay nagsalita na si papa.

"Sorry anak natalie at nasigawan kita ng ganoon kanina, nag-alala lang ak--" napatigil si papa dahil bigla ko syang niyakap.

Nagulat si papa sa pagyakap ko sakanya, niyakap nya rin ako ng mahigpit.

"Ako dapat ang magsorry sainyo papa dahil pinag-alala ko kayo ng sobra, sorry pa." naiiyak na sabi ko.

"Shhh ayos na anak, ang mahalaga ay ayos ka lang at walang nangyaring masama sayo . Masyado lang talaga akong nag-alala kanina kaya nasigawan kita ng ganoon. Umalis na ang kuya mo ng bahay, ayokong pati ikaw ay mawala. " sabi nya habang hinahaplos ang buhok ko.

Napaangat ako ng tingin kay papa.

"Hindi na po ba kayo galit kay kuya?" tanong ko.

Ngumiti naman si papa at umiling.

Amor FatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon