KABANATA 8

51 5 0
                                    


'Paano makakalimutan ang isang taong naging parte o naging espesyal sa buhay mo?'

Yan ang katanungang laging sumasagi sa isip ko araw-araw. Hindi ko alam kung nababawasan man lang ba ng kaunte ang nararamdaman ko sakanya kada araw. Ni hindi ko rin alam kung pinagmumukha ko lang ba na tanga ang sarili ko at pilit kong kinukumbinse na nababawasan ito kahit alam ko na ni katiting ay wala.

Ganoon parin ang nararamdaman ko sakanya, sobrang labis at walang kulang. Kahit anong gawing iwas ko sakanya ay sumisiksik parin sya sa puso't-isipan ko. Kapag nakikita kong masaya sya kasama ng iba ay naaawa ako sa sarili ko. Habang sya ay masaya, ako naman ay nagluluksa sa patay kong pusong pinatay nya.

Sinusubukan at pinipilit ko naman na kalimutan sya pero hindi ko alam kung bakit ganito parin ang feelings ko sakanya. Napasobra yata ako ng pagmamahal sakanya kaya wala na akong natira sa sarili ko.

Tuwing makikita ko sila france at audrey ay lilihis ako ng daan. Ako na ang nag aadjust dahil alam kong ako lang ang naaapektuhan, mali pati pala si Aiden.

Ilang araw ko ng hindi nakikita si aiden, sinubukan kong itext at tawagan sya pero palaging hindi sumasagot. Hindi ko alam kung ano ng nangyari sakanya. Ang huli naming pag-uusap ay yung sa kotse nya. Iniisip ko na baka ay nag move on nalang sya at narealize na pinagmumukha nya lang na tanga ang sarili nya, pero hindi eh. Nakita ko ang determinasyon sa mga mata nya, sinasabi ng mata nya na "walang bagay na gusto ko ang hindi napapasakin."

Kung nasaan man sya ngayon ay sana okay lang sya. Ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya kaya alam ko kung gaano kasakit iyon para sakanya.

*Krrriiiiing!! Krriiiinggg!*

Break time na naman, kung dati ay gusto ko ang time na ito ngayon ay ayokong ayoko na. Dahil alam kong may chance na makita ko nanaman sila. Napagpasyahan kong wag nalang kumain at pumunta nalang sa tambayan ko lagi.

-Library-

“The course of true love never did run smooth”.

Basa ko sa libro ni William Shakespeare na A Midsummer Night's Dream.

I agree with that, hindi kailan man magiging madali ang pagmamahal. Dahil nararanasan ko iyon ngayon at masasabi kong hindi talaga madali, napaka hirap.

Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng biglang may umupo sa tabi ko. Biglang saglit na tumigil ang paghinga ko, hindi ko kayang tignan ang katabi ko. Alam ko ang scenario na ito, bigla akong napaluha sa naalala kong masayang memories na magkasama kami, yung sinasamahan nya ako lagi dito sa library kahit naboboringan sya.

"Hala kaloka si ate, tumabi lang ako umiyak na. Kashokot ka ate ah." napatingin ako sa katabi ko.

Isang lalaking may make up sa mukha, o tamang sabihin na gay?

"Fun ka ng k-drama noh? parehas kayo ng mga classmate ko, nakakairita sila. Mga bigla nalang umiiyak na parang na-aaning kaloka!" nakangiwing sabi nito.

"Shhh!" saway sakanya ng librarian.

"Ayy wolrd peace po sorry." sabi nya na naka peace sign.

Tinignan ko lang sya at hindi makapaniwala na may nakikipag usap sakin.

"Hindi ka nakakapag salita?"

Tahimik lang ako at hindi parin makapaniwala.

"Ayy sorry sped ka pala, its nice to meet you." sabi nito habang nag sasign language.

"N-no.. nagulat lang ako." sabi ko.

"Halata nga, nagulat ka sa kagandahan ko noh? I know naman hindi mo na kailangan ipa remind pa sakin. Its nakakahiya, ano ba.." sabi nito at may paarteng ginagawa.

Amor FatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon