CHAPTER 1: Crime State University

581 54 87
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Ang lahat ng mga pangalan, karakter, lugar o mga kaganapang ginamit sa kabuuan ng nobela ay pawang likha lamang mula sa imahinasyon ng sumulat. Kung may pagkakapareho sa ibang akda, iyon ay nagkataon lang at hindi sinasadya.

Ano mang uri ng pangongopya sa kahit anong bahagi ng nobelang ito ay talagang ipinagbabawal lalo na kung ito ay walang kahit na anong pahintulot mula sa manunulat.

PLAGIARISM IS A CRIME!
___________________________________

PLAGIARISM IS A CRIME!___________________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JEDD CHRISTOPHER

NAGMULAT ako ng mga mata at napatingin sa aking wristwatch, mag-a-alas siyete na pala ng umaga. At dahil sa mga ginawa ko kagabi, hirap akong bumangon ngayon. Well, nag-solve lang naman ako ng mga crossword at may goal akong tapusin ang isang manipis na book sa loob ng isang araw. Proud akong nagagawa ko 'yon. Ipinagpatuloy ko rin ang pagbuo sa aking nobela na almost two months na rin pero hindi pa natatapos. Bukod do'n, naglaro pa ako ng mga online games sa aking laptop na may kinalaman sa pag-solve ng logic at mysteries, detective ang dating!

Pero never kong pinangarap na maging gano'n. Ewan ko ba, basta hilig ko lang 'yung gano'ng gawain magmula ng mamatay si daddy. Yes, namatay siya na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang tunay na nangyari sa kanya. Sabi ng mga nag-imbestiga, walang kahit ano'ng ebidensya ang natagpuan sa pinangyarihan ng krimen kaya't hindi nila matukoy kung sino ang pumatay kay daddy. Gano'n ba talaga? May mga bagay ba na hindi kayang ma-solve ng isang tao?

Kaya heto ako ngayon, kahit alam kong hindi ko pa kayang lumutas ng malalaking misteryo, ipinangako kong pag-aaralan ko ito at babalikan ko ang mga pangyayari noon para mahanapan ng hustisya si daddy. Gusto ko man noon makialam pero, masyado pa raw akong bata.

Ano ba 'yan, bakit ko pa inaalala 'yung mga bagay na hindi ko pa kayang pakialaman? No! Kaya ko. Kaso... Hindi pa 'ko handa. Sa mga nababasa ko kasi, mahirap daw ang magkamali lalo na kung patayan ang lulutasin dahil kaakibat nito ay malaking responsibilidad. That's why pag-aaral muna iniintindi ko.

Napahinto ako sa pagmumuni-muni at pagkuskos ng aking mga mata, napatingin sa bintanang nakabukas at nakakapasok na rin ang sinag ng araw na kakasikat palang. Hanggang sa maalala kong ngayon pala ang Orientation Day!

Shit! Nawala sa isip ko.

Mabilis akong napabangon. Hinanap ko 'yung salamin ko sa mata. Oo, medyo may kalabuan na nga 'yung mata ko dahil na rin siguro sa pagpupuyat at halos walang tigil na paggamit ng gadgyets. Patuloy akong nangangapa sa maliit na lamesang malapit sa aking kama. Sa wakas, nakuha ko rin. Agad kong isinuot at mabilis na nagtungo sa ibaba. Nasa second floor kasi 'yung kuwarto ko.

Detective Section (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon