JEDD CHRISTOPHER
PINAGHALONG kaba at tuwa ang nararamdaman ko ngayon habang tinatahak namin nitong si Rain ang hagdan na ngayon ay paakyat na sa third floor. Kaba dahil baka hindi tumugma at tuwa naman dahil malakas ang kutob kong tatama ito. Magulo 'no? Pero final na 'to. Nag-observe ako sa paligid nang masiguro kong hindi bigo ang magiging prediction ko. Sandali akong tumitig kay Rain at napatingin naman ito sa akin. Nakita ko sa mga mata niya na tila nagtataka, marahil ay sinusubukang mabasa at malaman kung ano nga ba ang iniisip ko- I know that she can, mas mahirap nga 'yung gusto ko sanang ilihim kanina na liham.
Napailing siya at nangiti ng tipid, sa dinadaanan na lamang namin itinuon ang atensyon nito. Alam kong bigo siyang mahulaan ang nagiging prediction ko.
Sa wakas, narito na kami sa third floor at sabay kaming napabuntong-hininga. Aba, 'kala mo naman alam niya na. Napapatawa ako sa isipan ko. Hindi ba papatalo ang babaeng 'to? Lalo tuloy nadagdagan 'yung paghanga ko sa kanya. Hindi paghanga na iniisip n'yong crush kundi paghanga sa taglay niyang abilidad at tapang.
Nang marating namin ang classroom, pinalalahanan ko si Rain na magdahan-dahan sa bawat hakbang, baka kasi mabura 'yung clue o bakas.
"Huh?" -Rain at nagtatak.
Dahil sa kumpleto ang mga dala ko, inilabas ko sa aking bag 'yung may kalakihang magnifying glass, sabi na nga't magagamit ko ito e.
Nakasunod lang si Rain hanggang sa matunton namin 'yung pinaka-exact na pinanggalingan ng babae na tinulungan namin, kung saan namin 'to huling naabutan. Yumuko at marahan akong dumapa sa sahig. Napanood ko lang 'tong technique na 'to sa isang cartoon detective movie at sana naman ay makatulong. Sa pagtataka, hindi na napigilan pa ni Rain na magtanong.
"Ano ba 'yang ginagawa mo?"
"Susubukan kong alamin ang bakas ng yapak ni Charles at ng mga dumukot dito." Nalito yata si Rain sa paliwanag ko.
"What? Paano?"
Hindi muna ako tumugon. Ginamit ko ang magnifying glass para makita ang bakas ng yapak ng mga taong pumunta sa floor at kuwartong ito. Nasisiguro kong epektibo ito dahil napansin kong maalikabok ang labas ng bawat gusali, sino mang papasok sa bawat palapag ay mag-iiwan ng kaunting dumi mula sa mga yapak nila at malakas ang pakiramdam kong magiging tumpak ito.
"Can you explain?" dagdag pa ni Rain habang nakatayo lang at nakalagay ang dalawang kamay sa baywang.
Hindi ko magawang ibaling ang tingin ko sa kanya dahil baka may makita akong hindi kaaya-aya. Tulad nga ng sinabi ko, nakasuot lang siya ng maikling palda na halos kita na ang buong hita. Paano niya kinakaya ang gano'n? Hindi ba siya natatakot na baka manyakin ng iba? Sa akin, wala sa isip ko ang mga gano'ng bagay pero kung tatanungin ako, hindi 'yon karapat-dapat.
"Napakalinis ng buong Crime State University bago pa man tayo pumasok dito. Mula kanina, napansin kong kakaunti lang ang pumunta dito sa building na 'to, minsan pa nga'y wala lalong-lalo na sa floor na kinatutungtungan natin na tanging ako, ikaw, 'yung girl, isang professor, Charles at kasama na rin ng mga dumukot dito ang tanging nakatungtong dito. Minus natin si professor dahil hindi naman siya pumasok dito sa classroom." Habang ipinapaliwanag ko 'yon, napapatango si Rain at alam kong nakukuha niya ang ibig kong sabihin. Sandali akong napapikit at inalala ang suot na sapatos nung girl kanina at kung gaano ito kalaki. Itinapat ko ang magnifying glass at nakita ko ang mga yapak na naiwan sa sahig.
BINABASA MO ANG
Detective Section (Ongoing)
Mystery / ThrillerHe likes to solve mysteries. He loves to find answer for every logic. He is not an investigator nor a detective member. Para sa kanya, ang ganitong gawain o trabaho ay simpleng bagay lamang na kaya ding gawin ninuman. He is Jedd Christopher, in shor...