CHAPTER 4: The Big Question

198 40 50
                                    

JEDD CHRISTOPHER

UNTIL now, I'm still worried about the case of Charles. Kahit anong isipin ko, hindi ko pa rin alam kung saan magsisimula at paano ko mabibigyan ng sagot ang nangyari sa kanya. He is the first, the first person na ngayon ay nasa list ko at isa sa mga gumugulo sa isipan ko. Ito na nga ba ang mga balitang naririnig ko bago pa man ako pumasok dito sa CSU? Kung gano'n, ang lugar na kinalalagyan namin ngayon ay hindi ordinaryo tulad ng iniisip ko. Hindi na ito isang simpleng bagay na noon ay kaya ko pang hanapan ng sagot sa mabilis at maikling panahon. Hindi na ito tulad ng mga simpleng kaso na kaya ng isang tulad ko. Baka nga kaya ko?

Laging may sagot. Laging may solusyon. Itinanim ko na 'yan sa utak ko magmula noong mawala si daddy. Even though na wala pang sagot sa kanyang pagkamatay, naniniwala pa rin akong hindi man ngayon, balang araw ay mabibigyan ko rin siya ng hustisya.

Napailing ako. Nakokonsensya talaga ako sa nangyari kay Charles. May pag-asa pa. Tama, mayroon pa kaming pagkakataon na mabigyan ito ng hustisya.

Wtf! Ba't 'pag naririnig ko 'yung salitang hustisya e, nanlulumo ako? Tungkol ba 'to sa daddy ko? Don't be negative, JC!

Heto na kami ni Rain, paakyat ng second floor. Ayon dito sa mapang hawak ko, ang opisina ng Presidente ay nasa pinakahuling palapag. Pinapagod niya ba kami? Napansin ko kasing padilim na rin ang paligid. Hindi ko pa na-contact si mommy kaya mukhang nag-aalala na rin 'yon. Ito kayang si Rain? Hindi ba siya nangangamba sa maaaring maramdaman ng mga magulang niya? Sandali ko siya sinulyapan, 'yung 'di niya napapansin. Hindi ko kayang makatingin ng diretso sa kanya. Naguguluhan ako dahil nung magmulat ako ng mga mata kanina, sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Gusto ba 'ko nito halikan?

Nag-pretend akong hindi ko alam. Oo, malabo ang mata ko pero kapag malapit ang isang bagay sa akin, kahit papaano ay nakikita ko naman. Humanda siya, 'di ko palulusutin 'yung ginawa niya. Not now but soon.

"Okay ka lang ba?" -Rain.

Nagtaka na siguro ito dahil sa hindi na 'ko muling nagsalita pa. Para saan pa? I'm not type of guy na madaldal at tulad nga sinabi ko, hindi ako kumikibo ng sobrang tagal lalo na kung nonsense lang naman ang pag-uusapan. Marami akong iniisip at gustong itanong o sabihin pero hindi ko pa nasasala kung ano ang una kong babanggitin. Magulo pa, as in magulo dahil sa bilis ng pangyayari.

"Yes." Walang kae-emosyon kong tugon at nagpatuloy lang sa paglakad.

Nakabibingi nga naman ang katahimikan. Mukhang kami nalang talaga ang taong naglalakad dito sa building na 'to. Lahat ay pawang nakauwi na sa kanilang tahanan. Malakas at malamig ang simoy ng hangin mula pa kanina bago pa kami umakyat dito. Napansin kong nakayakap si Rain sa sarili kaya nag-offer na akong ipasuot ang jacket ko. Walang kahit anong ibig sabihin 'yon, naaawa lang ako sa kanya. Kasalanan ko bang sumama-sama siya kahit ako lang dapat ang involve dito? Nung sabihin niya kasi 'yung salitang 'involve' kanina, wala na akong choice kundi harapin ito. Hindi basta-basta ang kahaharapin namin ngayon lalo't kami lang naman ang huling naabutan kanina sa rooftop. Pero alam ko na 'yung tatlong lalaking nakita namin ang may kagagawan nun. Wala ng iba, sila talaga. Ang ipinagtataka ko lang hanggang ngayon, minuto ang naging titigan namin nitong si Rain between sa kanila. Ba't para yatang sinadyang paakyatin muna kami bago mahulog o pinatay si Charles? Ano 'yon, kusang tumalon? That's impossible!

Nagmamasid ako, nakapatay ang lahat ng ilaw sa bawat classrooms at tanging ang nasa labas lang ang nakabukas. Nandito na kami sa fifth floor. Wala ba silang elevator? Nakakapagod na rin kasi at nararamdaman ko itong mga tuhod ko at binti na medyo nangangalay na.

Detective Section (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon