RAIN
NAGTAAS ito ng kaliwang kilay at nagbantang mag-angat ng kamay. Bigla na lamang sumulpot itong si JC at pumunta sa mismong harapan ko. Nakayuko lang siya pero alam kong pinigilan niya ang babaeng ito para hindi ako sampalin o saktan.
"J-JC?" naibulong ko.
"Maupo ka na."
Nakita ko 'yung babaeng nagbaba ng kamay at napangiti dahil sa ginawa nitong kasama ko. Ang parehong mga kamay ay inilagay sa magkabilang baywang.
"O, ano? Sasaktan mo 'ko? E kung ipabugbog kaya kita kay-" naputol sa pagsasalita 'yung babae.
"Jean please, itigil mo na nga 'yang pakikipag-away mo kani-kanino. Isa pa at hihiwalayan na kita."
Nakita ko 'yung lalaking papalapit, ito pala 'yung boyfriend niyang mukhang manyakis. Sinubukan nitong hawakan sa magkabilang braso ang nobya pero nagpumiglas at bumalik sa sariling upuan.
"Nangialam ka na naman, Mark. Huwag mo akong kausapin!" sigaw nito.
"Bro, sorry sa pinaggagawa ng girlfriend ko." Napapakamot pa 'yon sa ulo.
Tumango lang itong si JC saka bumalik sa kinauupuan. Ako naman, sa sahig ko nalang ibinaling 'yung tingin ko. Nanggigigil talaga ako sa babaeng 'yon. Kung hindi lang umawat 'yung kasama ko, naku at baka may malagasan ng buhok.
Dalawang column kasi ang arrangement ng mga upuan. Sa bawat linya, may limang row na may tig-lilimang upuan. Nasa kabila si Kath at nasa pinakalikod naman si JC, sa column na kinabibilangan ko.
Kanina ay nahinto ang mga kaklase naman dahil sa muntik ng gulo. Ngayon naman ay nag-ingay uli sila at ibinalik ang mga atensyon sa pinagbi-busy-han kanina. Mukhang hindi maganda ang magiging atmosphere ko araw-araw dito sa sinasabi nilang special section. Sa skills ba o sa ugali nila pinagbatayan? Mga tao dito, walang respeto.
Nang mapansin ni Kath na nanahimik ako ng tuluyan, lumapit muna siya at tinabihan ako dahil sa bakante pa 'tong katabi kong upuan. Halos lahat kasi ay sa unahan nagsi-upo pero mukhang iilan na lang din ang kulang.
"Okay ka lang ba? Siya ba 'yung tinutukoy mo kanina?" -Kath at sinadyang hinaan ang boses.
"Wala ng iba." Nakayuko pa rin ako.
"Ba't parang ang lalim pa rin ng iniisip mo?" -Kath.
Napabuntong-hininga ako. Oo, napapa-isip ako hindi dahil sa pang-aaway ng babaeng 'yon kundi sa ginawa ni JC. Sandali akong sumulyap sa kanya, nakayuko pa rin pero sa pagkakataong ito, may hawak na siyang selpon na may headphones at nakakabit sa kanyang tainga. Kakaiba kasi 'yung kabaitan niya kanina, 'yung pagtatanggol nito sa akin. alam niyang babae naman ang kaharap ko pero ba't parang papatulan niya pa rin para lang sa akin?
Nang ibalik ko ang tingin ko, naagaw ng atensyon ko 'yung tinawag na 'Jean' kanina at naka-fuck you finger sign pa na ako talaga ang tinututukan. Nabasa ko pa sa bibig niyang ibinigkas iyon.
Gaga 'to ha! Tatayo na sana ako pero pinigilan ako nitong si Kath.
"Hayaan mo na 'yan. Mukhang ngang naka-drugs 'yan e. Huwag mo ng patulan, mahirap na dahil adik 'yan." -Kath at nakahawak ng mahigpit sa braso ko.
Hindi ako mabilis magalit pero ang isang 'to, ngayon lang ako naka-encounter ng katulad niya. Sobrang tapang na 'kala mo nasa tama. Napa-isip tuloy ako kung ano pa nga ba ang mangyayari dahil nasa iisang section kami.
Ilang sandali, nakita kong pumasok si Juliana. Ba't ngayon lang siya? Pagkakaalam ko ay nauna na siya sa amin ni JC kanina.
"Rain, nandito na pala kayo?" -Juliana.

BINABASA MO ANG
Detective Section (Ongoing)
Mystery / ThrillerHe likes to solve mysteries. He loves to find answer for every logic. He is not an investigator nor a detective member. Para sa kanya, ang ganitong gawain o trabaho ay simpleng bagay lamang na kaya ding gawin ninuman. He is Jedd Christopher, in shor...