RAIN
PINILIT naming ngumiti ni Juliana, super duper akward day ngayon dahil halos ang mata ng lahat at atensyon ay nasa amin. Hindi ko alam kung anong dahilan, sa kagandahan ba namin o dahil 'to sa nangyari kahapon? Hinanap namin 'yung upuan at laking pasalamat ko dahil magkatabi naman kami nitong kaibigan ko.
"Binabasa ba nila tayo bago kausapin o kaibiganin?" Tanong ni Juliana, halos pabulong.
"I don't know! Isa lang naman ang puno't dulo ng ka-akward-an na 'to, sa case ni Grace na nangyari kahapon. Malamang ay kilala na nila tayo. Pero ba't gano'n? Para silang mangangain ng tao. 'Yung iba, ang sarcastic ngumiti." Hindi ko na lamang sila tinitigan, 'yumuko ako at nag-focus nalang sa maaari pa naming pag-usapan nito.
"Baka nga. Pero iba 'yung atmosphere e. Imbis na ma-excite ako, takot na 'yung nape-feel ko." Yumakap pa ito sa sariling katawan.
"Just ignore them. For sure, iniisip ng mga 'yan na wala sa hitsura natin ang maka-solve ng malaking kaso like ng patayan. Baka mataas ang standard nila, need pa ng approval." Natawa kami pero mahina lang. Baka isipin ng mga nandito na nababaliw na kami.
Then, isang idea ang pumasok sa isip ko. Hindi si Rain ang ipinapakita kong personalidad ngayon. Hindi ako 'to! I mean, hindi ako ganito kumilos. Naninibago lang ba ako? O, dahil 'to sa mga nangyari? Sandali kong kinapa 'yung markang K sa braso ko, medyo mahapdi pa rin. Ayaw ko nang isipin, nanunumbalik lang ang mga kaganapang iyon. Paulit-ulit kong nakikita 'yung mga mata nilang nanlilisik at pabalik-balik sa aking tainga ang halakhak na nakapangingilabot. Pero para sa akin, nakaraan na 'to. Although markado na, hindi pa ito ang sandali para isipin ang mga bagay na 'yon.
"Bes, let's push it. Be proud, kailangan nating ipakita sa kanila na totoong nagre-reflect sa atin 'yung mga nagawa natin." Nang masabi ko iyon, agad kong iwinagayway sa ere ang mahahaba kong buhok na may kulay ginto at itim. Fierce ang ekspresyon at palinga-linga sa paligid.
Tulad nga ng inaasahan ko, ginaya naman nitong si Juliana ang ginawa ko. Nang alisin niya ang tali sa buhok, napakaganda pala ng bruhang 'to. I mean, maganda na siya pero mas ma-awra ngayon. Pak ganurn! Inilabas niya naman ang camera with tripad saka ito in-on at itinaas sa ere.
"Magandang hapon sa inyo, mga ka-J. Nagbabalik po ang nag-iisang diyosa ng kagandahan. At ngayong araw, kasama ko po muli ang isang dalaga na may angkin ding kagandahan pero lamang pa rin ako ng mga... Five percent para kuwari hindi gahaman." Masiglang sabi nito at napatawa kami.
"Mga ka-J, hindi pa rin kami maka-move on sa nangyari kahapon. Isa itong kaso na may kinalaman sa patayan at alam n'yo ba? Nagawa namin iyong solusyunan sa tulong ng pinaka-pogi nating detective na si JC. Well, makikilala n'yo siya sa mga susunod na araw." Salaysay ko sa kunwaring nagpapa-cute sa harap ng camera.
"At heto pang chismis. Bali-balita na sikat na raw kami sa CSU? O my gosh! Hindi ako makapaniwala dahil first time 'to sa buhay ko. At alam n'yo ba? May mga taong hindi namin alam kung galit ba o ano." Napatawa kami ng mahina at pabulong iyong sinabi ni Juliana.
Habang ipinagpapatuloy nito ang pagsasalita sa harap ng camera, hindi ko maiwasang mapatingin sa ibang direksyon, just to know kung ano na nga ba ang kanilang mga naging reaksyon. Tulad nga ng nasa isip ko, may mga nagbubulungan pero kita sa mga mga mukha nila ang pagkamangha. 'Yung iba nga ay gustong lumapit sa amin, nagtutulakan pa.
"Sila nga 'yon. Tama 'yung sabi ng isa, may pogi pa silang kasama. 'Yon 'yung JC!" sabi pa nung isa na medyo may sigla sa boses.

BINABASA MO ANG
Detective Section (Ongoing)
Misterio / SuspensoHe likes to solve mysteries. He loves to find answer for every logic. He is not an investigator nor a detective member. Para sa kanya, ang ganitong gawain o trabaho ay simpleng bagay lamang na kaya ding gawin ninuman. He is Jedd Christopher, in shor...