CHAPTER 2: First Case

281 47 81
                                    

JEDD CHRISTOPHER

NAGPATULOY ako sa paghakbang at nakasunod pa rin itong hindi ko kilalang babae. Mukhang malaki rin ang problema nito 'tulad ni momo. Hanggang sa makarating ako sa hagdang pinag-akyatan nung hindi mapakaling babae kanina. Malakas kasi ang pakiramdam kong may dapat akong maitulong sa kanya. Hindi sa pangingialam pero sinusunod ko lang kung ano 'yung inuutos ng utak ko. Iyan ang pinaniniwalaan ko, mas malakas ang utak kaysa sa puso.

"You loves myteries, right?" Biglang nagsalita itong babae na 'kala mo e, anino ko dahil hindi tumigil sa kasusunod.

Sandali akong nahinto at nakita kong muling umakyat 'yung sinusundan namin papuntang third floor. Pinapagod ba kami nito? I mean, ako?

"Yes." Tipid kong tugon. Mabibilis ang ginagawa kong hakbang ngunit sa bawat yapak ay sinisiguro kong hindi gano'n kalakas, baka kasi mapansin ako nung sinusundan ko.

"I think, you need my help. Pareho tayo ng mga gusto at nakita ko 'yon sa parehong mga mata mo. Bukod do'n, nararamdaman ko kung ano ang mga gusto mong gawin. If you don't mind para naman hindi ako magmukmang timang dito e, consider me as your partner for this situation." Nakangiti pa rin siya, medyo kalmado lang din ang pagsasalita. "By the way, my name is Reina Mitzi. You can call me as Reina, Rain or whatever you want. It's up to you."

Hindi ko alam pero ayaw makisabay ng pagiging pilosopo ko sa babaeng 'to 'di gaya ni Momo. Siguro tulad nga ng mga sinabi niya, may pagkakapareho kami. Kahit papaano, may makakatulong ako. Wait, sinabi ko bang tulong? Kailan pa ako nangailangan ng tulong? Pero hindi ko kailangang i-reject ang request niya because we have the same goal.

"Rain, I am comportable with that. I'm Jedd Christopher, JC for nickname. Kailangan nating bilisan, iba ang nararamdaman ko sa babaeng 'yon." Pagtutukoy ko sa sinusundan namin kaya nang maakyat namin third floor, pumasok 'yung babae sa pang-apat na classroom.

"Stop!" Pigil ni Rain.

Aba, tinawag ko siya sa pangalan nito. Para kasi akong naninibago kapag nakipag-close ako sa iba, hindi 'yon ang naging gawi ko. Pero, iba 'tong si Rain. Bukod sa may pagkakapareho kami, may something sa kanya na hinahatak ang buo kong pagkatao para sabihing kinakailangan naming magsama o maging magkaibigan. Agad akong huminto sa pagbuo ng mga hakbang.

 Agad akong huminto sa pagbuo ng mga hakbang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

RAIN

What a nice but an akward situation. Kasama ko kasi itong si JC, iyon ang gusto nitong itawag ko sa kanya e. Hindi ko mapigilang mapasulyap sa kanya habang kami ay naglalakad kanina ng mabilis para sundan 'yung girl na alam kong may something wrong with her at nandito kami ngayon, nakatayo dahil sandali ko siyang pinatigil. Iba 'yung naramadaman ko kay JC. Kanina kasi habang itinu-tour kami nung professor na naka-assign.

Detective Section (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon