CHAPTER 5: Special Section

189 36 38
                                    

JEDD CHRISTOPHER

PAGPASOK ay agad na ibinigay sa amin ang number o code ng kuwartong aming magiging tulugan habang kami ay nag-aaral dito sa CSU. Nasa amin na rin ang susi at laking pasasalamat ko dahil tig-iisa at hindi dalawa o marami kami sa loob ng isang kuwarto. 'Yon talaga ang gusto ko, ayaw ko ng may kasama. Ayaw kong may nagtatanong, nakikipag-usap ng nonsense topic o kaya nangingialam sa mga ginagawa ko lalo na kapag tungkol iyon sa pag-solve ng mysteries.

Nauna na si Rain dahil nasa first floor ang room niya habang ako, heto at nilalakabay ang hagdan patungong fourth floor. Ba't ang layo? Tsk. Ang dami kong nadadaanang mga kapwa ko mag-aaral dito. 'Yung iba nagsisigaw na 'kala mo nakakita ng artista. May mga seryoso gaya ko. 'Yung iba napansin kong grabe makatingin sa akin at tulad ni momo, napakalalapad din ng mga ngiti. Don't me girls, hindi ko kayo papatulan. Hindi naman sa pagmamayabang, habulin din ako ng mga babae kahit noong nasa dati ko pa akong school. Oo, naiinis sila pero nakikita kong 'di nila kayang magtampo sa akin dahil sa crush daw nila ako. Marami ang nagsabi na torpe daw ako. O, sige pero never ko munang papasukan ang gano'ng uri ng relasyon. Hindi ko kailangang makisabay sa uso na halos lahat ngayon, ang babata pa nga e, may mga jowa na. Tsk. Kaya daming nabubuntis ng maaga e. Natawa tuloy ako pero isina-isip ko nalang 'yon at baka magmukha akong baliw dito.

Para makaiwas, sa daan ko nalang itinuon 'yung mga titig ko, baka bigyan nila ng meaning kapag tumingin ako sa kanila. Saka, ba't ang hilig nilang magsuot ng maikling palda? Ng shorts? Wala bang rules ang school na 'to para ipagbawal 'yon? O baka naman 'di ko lang talaga alam dahil sa hindi ako nakinig kahapon sa orientation.

Ilang minuto, sa wakas ay narito na ako sa tapat ng kuwartong may number o code na (CSU-MC23). Akalain mo, ika-number 23 na 'yung room ko. Nahati kasi kami base sa course at lahat ng mga Mass Communication ay dito na-assign sa building na 'to. Medyo marami-rami kami pero sana naman ay hindi ko maging kaklase 'yung mga babaeng grabe makatitig kanina. Hindi ko sila gusto.

Pagpasok ng susi, agad ko iyong pinihit at bumungad sa akin ang napakalinis na kuwarto. Ibang-iba, napakabango sa loob. Mayroong maliit na kama, lamesa at mga upuan at mabuti nalang din ay mayroong sariling banyo. 'Kala ko ay kailangan ko pang bumaba, kakapagod kaya.

Mabilis kong inilapag 'yung maleta ko sa kama at isinara ang pinto. Baka may pumasok, 'di ako interasadong makipag-usap. Inilibot ko ang aking paningin, maganda naman. May bintana rin kaya sandali akong sumulyap do'n. Tanaw ko mula rito ang ilang gusali ng CSU. Kamangha-mangha. Napakalawak ng paaralang ito. Iba ang sistema at ang mas nakapagbigay sa aking tuwa kahit papaano, may libreng dorm na aakalain mong dito na talaga kami titira. Minus pamasahe rin 'yon. Iyon nga lang, tiis-tiis dahil medyo malayo sa mga magulang.

Sobrang nami-miss ko na agad si mommy. Sana may day na puwedeng umuwi. Sana...

Nag-ayos na ako. Natuwa ako lalo nang makita kong may maliit pala na cabinet na puwedeng paglagyan ng damit. Mukhang maalagaan kami ng maayos dito ha. Sobrang lupet, grabe!

Nang matapos, inilabas ko 'yung laptop ko at pocket wifi. Malakas ang signal dito, nasa bandang taas ako e. Gusto ko i-video call si mommy para malaman niya namang nandito na ako, maayos at hindi na siya dapat mag-alala. Ilang seconds, na-pop up na 'yung mukha niya sa malaking screen ng laptop.

Mommy: O anak, kamusta ka na? Mukhang maganda 'yang dorm mo ha.

Me: Oo nga po e. Mukhang mayaman talaga ang school na to.

Mommy: Komportable ka naman ba diyan?

Nakita kong ngumiti si mommy at nangungusap ang mga mata. Kilala niya kasi ako, alam niya kahit na poker face pa, kung masaya o malungkot ba ako. Sa pagkakataong ito, may masaya na part at the same time, 'yung curiosity sa kung ano nga ba ang magiging kapalaran ko dito a loob ng CSU habang nag-aaral.

Detective Section (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon