CHAPTER 9: New Case, New Friend, New Life?

123 17 10
                                        

RAIN

HINDI ko maiwasang mamula sa mga ikinikilos ngayon ni JC. Ibang-iba 'to sa nakilala ko nung orientation day. Sa mga ipinapakita nito, parang gusto niya akong laging protektahan. Pero syempre, hiyang-hiya ako kanina. Assuming talaga ng super duper, landi mo girl! 'Yung feeling na gusto kong sampalin 'yung sarili kong mukha. Nakalabas na kami sa MC Building at papunta ngayon sa isang bukas na cafeteria. Actually, marami dito at halos lahat yata ng mga gusaling pang-kurso ay may sariling canteen. Napakalamig ng simoy ng hangin at mabuti nalang ay naka-longsleeve uli ako.

Tahimik lang 'tong kasama ko, ayaw na yata magsalita kung hindi ko sisimulan.

"JC..." usal ko pero nanatili akong nakatitig sa dinadaanan namin.

"Bakit?" tanong nito.

May gusto lang akong itanong sa kanya. Bigla kasing pumasok sa isip ko 'yung mga nangyari kagabi. 'Yung pagbabanta ng mga lalaki sa amin. Gagawin kaya nila 'yon kung saka-sakaling hindi kami tumigil nitong si JC sa pag-iimbestiga? Mas matindi pa kaya ang mangyayari kapag sinuway namin ang banta nila?

"About sana do'n sa naganap kagabi. Hindi ko kasi-" hindi ko naituloy, bigla siyang sumingit sa pagsasalita.

"Don't worry, I'll protect you always. Huwag kang matakot, nasa katwiran ang desisyon natin. If ever na mangyari uli 'yon, lalaban tayo. Okay?" Sandali siyang huminto kaya't napasunod ako.

Humarap siya sa akin at heto na naman 'yung ngiti niyang napakasarap pagmasdan. Nagbago na naman siya ng awra, 'yung good side niya.

"Nandito na tayo, Rain. Hindi ko ba alam pero mula ng maganap ang mga 'yon, pakiramdam ko ay kailangan kong gawin ang dapat. 'Yung para bang dati ay laro sa akin pero ngayon, super challenging. I don't know why pero final na ang decision ko." Napabuntong-hininga ito.

Nakita ko sa mga mata niya ang tapang. Kakaiba ang lalaking ito dahil imbes na umatras, tsina-challenge niya pa ang sarili para tuklasin at alamin ang mga pangyayaring ito. At bilang kasama niya, kailangan ko ring manindigan. Ako ang unang naparusahan kaya't ako din dapat ang magturo sa sarili kong lumaban. Salamat at nandito si JC. Pinapalakas niya lagi ang loob ko.

Nagpatuloy kami hanggang sa makarating sa harap ng isang cafeteria. Maganda ito at may kalakihan. Naaamoy ko pa mula dito sa labas ang samyo ng iba't pagkain at putahe na kanilang niluluto. Mas nakaramdam tuloy ako ng gutom kaya't nauna na akong pumasok. Si JC naman, nakasunod lang at nag-o-observe sa paligid. Pagkain ba talaga pinunta nito dito? Huwag ngayon please, nagugutom na ako.

Tiningnan ko ang mga available na pagkain for breakfast, mukhang kumpleto naman sila. Nag-order ako ng fried rice with one piece of fried chicken, egg and tocino. Sa drinks naman, maliit na softdrinks ang kinuha ko.

"Iyon lang po ba ma'am?" tanong ng nagtitinda do'n.

Napatingin ako kay JC na nakatalikod pala sa akin. Kinalabit ko siya sa likod kaya't napaharap ito.

"Ikaw? Ano'ng kakainin mo?"

"Kahit ano, ikaw na ang bahala." Ibinalik nito ang titig kung saan.

"Okay." Ibinalik ko ang tingin sa nagtatanong. "Same order nalang din po 'yung sa kanya." Ngumiti ako at nilista niya 'yon.

"Wait for your order nalang po, ma'am. Here's the number of your table." Iniabot nito 'yung isang bagay na gawa sa glass ay at may puting numero na five.

Detective Section (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon