CHAPTER 7: Case Solved, Where's Rain?

125 27 7
                                    

JEDD CHRISTOPHER

NAGULAT ito dahil sa biglaang kong pagtatanong. Sandali nanlaki ang kanyang mga mata at napatingin sa aming mga nakatitig sa kanya.

"Mag-ingat ka sa pinagsasabi mo. Paano mo nasabing ako ang may gawa nito kay Grace? Wala akong kahit anong dahilan para patayin siya!" -Alfred at may kataasan ang boses nito at sa isa pang kasamahan ibinaling atensyon. "Ba't 'di siya ang tanungin n'yo. Siya lang naman 'tong may away na namagitan diyan kay Carlo." Pagtutukoy nito sa boyfriend ng dalagang pinaslang, agad naman iyong nabigla at napatingin.

"Bakit ako? Oo, nagkaroon kami ng away niyang si Carlo pero nadala lang ako ng kalasingan ko. Ang lakas mo namang mamintang. Teka, sino kaya dito ang may galit kina Grace? Hindi ba't ikaw? Balita ko bro, may pagtingin ka kay Grace. Mali kaya ang mga naririnig ko?" -James.

"Tangina mo pala e! Ba't mo 'ko binabaligtad ngayon, ha?" -Alfred at nagbanta ito ng suntok sa isa pang kasama.

Tsk! Hirap ng mga lalaking alam na nga may jowa, gugustuhin pa.

Pilit iyong inaawat ng mga kasamahan namin lalaki. Kahit ano'ng gawin nilang pagdadahilan, lalabas at lalabas ang totoo. Napapailing ako sa mga nagiging reaksyon nila. Tunay ngang walang kriminal ang umaamin.

"Gago ka pala e. Ikaw nga ang pumatay kay Grace, tangina mo! Naririnig ko na noon pa na nagseselos ka sa amin!" Isang malakas na suntok sa mukha ang ibinigay ni Carlo kay Alfred.

Kahit hawak ng ilang lalaki, natumba iyon sa lakas at nagdugo ang labi. Sinubukan niya iyong pahirin gamit ang mga palad ngunit mabilis akong lumapit at hinawakan ang kamay niyang may balot ng tela. Napatingin siya sa mga mata ko at nang magbantang susuntukin ako, hinawakan ng lalaki ang isa pang kamay nito.

"Hindi mo maide-deny ang ginawa mong pagpatay kay Grace." Una kong sabi at saka inalis ang telang nakabalot sa kanyang palad. "Saan nanggaling 'tong sugat mo!?" matapang kong tanong.

Hindi ko nakita ang pagkagulat sa kanya. Imbis na mabigla, tinawanan niya ako at nginitian ng may pagka-sarcastic.

"Sinusubukan mong alamin dahil lang sa sugat ko? Bro, kanina lang 'to nangyari dahil habang nag-aayos kami sa loob ng classroom ay aksidenteng nabasag ang vase namin. Kahit ipatawag mo pa ang iba kong mga kasamahan." Muli siyang natawa.

"Hindi ko kailangan ng taong magpapatunay para lang matakasan mo ang pagkakasalang 'to. Lahat ng bagay at pangyayari ay nababago at nadadaya." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya at halos mamilipit ito sa sakit.

"Mister, paano mo ba nasasabing siya ang pumatay kay Grace?" Tanong ng isa pang lalaki at lumapit sa amin.

Bago ko siya lingunin, napatingin ako sa telang ibinalot nito kaya't napangiti ako. Ngiti dahil hindi ko na patatakasin ang isang 'to.

Binitawan ko siya at bumalik sa loob ng banyo. Agad namang napasunod ang iba habang hawak-hawak pa rin ang dalawang suspek.

"Una, ikaw ang mas maagang nakapag-text kay Grace. Sa pagitan ng 12:01 hanggang 12:08. Mas mabilis at ikaw ang tanging nasabihan ni Grace na sa Criminology building siya pumapasok. Sa gano'n kaagang pagtatanong mo sa kanya, may pagkakataon kang makagawa ng kilos para makapunta dito. Pangalawa, nang tanungin ka ni Grace tungkol sa kanyang boyfriend, ang tanging naisagot mo lang ay 'hindi' dahil nga sa may nabuo ng selos noon pa man." Salaysay ko at unti-unti na siyang natauhan.

Detective Section (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon