CHAPTER 12: Coincidence?

160 13 7
                                    

JEDD CHRISTOPHER

I CHECK my wristwatch, magpa-five na pala ng hapon. Naglalakad ako pabalik sa canteen kung saan binalak ko sanang alamin kung ano nga ba ang mayro'n ayon na rin isinisigaw ng utak at kuryusidad ko. Sa ngayon, kailangan ko munang maglaan ng kahit mga five to ten minutes, may importante pa raw kasi kaming gagawin sa 6th floor ng MC Building. Bago 'yon, muling nanumbalik sa isip ko 'yung mga kaganapan kanina. Hays, napabuntong-hininga na lamang ako.

---FLASHBACK---

Nabigla ako sa mga sinabi nitong lalaking katabi ko. Although hindi hindi na siya bago dahil nga sa pinagkakaguluhan na kami, until now kasi ay talagang naninibago pa rin ako. For sure, ganito rin ang nararamdaman nina Rain ngayon. Hindi ko maiwasang mapatanong at kilalanin pa itong kaharap ko.

"So, may bago ba kung gano'n?"

Natawa siya, "Tama nga ang sabi, may pagka-pilosopo ka nga talaga, bro. Okay lang 'yan, sana'y na 'ko sa ganyan." Tinapik niya pa ako sa balikat, hindi ako natutuwa.

Tinitigan ko ang kamay niya, as in napakasama.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," mahina pero alam kong dama niya 'yung nais kong iparating.

"Okay, okay!" Nagtaas pa siya ng mga kamay. "Ganito 'yan bro, famous na kayo kumbaga. May dapat pa ba akong ibang isagot?" Nakangiti siya pero bakas ang kaba.

Napailing ako, at walang emosyong ibinalik ang aking atensyon sa harap. Walang kuwentang usapan, ganyan din naman mga maririnig ko sa mga susunod na araw.

Famous? Tsk!

Hindi ako interesado sa gano'n. Mukhang may point 'yung sinabi ng mga nakasalubong namin kanina, kailangan naming mag-disguise. Pero para ano pa? Nai-imagine ko, magmumukha kaming tangan nun 'pag nagkataon. Sorry, may sarili rin akong rules at sisiguraduhin kong magiging isa lang akong ordinaryong mag-aaral dito. May goals ako, at do'n lang iikot 'yon, tapos!

Sandali akong napasulyap sa katabi ko, nakikipagbulungan na pala 'to sa iba pa naming mga kaklase. Nararamdaman kong pinag-uusapan na nila ako. Sorry, sanay na ako at isa pa, mas better para alam n'yo na'ng gagawin n'yo sa mga susunod na magkakasama-sama pa tayo. Mga writers ang mga narito, hindi ba? Literally, paganahin po natin ang mga utak natin at kung ano ang pino-point ko mula sa kilos, pananalita at ugali ko. Hindi ko maintindihan kung naiinis ba ako o ano.

Siguro, ngayon lang 'to. Ganito rin naman ang naging sitwasyon ko kay Momo na sa huli, medyo naging close ko naman. No more reasons, matiyaga talaga siyang babae at pinaka-friendly sa lahat ng mga na-encounter ko bukod pa sa nakaraang taon.

Kinuha ko 'yung selpon ko, sasamantalahin ko munang magsulat habang wala pa ang Prof. namin. Gusto ko lang i-update ang mga pangyayari, lalo na 'tong pagiging kilala namin sa campus. Pero nahinto ako, may tumawag sa pangalan ko.

"JC..." mahina pero agad akong napalingon sa bandang likuran.

Nakita kong kumakaway si Rose, para siyang si Momo pero mahinhin masyado ang isang 'to. Kumbaga, medyo mahiyain din naman kahit papaano. Napatango ako at ngumiti ng matipid saka ibinalik ang atensyon sa selpon ko. Writer din pala siya, sana nga ay makasundo ko rin ang babaeng 'yon katulad ng iba pa.

Detective Section (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon