12

569 5 0
                                    

"Baboy, nakapili na ako" sambit ni Ricci sakin kaya hinampas ko ito sa braso niya. "Ewan ko sa'yo unggoy. Wag mo akong kakausapin" sabi ko at tumalikod sakanya. "Joke lang eto naman. Ikaw nga unggoy ng unggoy sakin eh" I chuckled sa sinabi. Totoo naman pero na unggoy tawag ko sakanya. "Oh ano na?" sabi ko. "Tignan mo nalang phone mo. Para makita mo"

*insert tweet
There's no where to go but UP

"Mag-uUP ka?" tanong ko. "Ay hindi. Halata na nga eh diba?" sabi niya na may pangaasar na tono. "So Fighting maroon? Wow isko na si kuya unggoy ay este Ricci" sabi ko. Kaya napapout siya. Everytime na may unggoy napapout siya. Wala ang saya lang siyang asarin ang cute cute kaya niya. "Che, ayaw mo pa. Schoolmates tayo" saad  niya. "No way! Kahit na sa UP ka hindi kita papansinin dun. Bleh" inasar asar ko siya tapos biglaan akong tumayo para tumakbo kasi siguradong hahabulin ako nito. Parang kaming batang takbo ng takbo dito sa mall. Inaya niya kasi ako 1 week after nung malungkot siya. Eto kami ngayon naghahabulan walang pake sa mga tao sa paligid.

Hindi ako tumitingin sa daanan ko may nakabunggo na pala ako. He looks familiar, nakasama ko na dati. Hayssst... It's Vince again. Yung friend ko nung highschool na super close as in napagkakamalan na kami na pero hindi. Iniwan niya ako nung 3rd yr highschool magaaral daw siya sa states and hindi na siya nagparamdam. Tapos ngayon makikita ko lang ulit siya. Hay nako.

Namukhaan na din niya ako. "Hey Gabbi, long time no see" saad niya. Long time no see mo mukha mo. Yayakapin sana niya ako pero uniwas ako. "Don't you dare" saad ko pero pilit na yayakap ulit ng dumating si Ricci. "Hey, ayaw nga niya diba. Don't touch my girlfriend or else ako ang makakaaway mo bro" napalaki ang mata ko sa sinabi ni Cci. Girlfriend? WTF. "Ohh, may boyfriend ka na pala Gabbi, hindi mo sakin sinabi" sabi ni Vince na nakangisi. "Sino bang hindi nagparamdam ha? Sino bang nagsabi na hindi puputulin ang communication with me tapos hindi man lang mag chat in 2 months. Hay nako Vince, palibhasa wala kanamang pake saakin eh. Kaya wala kang karapatan na sabihin na hindi ako nagiinform sa'yo kasi ikaw naman tong nang-iwan sa ere" sabi ko ng may bahid ng lungkot at galit sa mukha. Patulo na sana ang luha ko, thankful ako kay Ricci at nilayo na niya ako dun sa lalaking yun. Hinila niya ang wrist ko at pumasok kami sa isang restaurant.

"Hey,are you okay?" tanong sakin ni Ricci habang pinupunasan ang luha ko kasi trinaydor na talaga ako nito. "Yup, medyo fine na. Thank you" saad ko. "Sino ba kasi yun ha? May ginawa bang masama sa'yo?" tanong niya. "Malaking kasalanan" sabi ko at kinwento ang buong storya nung nangyari samin. Naiintindihan naman daw niya ako and nagadvice nga siya ng pwedeng gawin. May puso din tong si Ricci yung akala ng ibang tao ay sa kama lang ang alam. Dun sila nagkakamali, malambot ang puso ni Cci, he's always there for his friends no matter what. "By the way, Elle, don't mund yung sinabi ko kanina na girlfriend, wala yun akala ko lang kasi stranger" sabi niya. Anubayan akala ko totoo na, sayang naman. "Yeah, I understand naman" ani ko.

Next days, mas clingy si Ricci. Di ko alam kung anong nakain neto pero parang ansaya kapag lagi siyang ganyan saakin. Ewan ko ba sa sarili ko. "Elle! Tara volleyball, diba player ka" sabi niya sabay akbay sakin kakatapos lang ng last class ko at sabi niya aantayin niya raw ako. Bale 2 oras siya nag-antay so sino ba naman ako para tumanggi. "G! Saan ba?" tanong ko. "Tara dun sa amin, saturday naman tomorrow magsleep over ka nalang" saad niya. "Hep, hep. Di ako nagpaalam kay mama so di pwde" sabi ko. "Anong hindi? Napaalam na kaya kita kay tita😉" may pawink pang nalalaman. "Ipakilala na rin kita sa family ko. I'm sure you'll enjoy being with them" dagdag pa niya at tumango nalang ako. Well, tiwala naman si mama sa kanya and pati sina kuya. Nakakausap lang sa facetime sina kuya pero sigurado pag nanligaw tong Ricci na toh, makakawawa siya. Huy, Gabbi anong ligaw? Imposible yun noh. Bestfriends lang kayo.

Dumating kami sa Isabela, nandun sina tito Paolo at mommy ni Ricci. Sina kuya Sheed, Tito at Kuya Prince lang kilala ko rito. "Ma!" sigaw ni Cci at niyakap ang kanyang nanay. "Hello po, I'm Gabrielle po. Friend ni Cci" saad ko medyo nahihiya pa ako sa kanila. "Helle din hija, feel at home lang dito pagasensyahan mo na mga magkakapatid" sabi ni Tita Abi. Lagi siyang kinikwento ni Ricci sa akin. "Feel at home, pakilala ko nalang sa'yo mamaya yung mga magugulo kong kapatid" sabi ni Ricci. "Na nagmana sa'yo?" tanong ko at humalakhak. Pumunta na siya sa kwarto para magbihis lang saglit na pang volleyball attire. Ako kasi nakabihis na, eto yung suot ko nung nagbyabyahe kame. "Mom, who's this?" tanong ng isang bata habang tinuturo ako. Ngumiti ako sakanya. "Oh, that's achi Gabrielle. Friend ni sahia mo" sabi ni Tita Abi. "Friend nga ba? Hi achi" halakhak nung bata at umupo sa lap ko. "Hi achi, I'm Riley po. Anong nickname mo" saad niya. "Riley, you can call me achi Gaile. For uniqueness" sabi ko kaya napangiti siya. "Yey, thank you ate. I'm sure sahia really likes you ayaw niya lang umamin. Haha" sabi niya. Ang kulit din pala ng batang toh. Sarap pisilin yung pisngi niya. He's cute like his brother yung nga lang mas fluffy yung cheeks.

Perfect Timing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon