19

420 4 0
                                    

Nagusap usap lang kami... Well, parang ginagawa lang ng usual friends. Nambibiro minsan si Brent kaya naasar si Cci. Pikon din kasi tong si kuya mo ritsi eh kaya alam na ni Brent.

Ricci's POV

"Gabbi, sino pala yung guy na nameet mo?" saad ni Brent. "Uhh... Yun? Anton Asistio. Yung blue eagle." sagot niya. "Shocks" medjo malakas na pagkasabi ni Cassandra. "Woah! Ateneo ka pala ha! Ayaw mo ba ng kapwa mo taga UP?" sabi ni Brent kaya kinurot ko sa tagiliran at napaaray siya. "Di ka na nagsasabi ha" seryoso kong sabi. "Eh sino ba di nangungulit? Yung maraming fangirls jan" pambibiro niyang sabi kaya inirapan ko lang siya.

Gabrielle's POV

Inasar asar ko na rin si Ricci. Napagtutulungan na namin siya ni Brent samantalang si Cassandra naman yung kumakampi kay Ricci. "Brent...Usap nga tayo mamaya. Tayong dalawa lang" bulong ko kay Brenty. "Oks... Bestie" pambakla niyang saad.

After ilang minutes natapos na din ang kwentuhan kaya sumakay na kami sa kotse ni Brent kasi hiniram daw nina kuya Rasheed yung sasakyan ni Ricci. Inihatid muna namin si Cassandra tapos si Cci. Nag-usap usap muna kami sa sasakyan ni Brent. Bale almost 1 hr pa naman bago dumating sa bahay eh kaya brining out ko na yung pag-uusapan namin. "Uhm... Brent" saad ko. "Ahh... Oo ano pala pag-uusapan? " sagot naman niya. "Ganto kasi yun, diba hindi ko nabanggit kanina toh. Si Anton kasi may balak manligaw like nung isang araw niya lang sinabi. Sino ba naman ako para tumanggi eh ang bait naman niyang tao as what I've observed. Madali lang din mahalin pero there's this person kasi na parang mas lamang? Well, oo mabait si Anton pero mas feel ko yung isa" sabi ko sa kanya ng masinsinan. "Sige bestie, I'll give you an advice. Nanliligaw palang naman si Anton. Di mo pa naman sinasagot so may chance na mareciprocate nung isang guy yung turi mo sakanya. I-observe mo kung may mga signs na may chance kayo pero kung wala edi give that Asisitio a chance pero it' s up to you naman kung gugustuhin mo. Kase love yan mahirap diktahan. Di yan parang bata na sasabihan lang ng magulang susunod agad. Puso mo yan eh, you never know kung kailan magmamahal. Basta tandaan mo nandto lang ako. Approach me lang ha and sabihin mo sakin soon kung sino yung guy ha" pag aadvice ni Brenty. "Syempre. Basta tulungan mo ako ha" sabi ko malapit na rin kami sa bahay. Tumango lang siya.

After 2 mins. Nakarating na kami sa bahay. We bid our goodbyes kasi sa UST na siya. He's the only one na nakahiwalay UP saming tatlo eh. HAHAHA

Perfect Timing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon