"Elle" sambit ng isang boses na nagbukas ng pinto. Alam ko naman na si Ricci toh kasi siya lang nagtatawagng Elle saakin. "Hmm" hum ko at lumapit nalang siya saakin. "Samahan na kita" biglang salita niya. "No need, sayang yung bonding nio ng brothers mo. Minsan ka na nga lang umuwi" sabi ko habang naghihikab. "Okay lang daw. Sinabi ko na sakanila" sabi naman niya. "Okay, tulog na ako" sabi ko na akmang pipikit na sana pero nakokonsensya ako kasi sasamahan na nga niya ako tapos na sahig pa matutulog. Kasalukuyan siyang nakasandal sa kama habang nakapikit. "Uhmm... Cci" sabi ko. Nag hum nalang siya. "Gusto mo rito, parang di ka komportable jan eh" sabi ko. "I trust you naman eh" dagdag ko pa. "Yieee, gusto ako katabi. Sabi na nga pa crush mo ako eh" pambibiro niya pa kaya nahampas ko ng kaunti. "Ayaw mo edi wag" sabi ko at tumalikod, humarap sa wall. "Joke lang. Eto naman oh... Gaile" pangyuyugyog niya saakin ng mahina. Kapag Gaile na ang tawag niya saakin ibig sabihin nanglalambing na toh.
"Tulog na tayo" sabi ko at pumikit na. Naramdaman ko na inakbayan niya ako at nilapit sa balikat niya at pinasandal dun. Mga galawan nito eh, hinahayaan ko lang siya kase I trust him naman. Pero nalilito ako sa kanya, mixed signals binibigay niya. Baka nag aassume lang ako, mahirap na. Pwede namang maging crush lang eh. Hinahangaan ko talaga tong si Cci. Akala ko nung una masungit siya kasi nga snobber pero pag nakilala na pala malambing siya. God-fearing at Family-oriented pa.
BINABASA MO ANG
Perfect Timing
FanfictionA girl not so fan of athletes but an athlete herself unexpectedly fell inlove with one. She tries to manage her time when to tell the guy he truly loves