'' Uhmmm... Guys. Pwede ba kaming mauna. May lakad pa kami eh" sabi ni Ricci at napatango nalang lahat. Hinawakan niya si Ysabella sa waist at binulong na 'tara na'.
Masaya lang kaming nagkwekwentuhan nung umalis na sina Ricci. After ilang minutes may lumapit sa table namin na babae. "Uy Gabrielle" kalabit sa akin. "Alex!!!" niyakap ko siya ng mahigpit. "Tama na nakakahiya sa mga boys nakasama mo jan pati na rin kay... Cassandra?!!!" sigaw niya at lumapit kaagad kay Cas. "Bakit ngayon ka lang ha? Tagal na nating di nagkita" sabi ni Cas. "Di bale wala na yun. Nandto na ako oh" tinuro pa ang buong katawan. "Girlss... Pakilala niyo naman yan. Bawal sarilinan" biglang sulpot nitong malanding Aljun. "Ah. Hello po, I'm Alexis, kahit Alex nalang. Sorry to bother po. Sige una na po ako" sabi niya at akmang aalis na sana ng biglang nagsalita ulit si Aljun. Parang may pakay toh ah. "Alex, wait lang. Makisama ka nalang dito sa table. May vacant seat pa naman" sambit niya at tinuro ang upuan ni Ricci kanina na katabi niya. "Woaah Aljun easy there bro" sabi ni Kib. "Oo nga tol. Chill" sulpot naman ni Andrei. "Heh. Ewan ko sa inyo" nakasimangot na sabi ni Aljun pero ngumiti din nung nakitang uupo na si Alexis sa tabi niya. Natapos ang gabi ng puno ng asaran at kwentuhan. Nagpasya na kaming umuwi. Naghiwahiwalay ng sasakyan, si Alex sasabay na lang daw kay Kib, Aljun at Andrei. Heh, go girl. MontCarMel kasama mo. Sa sasakyan naman ni Brent ay ako at si Cassandra.
==============
"Ricci!!!" sigaw ko dahil nakita ko siya sa hallway. Ewan ko ba bakit ko siya tinatawag. "Vacant mo ba?" tanong at tumango lang siya. "Tara lib" sabi ko at inakbayan ako bigla. "Huy, bitaw" sabi ko at inalis ang kamay sa braso ko. "Wow! Ikaw ang unang babae na nagsabi sakin niyan ha. Friend" ang sakit naman. Jk lang 😜"Wow! Oo alam kong sikat ka, pero mga specialna tao lang ang pinapahawak ko sa katawan ko" sabi ko. "So, hindi ako special?" sabi naman niya na ikinatahimik ko. "Tarana nga" hinila ko na siya papunta sa may library. "Teka, ba't mo ba ako hinila papunta dito?" tanong niya. "Eh may mga questions ako sayo, to know more about you. Ayaw ko naman ng kaibigan tapos di ko kilala" sabi ko. "Eh ako? Gusto mo bang maging ka-ibig-an?" sulpot nanaman niya. "Che! Magalit pa si Ysabela sakin niyan eh" sabi ko nalang baka sakaling tumigil siya sa pangugulo. "Ysa? Wala na kami nun. Siya lang naman may gusto eh. Never akong magkakafeelings dun" sabi niya na ikinagulat ko. Wow ha! Ambilis magpalit. "Eh sino bago mo?" tanong ko. "Ikaw. Ayaw mo?" sabi nya ng mabilisan. "Huy! Ayoko ng pakboy" sabi ko sakanya. "Di naman ako pakboy" kanta niya pa. "Ewan ko sa'yo yara na nga. Ayoko na babalik nalang ako dun kina Aldrich" sambit ko. Aalis na ako pero hinawakan niya ang wrist ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/183909695-288-k583194.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Timing
FanfictionA girl not so fan of athletes but an athlete herself unexpectedly fell inlove with one. She tries to manage her time when to tell the guy he truly loves