1

2.3K 14 0
                                    

"Beshy tara na, dalian mo oh. Baka hindi na tayo makaupo sa malapit sa players na seat" my friend said while rushing me habang nagaayos pa ng gamit.

"Mag-antay ka nga dyan, ikaw na nga nagpasama. Ikaw pa may ganang magmadali jan. Alam mo namang wala akong pake sa mga ganyan ganyan eh" sabi ko sakanya while getting my phone, the last thing, para maka alis na. Masyado kasing obsessed tong kaibigan ko sa basketball players eh. Kala mo naman sikat

"Oh siya, tara na. Wag kang maginarte diyan malay mo, jan ka makahanap. 😂 Joke lang, pero diba jokes are half meant" diretsyahang sabi sakin ng kaibigan kong daldalita. "Ewan ko sa'yo, tara na kaya oh. Ikaw na nagmamadali. Ikaw pa may ganang dumaldal jan" pag mamatigas kong sabi sakanya, at pumunta na nga kami   sa kotse ko at nagtungo na sa venue. Actually, diko rin sure kung sino maglalaban eh, ADMU vs DLSU ata eh. Diko rin alam.

Haysst... Buti nalang at may 2 vacant seats pa malapit sa players. Hindi ako kukulitin ni Cassandra dito. "Besh, wag kang maingay ha, mahiya ka sa players oh. Kaharap lang natin sila" winarningan ko na sya para hindi ganung tili ng tili. "Oo na, oo na" sabi niya ng wala na siyang choice kundi sundin ang sinabi ko kasi may chance na iwanan ko sya dito. "Besh, magstart na oh, Lasalle team ha. Don't forget" she said at magstart na nga ang first quarter ng game.

Hindi maiwasang tumili ni Cassie kaya, hinayaan ko nalang kasi normal naman yun pagknakita mo yung lodi mo diba. Syempre titili din ako kung nakita ko si Daniel Padilla. Haha. Habang sigaw ng sigaw si Cassie, hindi niya napansin na tumitingin na sa kanya mga players na nasa bench. At may isa, naiirita na ako sa kakatitig sa akin. Ang awkward. Duh... "Huy, Cassie. Sigaw ka ng sigaw. Tumitingin na sa'yo ibang players oh" pabulong kong sabi sakanya para hindi marinig na iba. "Bakit, normal lang yan. Alanagan hindi sila lumingon man lang sa mga sumusuporta sa team nila, palibhasa tingin ng tingin sayo yung isa eh. Kilig ka naman 🤔" panloko niyang sinabi. Akala ko di niya nakikita na tumingin sa kanya yung players eh. "Ewan ko sayong babae ka" pamaamahala kong sabi sa kanya at lumingon na ulit sa mga naglalaro sa mismong court.

Matapos ang ilang minuto, patapos na ang 4th quarter. Mukhang magiging masaya si Cassie sa resulta dahil lamang ng 6 ang Archers. "Gabbiee... Treat kita mamaya. Wooohoooo... Animo Lasalle" sigaw niyang sabi na halos mabingi na ako sa kanya. "Talaga namang itretreat mo ko eh, o ano na. Tapos na game. Anong gagawin natin dito" naiinip kong sabi sakanya. "Pupunta pa tayo sa players, actually kaibigan ko na nga yung isa eh... Haha, sowee. Ngayon ko lang sinabi" she said while letting out a chuckle. "Sino naman dun ha, dika nagsasabi."
"Jersey no. 8 nukaba, tara na bago pa sila madumog ng fans nagusap naman na kami ni Brent eh"
"Ewan ko sa'yong babaita ka, pinapagod mo lang sarili mo. Ha, pero nice catch ka dun sa Brent na yun ha"
"Oo naman ako pa magaling pumili, pero actually magmemeet kami ng buong archers sa Sabado. Sama ka? Gusto daw nila akong makilala pa eh, I mean yung parang tropa. Sino naman ako para tumanggi"
"Depende sa sched ko. Galing mo naman hakot mo pa lahat ah, pero don't corget ako ha"
"Hay nako, ewan ko sa'yo. Basta tara na nga"

Nagpunta na kami sa baba at unang pinuntahan yung naka Jersey no. 8, wala pa namang masyadong fans kaya nakasingit kami.

"Uy, Brent. Musta???" singit ni Cassie sa tabi ni Brent. "Oh hi Cas, ok lang naman. Don't forget yung sa Sat. Ha" wow, akala ko english lang ng englisng tong mga toh, marunong din pala magtagalog. "Gabrielle, tara papicture, sayang yung moment oh, Brent Gabrielle pala. My bestfriend"
"Hi, ikaw pala yung kinikwento ni Cas na hindi masyadong fan ng basketball"
"Oo ako nga yon, at kailan naman kayo nakapagusap ni Cassie ha???"
"Ah, chat. Nagbrobrowse kasi ako sa Ig stories ng mga fans ko then I accidentaly pressed the emoji with heart eyes"
"Okay,okay. Dika na pala nagsasabi Cassie ha"
"Sorry na besh, wag na tampo. Sasabihin ko sana sayo eh"
"Hmppp..."
"Tara na papic sa ibang Archers dali"
"Sige na nga pagbigyan, petmalu naman sila eh"

Nagtungo kami sa mga Archers at syempre pumunta na kami sa hindi masyadong dinumog ng tao. Nauna kay Aljun ata? Di ko alam basta yung Jersey no. 11. Tapos nagsunod sunod na, last si kuya Prince Rivero kasi yung mga iba, nadumog na ng mga tao. At umuwi na ako kasi si Brent na ang naghatid kay Cassie. Nagchat chat  na lang kami ni Cassandra

Perfect Timing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon