SINAG ng araw ang unang bumati sakin pag ka gising ko. Nasapo ko ang aking ulo ng maramdamang sumakit ito dala siguro ng hang over kagabi. Not sure gabi or madaling araw? Diko na namalayan kung anong oras ako nakauwi basta ang mahalaga buhay padin ako. It was really a long long ride with them in the bar. Kaarawan kasi ng kaibigan kong mula pa sa Tenidras, si Crexe. Kababata ko nung araw ngunit ng mas nagkaisip ay nanirahan na sila sa Tenidras.
Sa Agraca ako lumaki. Masayang Pamilya ang kinalakihan ko, isang pitik lang ng naisin ko ay nandyan na agad. Nakahatag na agad sa harapan ko kulang nalang subuan pa nila ako sa sobrang rangya ng buhay namin dito. Marunong din naman magbanat ng buto. Ayokong umaasa sa iba. Sa IBA. May buhay ako may kamay at paa anong silbi nito kung diko gagamitin?
Magbabalik eskwela na naman mabuburyo na naman ako sa paaralan. I can ace my exams and everything pero ayoko tamad kasi ako kapag napagtripan lang doon lang magseseryoso. Mas mabuti pang magtrabaho nalang ako rito sa aming lupain kesa abutin ang expectations ng mga guro samin at makipagkompetensya sa mga kaklase kong anak ni Gogols.
Alas sais y'medya na ng ako'y magising pamihadong late na naman ako nito babatiin na naman ako nito ni Ma'am Putcua ng "Aba'y anong akala mo ineng bakasyon pa't hayahay ka sa pagtulog? blah blah blah". Malay ko ba dyan palagi ko nalang yan guro sa oral reading every year di nawaglit sa pandinig ko yang litanya nya.
Tumango lamang ako sa kanya katulad ng nakasanayan na. Dumiretso sa napiling upuan at ng makahanap ng maayos ayos na pwesto para sa pagtulog ay isinagawa ko na.
Tunog lamang ng bell ang nagpagising sa napakaganda at masarap kong tulog. Sukbit sukbit ang bag sa aking likuran ay tinungo ko ang milktearia para SANA kumain kung hindi ko lang nakasalubong ang minsan ng naging paksa ng tula ko. Crexe.
"Zup Dratsu?" He smiled and winked at me. Wow Lakas aman a'bata oi.
"Anong kailangan mo? Makita ko palang yang pagmumukha mo naiirita na ako" direkta ko naman. Lalapitan ka lang naman ng mga tao kung may kailangan sila. Always Remeber that Dratsu.
"Kung makapagtanong ka naman para namang dika patay na patay sakin ah" he replied. Sumilay ang mapang asar na ngisi sa kanyan mga labi, well natural na sa kanya yon.
"Noon yon hindi na ngayon" kala nya ha dapat mataray effect tayo para di masyado halatang marupok.
Aba eh sinong hindi magkakandarapa dyan noong kabataan namin eh kay kisig ng katawan niyan ngay'on nga't naalala ko pa'y mas matangos ang ilong niyan sakin at ang kanyang labi ay mas mapula pa sakin. Dinaig pa kamo nyan ang babae kung features palang ng mukha ang paguusapan. Mula sa sando nyang sira naman ang gilid at sa itim na shorts na bumagay sa kanya, mga pormahan ni Crexe dati ah ibang iba na ngayon.
Ano kayang pakiramdam ng makapunta ng Tenidras ano? Siguro'y busog ang aking mga mata sa mga nagtataasang establisyamento ron. Maganda nga siguro doon pero mas maganda padin ako.
"Sus kunwari ka pa! Noon nga'y kulang nalang ang lagariin tayong dalawa para maghiwalay" Sambit nya.
Daig pa namin ang kambal noong may relasyon pa kami. Ni hindi kami mapaghiwalay depende nalang kung iihi, tatae o maliligo at sa iba pang personal na bagay. Personal na bagay tapos pili pa.
"Kaso kahit di na tayo mapaghiwalay, nakawala kapa din" I replied. Kung mang aasar lang siya ay wag na ako dahil masama na ang araw ko mas pinasama nya pa.
Nagdire-diretso na ako sa paglalakad patungong milktearia. Paano ba namang di tatawaging milktearia yan? Halos iyan nalang ang itinda rito sa paaralan. Milktea everywhere and anywhere. Mapupurga na ako sa milktea na iyan puro sago laang din naman ang habol ko. Naalala ko pang tae ng kambing ang tawag ko rito noong nasa murang edad pa lamang ako.
Break time pa lang naman so maikli lang ang oras na maaaring ilagi namin rito. Ayoko namang mahuli na naman sa pangalawang klase ko kaya maagap kong inubos na ang Buoyant tea ko. Isang dighal muna ang pinakawalan ko bago nagdiretso sa paglalakad.
"You're 11 minutes late Ms. Bavel, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Simula't sapol ka talagang bata ka. Oo!" Ma'am Gucana nga naman oh wala ng pinalampas. Markado na ako dito sa paaralan na ito eh.
"Break time kanina so ayon ho kumain ako. Ang akala ko nga ho'y di ako mahuhuli muli sa klase pero nahuli padin. My apology Miss." tae. bastos ko talaga. proud kapa nyan dratsu ha?
"Recite 50 elements that can be found on the Periodic Table of Elements" segunda nya naman na talaga namang ikinagulat ko. Lintek naman Oo! Labing isang minuto ka lang nahuli sa klase. Pambihira.
"To be honest Miss, I cant remember any elements found in Periodic Table but I can recite those 50 elements just give me 5 mins" mayabang kong usal. Y'know my goal here is that maubos ang oras nya so di na siya magkaklase. Arayt? Good idea Dratsu.
"Wag na at alam ko na yang tumatakbo dyan sa isip mo" Saulo din naman pala ako ni Ma'am kala ko hindi e.
Dratsu Bavel. Late na nga nangangatwiran pa. Best in late. Major in Pangangatwiran plus sumasagot pa.
Tinackle lang naman ni Ma'am ay about chromosomes and something like that. Diploid and Haploid cells. Reproduction and growth. Things like that. Hala ewan basta ako'y nakatitig lamang sa pisara at sarado ang tainga parang makinig.
Ang mga sumunod naman na mga subjects ay mabilis ding natapos habang ang ibang guro ay nagiwan ng ilang aktibidad na sa bahay na raw gagawin. Ang nasa isip ko lamang ay makakapagpahinga nadin ako sa wakas na kahit wala naman akong ginawa sa paaralan eh pagod na pagod ako. Nanatili muna ako sa silid habang tanaw ko pa ang pagdagsa ng mga tao palabas ng paaralan. Nahihilo at sumasakit ang ulo ko kapag nakakakita ng madaming tao na kumpol kumpol tapos magugulo pa and also kapag madaming ilaw. Umiinit agad ang mga mata ko at susundan ng pagkahilo at pananakit ng ulo.
Paglabas ko ng paaralan ay agad akong dumiretso sa tindahan ng mga minindal bago umuwi sa amin. Wala namang sumusundo sa akin kaya ayos na iyong mahuli ako ng uwi.
Matapos makakain ay nagabang na ako ng pumapasadang tricycle. Lahat ng dumaraa'y puno kung hindi naman ay inarkila pala. No choice kundi maglakad ako ayos lang naman dahil matagal ko na din naman itong ginagawa. Ngayon nga lamang ay kakaiba dahil kasabay ko si Crexe at ang siguro'y bago nyang gagaguhin na naman.:|
Ang Tenidras at Agraca ay kathang isip lamang ng feeling author okay? Hindi talaga sila nageexist and di ko pa din nachecheck sa Google kung may place nga ba na ganoon. Sana naman wala. Gusto kong lahat ng lugar na mapapasailalim sa storyang ito ay gawa gawa ko lang.
ERRORS JOINED THE GROUP.
Thankyou!!
YOU ARE READING
LUNA
Teen FictionNaadik kana ba? Nalulong kana ba? Natokhang ka? Adik at lulong sa buwan. Let the moon and stars light up my way.