Chapter 11

6 1 0
                                    


Unti unti kong iminulat ko ang mga mata ko, sa una ay puting ilaw na ang sakit sakit sa mata ang bumati sa akin. Buhay pa ako? Tae!! Oo nga buhay pa akooooo!! Jusq!! Thankyou Lord!! Magbabait na po talaga ako. Teka nasaan ako? Pero may naririnig akong nagsasalita e.

"Miss ano pong gagawin? Sabihin nyo po. Buhay pa po sya? Humihinga?" aniya. Sino ba itong nagsasalita? Hmm ang sama ng boses nya ano ba yan!

"Calm down Mister, sa ngayon naman ay okay na siya nakainom lang ng madaming tubig. Pahinga lang ang kanyang kailangan" tugon ng Nurse? Oo ata Nurse!

"A-ah sige po. Maraming Salamat po!"

"Psstt! Pssttt!!" sitsit ko sa kanya. Ang loko napalingon lingon pa! Ano e-fan lang ang peg?

"Hoy! Kanina ka pang tinatawag!" sigaw ko sa kanya. Buset e!

"Gising kana?" nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sakin. Tanga ba ito? Kita namang nakamulat oh!

"Ay hindi tulog pa ako! Zzzzz" pagkukunwari ko pa.

"Thank you Lord!!" may pagsuntok pa sa ereng sambit nya.

"Ilang araw ba akong di nagising at ganyan ka? Para ka namang may natuklasan na hindi ko alam ah" tanong ko pa.

"A-ah wala wala! Hindi naman araw no, oras lang siguro"

Hays. Buti naman akala ko nalaman na nila yung tinatago ko. Sino kaya ang nagcheck sakin? Dapat nakita nila yun sa katawan ko, na may ganun ako. Pero sana si Niara nalang ang nagcheck sakin para mas ligtas.

Ayokong kapag nalaman nila ay saka lang ako mabibigyan ng kalingang gusto ko. Saka lang may magmamahal sakin at magaalala. Mananatiling sikreto ito hanggang patayin pa ako nito. Hindi ko kailangan ng pagmamahal at aruga kung hindi naman ito galing sa magulang ko. I will survive. I wish.

~•~

Tulog lang ang idinayo ko sa ospital maaari namang sa klinika ako ipadala bakit dito pa? Sumasakit ang ulo ko sa ospital, ito yung lugar na ayokong balikan. Maraming taong nagsasuffer dito mga taong nakikipaglaban sa mga sakit nila. Ayoko dito. Ayaw. Dahil baka maging isa na ako sa kanila.

"Mamaya maya lamang po kapag tapos nyo ng ayusin ang mga kailangan para sya ay madischarge ay makakalabas na po kayo" magalang na sambit ng hindi ko kilalang Nurse. Siguro bago sya dito? Siguro nga. May bago.

"Okay po! Thankyou po!" nangingiti pang ani ni Crexe. At itong HIPONetel na Nurse ay animong tae na nabudburan ng asin. Tae naman!! Sapakin ko yang Nurse eh! Bwisit!

"Oh bakit ganyan mukha mo? Para kang makikipag away ah?" tatawa tawang ani ni Crexe. Gago! Puro ka pakikipaglandian.

"Landi mo kamo! Pati ospital di mo pinalampas? FYI, nakita kita sa may gotohan no nakikipag hmm hmm hmm ka pa" nakataas na kilay kong sabi sa kanya. Nakakainis e! Ang landi landi ng kumag hay nakoooo.

"Selos ka lang e!" sabay hampas nya sakin. Tanga ba ito hindi makita na nakaratay ako? ( wao dratsu ha nakaratay talaga? ) epal ni Author sumasabat pa if i know no inggit lang yan sa beauty ko hihihi.

"Selos mo mukha mo!" sigaw ko sa kanya na siya namang ikinahagalpak ng tawa nya. Ambot sa imo dai!

~•~

Pasado alas syete nadin ng gabi kami nakauwi ni Crexe kasi kumain pa kaming dalawa. Okay naman talaga ako OA lang sila pero nakakainis talaga kasi hindi man lang agad ako tinulungan kanina sa pool. Ang sakit pala nun no? Yung akala mo nandyan sila para sayo pero sila pa pala yung magiging sanhi ng paglubog mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LUNAWhere stories live. Discover now