Chapter 5

6 2 0
                                    


Pagkatapos namin kumain ng patatas na ipinirito ko lamang eh nagpaalam na siyang pupunta muna daw sa taas at siya'y matutulog. Hindi ko na naman pinigilan dahil baka pagod nga ito kahit kumuha lang naman sya ng damit sa kanila which is dito lang din naman malayo na malapit sa amin hehe.

Pinatay ko na ang ilaw sa baba at ibinilin kina Nana Ora na may natira pang pagkain malapit sa may pridyider nakalagay at kainin na lamang nila iyon. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko kitang kita ko agad ang katawan nyang nakabalandra na naman sa kama feeling nya kwarto nya ito jusko. Ang mga nagkalat kong damit ay inayos ko at ang tuwalyang basa pa ay isinabit ko muna malapit sa may tukador. Nang mamataan ng mga mata ko ang aking mga labahin ay naisipan kong ibaba muna ito at bukas ko na lamang lalabhan. Di alintana ang makulimlim na panahon dahil may dryer naman kami sayang silbe non.

Pagkabalik ko sa taas ay naisipan kong pagtripan si Crexe dahil di naman ako inaantok o kung ano pa man. Kinuha ko ang laruan na ahas at inilagay sa kanyang likod kapagkuwan ay kinuha ko ang pulbos ng sa gayo'y ipapalibot ko iyon sa paligid ng kama para madudulas sya pag baba nya. WAHAHAHAHAHAHAHA! imma good and pretty person talaga.

Niready ko na ang camera at inilagay sa parteng makikita ang kagaguhan kong naisip hehe. Here I come Crexie Boi!

Dahan dahan kong ginalaw galaw ang ahas sa kanyang likod at ng siya'y gumalaw na nagtago agad ako malapit sa may bintana. Kinapa kapa nya yung ahas na laruan at kala mo'y hihikain na ano ang itsura nya. Tangina! Sakit ni Crexe sa tyan HAHAHAHAHAHA mga ganyan kadami tawa ko.

"TANGINAAAA! WAHHH WAAAAHH!!" sigaw nya pa sabay talon pababa kaya naman ayon sakto dulas sya pagkababa. I told u guys scripted to magkakampi kami ni feeling author eh.

"Lampa mo naman Crexe!" sabi ko sa kanya habang patuloy padin ang pagtawa potek parang ikamamatay ko na'to kakatawa e. Sakit na ng tyan ko tae!

Nakakunot lamang ang noo nya ng tumingin sya sakin at ang seryoso nya grabe. Kakatakot pa naman to kapag seryoso kala mo lagi mangangain. Itinigil ko na ang pagtawa at nakipag sukatan nadin ng tingin sa kanya. Tae! Lagot ka na naman Dratsu!

"Di nakakatuwa!" sabi nya sakin. Mahinahon pero ramdam mong inis sya sakin. Pagkasabi na pagkasabi nya non lumabas sya ng aking silid at nagdire diretso pababa. Napikon na nga ang itlog!

"Hoy sandali lang! Crexe hoyy!!" sigaw ko sa kanya habang pababa nadin ako sa hagdanan. Ni hindi man lang ako nilingon aba't bastos to ah.

Hinablot ko ang braso nya at tinignan sya sa mata. Tae! Seryoso naman nito. Kabanas! Para minsan lang maprank eh. Huhu nagkaron pa tuloy ako ng kasalanan sa kanya.

"Sorry na pls?" saad ko sabay ngiti at tamang pacute lang mukhang tuta lang ganon.

Pero tae! Waepek lang sa kanya yon. Tae kala mo talaga babae to. Kainis.

"Hoy! Sorry na nga kasi. Kakainis naman to oh!" kunware nagagalit na ako malay nyo umepek diba?

"Alam mong natutulog ang tao diba?! Bat mo ginawa yon? Akala mo nakakatuwa yon?" sabi nya ng sunod sunod. Napapalunok naman ako habang pinapakinggan siya. Hanep! Grrr.

"Para pinrank lang eh. Kala mo naman lagi" bubulong bulong ko pa.

"May sinasabe ka pa ha?!" biglang sigaw nya naman.

Kunin na sana ako ng mga tae ngayonnnn!!

"Wala nga kasi!"

Pumunta sya sa may kusina at sumunod padin ako sa kanya. Kala mo'y tutang nakabuntot sa amo niya hmp. Nakita ko siyang umiinom ng tubig kaya nilapitan ko sya saktong nakatalikod sya kaya ayon nagkaron ako ng tyempo na yakapin sya patalikod.

LUNAWhere stories live. Discover now