Laking pasalamat ko ng sa pag uwi'y walang kibuang naganap sa pagitan naming dalawa i mean naming tatlo. Sabit lang naman kasi yung Ariquette na iyon sa amin. Ghad Dratsu remember wala na kayo diba? Bat nagkakaganyan ka? Hanap kalang ng lalaking umiigting ang panga hindi yung kala mo'y asong ulol.
When I got home there's no presence of Mom and Dad at all. Siguro'y busy sa negosyo o di naman kaya ay sa mga bisyo nila. Bahala sila buhay naman nila iyon hindi sa akin.
"Brat, hindi kaba muna kakain? Bago ka pumanhik dyan sa kwarto mo. Halika at bumaba muna para naman magkalaman ang tyan mo paniguradong hindi kana naman kakain nyan" Aling Ora said. Hay nako! Sinabe na ngang DRAtsu yung name ko brat padin ang tawag. Magkaiba naman ang D at B eh.
"I'm Good Nana. Kayo nalang po ang kumain pati na ang iba pang kasambahay" sabay ngiti ko sa kanya.
Nang tumalikod ako'y patamad pa akong naglakad papunta sa aking silid. Bago pumanhik sa loob ay kinuha ko muna ang medium size na cardboard na may nakasulat na "Do not Disturb" sabay sabit sa aking pinto.
Patakbo ko na pinuntahan ang kama ko sabay damba dito. This is home. My bed. Dito nagagawa kong magimagine, umiyak, sumayaw, kumanta and etc. Sa sobrang lambot nito ay nagbounce back agad ako; sarap sa pakiramdam.
Bandang Alas dos ng maalimpungatan ako, naghahanap ng makakain ang tyan ko sinabe na't makinig kay Nana Ora eh. Suot suot ko padin ang uniporme ng aming Paaralan. Thyeraey Academy. Mabilisang hinubad ko ito at nagpalit ng isang oversize na hoodie terno ng pantulog kong short. Ang buhok na buhaghag at kala mo'y kinalaykay ay hinayaan ko na.
Kalantugan sa ibaba ng ako'y makababa ng tuluyan sa ingay ko ba namang ito. Dire diretso sa paglabas at iniwang hindi nakalock ang pinto, wala pang isang oras ay makakabalik na naman ako panigurado.
Naghanap hanap muna ako ng bukas pa na tindahan o kahit 24/7 man lang na kainan o kahit tambayan. Isang pihit pa ng bisikleta ko ay makakarating na ako sa paborito kong lomihan mabuti na lamang at magdamag itong bukas.
"Isang Jumbo nga po Mang Fercis, with extra chicharon ho" gutom na gutom kong saad. Imagine that, ni hindi pa ako kumakain ng kanin tapos lalantakan ko ay Lomi. Imagine.
Napili kong sa pinakagitna umupo para center of attraction. Literal na maattract naman sila sakin no? Sa ganda kong to naku! bulag nalang ang hindi makakakita.
Nang dumating ang order ko ay agad ko itong nilantakan walang pagsidlan ang init na hatid nito saking dila ang mahalaga eh makakain ako. Gusto ko ng matulog ulit sa totoo lang magbibisikleta naman ako pauwi so baka okay na iyon para man lang mapagaan ng konti ang tyan kong kay bigat dala ng lomi.
Wala ng isang oras ang itutulog ko kailangan ko na kasing agahan ang pasok ngayon baka mamaya may matanggap na naman akong award diba? Itinatak ko yan sa utak ko hanggang dapuan na naman ako ng antok.
Kalampag sa pintuan ang bumati sakin ngayon oh diba paiba iba nabati sakin ng Magandang Umaga Iba ibang way. Pabonggahan nalang sila at ang mananalo ay bibigyan ko ng pake.
At ng mapansing ang timang na si Crexe ay kaklase ko. Pota! Gusto ko nalang umatras bigla. Ngumingisi ngisi pa ang kulang sa aruga na batang ito. Pero ang mas ikinainis ko ay magkatabi pa talaga sila ni Ariquette. Letse Plan!
Seryoso tuloy ako nito buong araw letse talaga Oo! Serious mode ON.
Tatlong subjects ang lumipas at nananatiling nakapokus ang aking isipan sa mga tinuturo ng guro at sa mga aktibidad na ibinibigay, mas naging aktibo sa pagsagot na ang ilan kong mga kaklase ay nagulat pa kesyo iba daw talaga ako kapag nagseryoso.
Break Time na ngunit ngayo'y mas mahaba na ang oras namin dahil wala ang susunod na guro marahil ay abala siya sa Faculty.
"Hiii Dratsu!" animong kinikilig na nahihiya nyang ani. Si Veice. Laking pagtataka ko ng kilala niya ako samantalang ang building naman namin ay magkahiwalay.
Ang Higher Levels kasi ay nakahiwalay sa mga Lower levels bale hindi naman dito dinidiscriminate yung pagiging matalino o marunong ng isang bata. Sadyang inihihiwalay lang para mahasa pa ng mas maigi ang mga magaaral.
Nginitian ko lang siya at nilagpasan na pinananatili ang poker face na mukha habang nakalagay ang isang kamay sa loob ng aking bulsa. Panindigan mo yan Dratsu! Serious Mode pa more.
"Ang ganda nya padin talaga kahit ang sungit nya"
Brad anong konek?
"Grabe! Chixx na chixx pare oh"
Ulol.
"Sana katulad din nya ako geezzz!!"
Sige iyo na'tong buhay ko oh iyo na.
"Ang ganda ganda nya talaga lalo na ang mga mata nyaaa Wela"
Thanks dear.
Hindi takas yan sa pandinig ko mga papuri at kamanyakan nila sakin. Pero ayos lang maganda naman ako. Naka serious mode kasi talaga ako kapag nasa school matik na yon. Laging naka on ang serious mode ko kapag ka pasok ng paaralan.
"Wow! Sikat ka pala dito Mimi ha" Nagugulat pa kunw ang loko. sino pa? edi si Crexe. Alangan namang si Asie diba? Eh nasa Like a Bullet yon. Tanga lang eh no.
"Di ako araw kaya di ako sikat at di ako sisikat" seryoso paring sabi ko. Palibhasa'y ngayon lang ulit nakabalik dito sa Agraca kaya hindi nya alam ang mga bagay bagay sakin.
"Seryoso naman nito. Nakita ko ekspresyon mo kanina sa klase ha. Uyy!! Nagseselos samin ni Ariquette" pangaasar nya pa with matching ngiti pa ha. Hala sige! Mangarap ka. Tangina ka. Buset kang Ariquette ka.
Tae. Stop Dratsu. Ngiti lang yan wag ka papaapekto. Poker Face okay. Poker Face. Kalma ang puso natibok.
"Shut your mouth maderpaker" I replied.
Ppl pls? Kung ayaw nyo pang iwan edi wag nyong iwan. Wag kayong makipagbreak. Wag nyo isipin yung iisipin ng iba sainyo hindi naman sila ang nagmamahalan eh kayo naman. Wag kayong gagaya kay Crexe okay? Certified Gago yan.:|
ERRORS JOINED THE GROUP.
Thankyou sa pagbabasa! Sana hanggang dulo suportahan mo'to hehe. Thankyouuu talaga kabergs ♡. UwU sabay sabay tayon magbilang ng mga kalahi nating bergs.
Enjoy!
YOU ARE READING
LUNA
Teen FictionNaadik kana ba? Nalulong kana ba? Natokhang ka? Adik at lulong sa buwan. Let the moon and stars light up my way.