Chapter 4

8 2 0
                                    


Sa kalagitnaan ng pagtulog ko ay naalimpungatan ako dahil sa may kamay na nakayakap sakin ng mahigpit animo'y nilalamig. Nang tignan ko kung sino ito ay nagulat akong si Crexe pala. Akala ko'y umuwi na siya kaninang madaling araw yun pala'y hindi at dito na natulog. Hindi ko alam kung paano nagkasya kami dito sa sofa'ng dalawa at nakatulog na kami parehas.

Dahan dahan kong inalis ang braso nyang nakahagkan sa akin at pumunta sa Guest Room para kumuha ng kumot para sa kanya. Sa kung anong ayos niya noong iniwan ko siya ay ganon parin ang nadatnan ko ng ako'y makabalik. Kinumutan ko siya at inayos ang pagkakahiga ng ulo niya at nilagyan ng unan. Nagtungo na ako sa kusina pagkatapos noon, magtatanghali narin naman kaya isang kainan nalang 'to. Tipid tipid muna baka mamaya'y wala na akong makain dito.

Isang ginisang giniling na may patatas ang iluluto ko pero bago muna yon ay nagsaing muna ako na kasya samin ni Crexe at sa mga kasambahay. Siguro'y nasa pamilihan si Nana Ora kaya hindi ko pa siya nakikita. Nang matapos makapagluto ay inihain ko na ito sa lamesa at naghanda muna ng dalawang plato dahil baka hindi na naman sasabay kumain ang ilang kasambahay.

"Crexe! Gising na kakain na tayoooo!" sigaw ko sa kanya habang naglalakad ako, kalalabas ko lang kasi galing kusina.

"Hoyyy aba! Ano? Aabutin ka na naman ng kung anong oras dyan!" sigaw ko pa ulit ng makalapit lapit ako sa kanya. Tinapik tapik ko pa ang pisngi nya baka sakaling maalimpungatan kaso hindi padin nainis na ako kaya sinampal ko na.

"Tangina! Ang sakit naman Mimi oh!" reklamo nya pa sakin. Ayaw mo agad gigising ha yan ang napapala mo.

"Aba aber! Kanina kapa tinatawag hindi ka maingle gusto mo pa'y pupuntahan ka ano?" sermon ko sa kanya.

"Oo na nga eto na nga eh. Aga aga naman kasi" bubulong bulong na aniya. Sige mamaya bubuyog kana. Bulong pa more Crexe

Nagdire diretso naman sya sa taas ng bahay at siguro'y pupunta sa aking silid para kumuha ng hoodie or ng tshirt nyang naiiwan dito. Hoodie ko? Hoodie nadin nyan. Mang aagaw yang si Crexe eh yaman yaman pero kuripot.

At hindi nga ako nagkamali ng makababa sya suot na naman nya ang itim kong hoodie na may nakaburdang ily bangtanS. Hanep din naman ano? Ako ang fan dito tapos...

"Oh halika na at kumain na tayo. Tagal tagal gumising eh" sabi ko sa kanya habang sinasandukan sya ng kanin.

Maya maya pa'y sumusubo na siya ng dahan dahan kumbaga'y normal lamang. Tag ulan kasi ngayon kaya palagi ako naka hoodie and kahit naman mainit naka ganito padin ako. Gaya gaya lang talaga tong si Crexe.

"Sarap naman ng luto mo. Sarap mo din siguro maging asawa no?" saad nya. edi asawahin mo aba'y Crexe galaw galaw baka pumanaw.

"Heh! Ewan ko sayo. Remember hindi nag work ang relatioship natin before?" sabi ko naman na patuloy padin ang pag nguya.

"Eh paano naman po kasi mga bata pa tayo non. Mga may gatas pa sa labi" sabay halakhak nya. Mual na ang pagkain netong bansot na ito eh pamihadong hindi pa ito naliligo naaamoy ko na eh.

"Hoy! Crexe maligo kana ha! Kulang nalang patirahin kita dito sa bahay eh no?"

"Oo mamaya pagkakain. Pahiram nalang ulit ng damit may boxer naman siguro ako dito no?" tanong nya pa sakin. Tinamo pati boxer meron sya dito hay nakooo

"Ay oho ser! Ultimo yon eh nandito eh no?"

Matapos namin makakain ay agad na kaming dumiretso sa banyo para maligo. Bale sa baba kami maliligo dahil mas malaki ito kesa sa banyo ko sa aking silid. Double Bathroom ito kung aking tawagin kase pagpasok mo sa pinto bubungad sayo ang mga shampoo, conditioner, body chuchu, body keme and everything, napkins, suklay, towel, tissues and kung ano ano pang kaekekan. Habang sa magkabilang gilid naman ay doon na ang mismong palikuran, pinagawa to ni Mommy na ganito para daw kapag nagmamadali kami eh nagkakasabay na maligo. Dont worry parehas padin naman silang may pinto so walang malisya and also sanay na kami dito ni Crexe and take note note note wala na'to samin okay? Wag masyadong maissue nakakamatay din yan.

Matatapos na akong maligo pero tuloy padin ang patak ng tubig sa banda ni Crexe. Tae! Aksaya talaga to sa tubig e sya pagbabayadin ko nyan eh! Singil to sakin mamaya. Natuyo kona ang aking katawan at agad na nagbihis habang ang tuwalya ay nasa buhok ko pa din at hindi inaalis. Pagkalabas ko ay naliligo padin siya grabe din naman oh! Ano Crexe? Bahong baho sa sarili?

Nanunuod na ako ng palabas sa TV ng siya'y lumabas. Naka black t shirt lamang sya at shorts na ginagamit nya ata 'to sa basketball, hindi ko alam na may naiwan pala syang ganoon dito. Sinusuklay ko ang aking buhok ng tumabi sya sakin at kinuha ang suklay sakin at ipinagpatuloy nya ito.

"Bait natin ngayon Crexe ah. May kailangan ka aber?" biro ko sa kanya sabay tawa.

"Ulol! Wala no. Kala mo namann" he replied habang patuloy padin ang pagsusuklay sakin.

"Kala mo naman ano?" sige sige payt.

"Wala sabe ko ganda mooooo" parang di pa siya sure nyan ha?

~•~

Mag aalas singko na ng siya'y umalis sa bahay at babalik din daw maya maya. Pumayag naman na ako dahil bored din ako dito sa bahay dahil walang pasok and also Sabado na naman bukas kaya okay na iyon.

Binilinan ko siya ng kung makakadaan sa bayan ay ibili ako ng patatas para kakainin namin pagkabalik niya. Sumalado pa sya sakin bago umalis, naks scout na scout pre? Madali namang utuin si Crexe kaya kahit anong ipabili mo eh bibilhin nya and also sabe nya mahal nya daw ako kaya gagawin nya lahat.

Ulol. Sinong niloko nya? Magkaibigan lang kami and yes mahal namin ang isa't isa pero hanggang dun lang yon. Masaya kaming nagkaron kami ng relasyon sa murang edad namin pero siguro di kami nagsisi don or may part lang na nagsisi kami pero di lubos. Hindi naman porq Mahal mo siya magagawa mo na lahat diba? Paano kung walang wala kana talaga diba? kung ubos na ubos kana. Tandaan ang sobrang pagmamahal, nakakamatay!


:|

Maraming salamat sa pagbabasa! Nawa'y mas dumami pa kayong mga kabergs ko kasi ang saya sa pakiramdam kapag may nagbabasa ng story na ginagawa ko hahaha. ILOVEYOU ALLLL!! and THANKYOUUU SYEMPRE YIEEE!! And yes po opo Army po ako pero di imma. Silent Army lang hehe nakamute po ako.

ERROR JOINED THE GROUP.

Enjoy! Thankyouuu!!

LUNAWhere stories live. Discover now