Chapter 3

14 2 0
                                    


NAGISING ako sa ingay ng doorbell sa may gate, sa may salas na kasi ako nakatulog kanina hindi ko na siguro namalayan iyon. Siguro'y nakita naman ako nina Nana Ora pero hindi nadin ginising pa.

Bwisit talaga yang nagdodoorbell na yan kung sino man yan. Wala naman rito ang nanay at tatay ko busy sa negosyo sa ibang bansa. Staying for good muna sila don nagpapalago ng negosyo namin. Agad kong sinuot ang hoodie ko na nakasabit malapit sa may hagdanan at patakbong binuksan ang pinto.

Pagkabukas ko ng gate ay laking gulat ko ng makita kong si Crexe iyon. Anong ginagawa ng isang ito dito? Madaling araw na rin kasi at umuulan ulan pa kanina ng ako'y makatulog sa may salas pero ngayon ay ambon nalang.

"Pwede bang dyan muna ako sainyo? May dala akong pagkain oh!" Sabay pakita nya sakin ng dalawang ice cream na nasa kanila pang mga lalagyan at isang box ng cone nito.

Naalala ko pa noon pagkakagaling namin sa eskwela diretso agad kami dito samin at kakain ng ice cream ang kaibahan nga lang hiwalay sa cone ang mga ito at dinudurog namin ang cone sa mismong lalagyan na ng ice cream. So weird.

"Tae ka talaga eh no? Anong oras na ngayon mo pa naisipang pumunta. Talaga ka naman Alaxer oh!" pagdadada ko pa sa kanya habang papasok kami sa bahay.

Nang makapasok sa bahay ay agad kong binuksan ang ilaw sa salas at siya naman ay nagdire diretso na papunta ng kusina para kumuha ng tinidor namin.

"So ano ngang gagawin mo rito Crexe? Cant u see madaling araw na pero namamasok kapa din ng bahay. Ghaddd!" tanong ko naman sa kanya habang binubuksan ang box ng cone na dala dala nya.

"Di kasi ako makatulog tapos ayon naisip kong puntahan ka muna tas tsaka nalang ulit ako uuwi mamaya. Saka manuod naman tayo oh! Movie Marathon tayo." dire diretso nya pang sabi sakin na may halong pag papacute. Puppy eyes pa more mukha kang puppy na ulol.

"Hay nako! May pasok na tayo mamaya puyat na naman ako nito. Bwisit naman oh" saad ko. Ba naman hindi nalang ipagpabukas ang pagpunta gayong Sabado naman bukas.

"Wala tayong pasok sureball na yan" sabay kindat nya sakin. Tae ka! Siguraduhin mo lang na wala talaga dahil masasapak kita.

Siya na ang pumili ng aming panonoorin at ng makapili na siya ay sinimulan na namin ang panonood. Parehas nakataas ang mga paa  at magkadikit ang mga siko sa sofa. Maya maya'y lumikot na n lumikot si Crexe sa tayo nya animong di mapakali.

"Ano bang likot mo naman? Nakakabanas ah!" sabi ko sa kanya ng magkasalubong ang mga kilay.

"Eh di ako kumportable eh gusto kong humiga sa lap mo sige na" puro na pagmamakaawa tong batang ito ah. Hayaan na effective naman.

"Bahala ka dyan! Basta wag kang manyak!" singhal ko sa kanya.

"Oo na! Kala mo naman kamanyak manyak ka. Ews!" aniya. PAKYU KA NG DALWA SAKIN CREXE! pakyu pakyu.

Tahimik kaming nanonood habang nilalaro ko ang kanyang mga buhok at pabalik balik na tinetrace ang kanyang ilong sabay kukurutin ito. Wala naman syang reklamo sanay na siguro. Masarap at Masaya sa pakiramdam na pagkatapos naming maghiwalay eh ganto padin ang set up naming dalawa back to bestfriends. Siguro nga bata pa kami noong sumubok kami magkaron ng relasyon at hindi umayon samin ang tadhana. Pero sana naman this time umayon na siya, alam kong sa sarili ko na si Crexe padin kahit pinagkakaila ko ito.

Kasi ganito lang yan, hindi naman porq nagbreak ang dalawang tao hindi na sila pwede maging friends right? kasi syempre bakit naman bawal na kayo maging magkaibigan kung dun nga kayo nagsimula diba? or baka sa awkwardness na mangyayari ganon? Me and Crexe were still the same. Kung paano ko siya nakilala at kung paano siya naging totoo sakin hanggang ngayon ganon padin. Our feelings fade yeah but our memories dont. I hope so.

:|

hellooooo!! short update muna hehe mamayang gabi ulit oki? THANKYOUUU sa pagbabasa hehe. Naappreciate ko kayo. May mga nagbabasa nadin pala kahit kakapub ko palang. SALAMAATTT!!♡ iloveyouuuu all! Maulan ngayon kaya malamig pero bakit ganon? Hindi naman siya ulan para maghatid ng lamig sa relasyon na merong kayo charoooott.

ERRORS JOINED THE GROUP.

Enjoy!!



LUNAWhere stories live. Discover now