Papunta ako ngayon kina Crexe kasi wala lang sya na lagi ang nasa bahay eh kaya ako naman ngayon. Pinaghanda ko pa ang itlog ko ng meryenda na patatas dahil paborito ko iyon. Diba ang sweet ko? Tapos nasa korteng puso pa. Aww! Naiinlove na talaga ako sa sarili ko. Naks!
Nagbisekleta na lamang ako habang papunta sa kanila dahil malapit lang naman yon dito sa amin malapit na malayo ganon. Nang makarating ako doon! Napahanga talaga ako geezzz ● | ● ganyan itsura ko isipin nyo na lang. Kasi naman sobrang laki ng bahay nila tapos may maliit na space sa taas ng bahay nila tapos yung pinto nila maloloko ka talaga kasi yung bintana nila nasa part na dapat pinto doon. Bale parang pinagpalit nila yung pwesto ng bintana at pinto sa una aakalain mong pinto yon pero bintana pala.
Sa una ay maliit lamang na pinto ang hahawakan mo at kapag hinawakan mo ang seradura noon ay bukas na ang mas malaking pinto. Kase nakapaint lang yung maliit na pinto habang nakakabit doon ang seradura noon. Inshort, PARA MALITA ANG MAGNANAKAW KUNG SAAN ANG PINTO AT BINTANA tae daming arte ng pamilya nila buset.
Hindi na ako kumatok at nagdire diretso na sa pagpasok sa kanilang bahay nandon pa nga si Manang eh naghahanda ng cookies diko alam kung sino nagbake non eh di naman marunong gumawa non si Crexe. Pinagsawalang bahala ko na lang yon dahil duh cookies lang yon mas mabrown padin ako don.
"Manang Magandang Araw ho!" bati ko sa kanya sabay nagmano ako rito tanda ng paggalang at respeto.
"Hija! Bakit ngangay-on ka lamang dumalaw dito? Namiss kita!" nagagalak nyang saad. Aww nakakatatz naman ni Manang oh! Lemme hug u Manang dearrr.
"San kaba nagsususuot ngayon ha?! Baka may nobyo na ha? Naku! Ke'babata nyo pa!" pangangaral nya pa sakin. Ay nako wala hong nagkakamali.
"Nako si Manang naman wala ho!" nahihiya kong sambit.
"Asus kunwari kapa apo" aba kanina Hija lang ngayon Apo na. Meghadd!!
"Ah eh si Crexe po, Manang?" kating kati na ako itanong yon sa kanya kanina pa.
"Aba'y nadoon sa kanyang silid may kasama ngang babae hindi ko naman kilala at bago ang mukha" nakakunot noo na sabi ni Manang. Siguro hindi nya madalas nakikita iyong babae kaya ganoon.
"Ah ganon po ba? Pasukin ko na lang po sila doon sa kwarto niya Manang!" paalam ko sa kanya bago tuluyang umakyat sa hagdan.
Sino naman kaya ang kasama nya? Diko alam na may kaibigan na pala siya dito bukod sakin? Or hindi ko lang talaga alam na meron? Bahala na nga ang mahalaga maganda ako.
"Can we go back to the days our love was strongg? Can u tell me how a perfect love goes wrongg?!!" bumibirit birit at kulot kulot kambing pa ako dyan isipin mo yon bumirit na may pakulot sa dulo oh pak!
At sa pagbukas ko ng pinto "Can somebody tell me how to get things back the way they used to be! Oh God give me the reason. I'm down on bended kneeeee" sabay bukas ng talukap ng aking mga mata and its like OMG nakakagulat. Isa lang masasabi ko NAKAKADIRING PANGYAYARE ang nakikita ko ngayon like wtf Crexe dito pa talaga? Tulog silang parehas noong babaeng tumawag tawag sakin ng b'tch. And take note ha! Take note wag mong iMEMO! Nakadantay pa si Baktidol kay Crexe.
Naisara ko ng pagkalakas lakas ang pinto ewan ko na lang kung dumagundong ba or what pero yung pinagtumpok tumpok na damit ni Crexe ay naglaglagan. And syempre! Nagising silang dalawa yehey!
"IKAW NA NAMAN? Like hanggang dito ba naman u'll keep on following me?" Sigaw nya sakin. Tae! Ano palagi na lang 'to sisigaw sakin? Ano bang nagawa ko dito? Ano na naman itooooo! Tae tae taeeee!
"Oh eh ano kung ako na naman? Bat kaba nandito?" sumbat ko naman sa kanya. Palipat lipat lang ang tingin samin ni Crexe. Hays walang silbe!
"You! Why are your here? What are you doing here?!" maarte nya pang sabi sakin. Ano daw ginagawa ko dito? Tae pala to eh!
Bibigyan ko ba naman ng pake yon? syempre "Nasaan ba?" tanong ko sa kanya. Mababara nadin kitang tae ka! Grr.
"WHUTTT?! Anong nasaan you're talking abt?" ang arte naman nito puro Ingles nakakaubos ng laway.
"Nasaan kako yung pake ko? oh sige nasaan? Hanapin mo bwisit ka"
Humarap naman ako kay Crexe natameme na dito itong isang ito. Kahit kailan talaga! Kala mo lagi eh ngayon lang nakakita ng nagsisigawan na babae! Tukmulin ka talagang itlog ka naku!
"Oh yan meryenda NATIN kaso mukhang may kasama ka at epal pa kaya sainyo na lang yan and take note walang lason yan!" sabay bigay ko sa kanya noong dala ko. Bwisit talaga itong si baktidol eh panira!
"Kasi Mimi, nagbake si Freces eh kaya baka bukas ko na lang makain ito okay lang ba?" mahinahon nyang tanong sakin.
Ouch! Sakit naman non yung mga patatas ko bukas pa daw kakainin. Sakit ni Crexe sa heart! Mga patatas ko talaga iniintindi ko dito eh kasi naman sayanggg wahhhh!!
"Sige okay lang sa susunod nalang? Oh pano uuwi na ako?" paalam ko sa kanya habang nakangiti na ngayon.
"Paalam, Baktidol!" kumaway pa ako sa kanya habang papalabas na noong kwarto.
Hindi na ako tinanong ni Manang kung uuwi naba ako or whatsoever basta hinayaan nya na lamang ako lumabas. Ang bisekleta kong pagkaganda ganda katulad ko ay sinimulan kong imaneho pauwi, iniwan ko kasi ito kanina sa may puno doon. Diretsong kwarto lang ako pagkauwi ko, wala ng kain kain pa para kasing bigla akong nawalan ng gana. Weird naman non.
I'm still thinking kung bakit mas inuna nya pa iyong cookies ni Fre--? Fre? Ano nga ulit yon? Arghh! Baktidol na nga lang. Mas inuna nya pa iyon kesa dun sakin eh matagal na naman syang kumakain noong meryenda na dala ko. At first, syempre masakit hindi man direktang nireject yung bigay pero parang ganoon na din yon binigyan lang ng magandang rason pampalubag ng loob. Pero kahit ganon yung naramdaman ko I have to act normal na para bang okay lang na ganoon kasi wala namang choice eh.
Sometimes being ignored makes you feel better because hey shit! atleast they dont put some efforts on the thing u didn't put efforts on. Diba? Less arte hindi ka nga nageffort mas hindi pa nag effort yung pinagbigyan mo oh diba nakakagaan ng pakiramdam. Pero para sakin Oo malay ko na lang sainyo hehe.:|
THANKYOU AGAINNN!! AS ALWAYS NAMAN PO MGA KABERGS!!
ON BENDED KNEE BY BOYZ II MEN. Its my fave song just wanna share hehe.
ERRORS JOINED THE GROUP.
ENJOYYY!! AND MABUHAY!!
YOU ARE READING
LUNA
Teen FictionNaadik kana ba? Nalulong kana ba? Natokhang ka? Adik at lulong sa buwan. Let the moon and stars light up my way.