Chapter 9

6 1 7
                                    


Taaakkkteee! Ihing ihi na ako ngayon pramis talaga jusq. Dear ihi wag ka munang lumabas mamaya na lang pls. Paano ba naman nasa kalagitnaan kami ngayon ng pagtetest and ngayon pa ako naihi pambihira naman oh! Namimilipit na ako sa pagpipigil dito takte! Mas mahirap pa ito pigilan sa taong gusto ng umalis sa buhay mo e.

"Miss, I can't take it anymore yung pantog ko Miss" naiiyak na nagmamakawa kong sabi sa kanya kaya naman kahit hindi pa ako tapos sa test eh sinabi ko na.

"Be back again we are still having our test okay?"  hindi ko na iyon sinagot pa at dali daling pumunta sa cr. Hanep din sa layo ang banyo na'to e buset!

Sarap sa pakiramdam yung nailabas mo yung mga hinanakit mo sa banyo. Nakaihi din sa wakas! Makakapagtest na ako nito yahooo!! Wala ng sagabal pa.

Saktong palabas na ako ng cubicle ng may bumuhos na madulas na ang gara ng amoy na maoily sya takte! Ano to? Sino naman nagbuhos nito? Taeee naman oh! MANTIKA TOOO PANIGURADOOOO!! Oo na mataba na po ako pero di pa ako handa iprito, bat kasi may mantika?

"Tang'na naman e!" inis kong sigaw talaga biruin mo kasi naglabas kalang ng hinanakit tapos bubuhusan ka ng ganto.

Dont have enough time to play with this kind of shit. This one were like the old one, the bullies will always be at your side no matter what. Bullies, Bullies, Bullies.

"Yaks! Ang oily mo naman tignan! Nakakadirdir!" oh edi sino pa bang maarte dito sa story ko? Edi si BAKTIDOLLLLL!! Sya lang naman palagi e. Feeling nya may feeling pa sya hmmp.

"Tanga kaba? Sige ikaw buhusan ng mantika tignan natin kung di magmukhang oily!" bwisit pala ito e alam naman nyang mantika ang binuhos nila sakin tapos uungot ungot pa dito.

"Yan kasi ang nababagay sayo, para naman kahit minsan lumayo layo ka kay Crexe KO" pagkadiin diin nya pang sigaw sakin. Si Crexe lang pala eh edi sa kanya na yon tae! Mga walang silbe!

"Si Crexe lang ba? Sayo na. Palamunin mo ha! Magsama kayong dalawa tutal parehas naman kayong tubol diba?!" inis ko nading sigaw sa kanya habang pinupunansan ng tissue ang katawan kong woooohhh basta.

Agad kong nilisan ang lugar na iyon at dire diretsong nagpunta sa aming silid para ipagpatuloy ang pagsasagot. Ngina! Buti di ako nadudulas sa paglalakad sa sobrang ano ng katawan ko mula ulo hanggang talampakan char. Pagkadating na pagkadating ko doon taka namang nagsilingunan sakin ang mga kaklase ko, makita mo ba namang naliligo sa mantika ang pinakamaganda mong kaklase di ka paba magtataka non?! Busettt!! Makaganti lang talaga ako kay Baktidollll.

"Miss Bavel, napaano ka? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong nya sakin. Strikta pa man din to baka mamaya di ako pagsagutin ng test.

"Ah wala po Ma'am insecure po ata sa ganda ko yung mga tubol kaya ayon po" hindi padin ako nakatingin sa kanya dahil nagsasagot na ako ngayon.

Medyo naka angat ang kamay ko para di mabasa ang papel ko at dahan dahan lang ang pagsasagot ko kase dumudulas yung ballpen tang inumin mo wag milo kasi e! Pinagsawalang bahala nalang iyon ni Ma'am dahil nga nasa kalagitnaan kami ng pagtetest like duh? Laki laki ko na tapos papaaruga pa ako sa teacher ko? Ano ako daycare?

Maya maya pa'y natapos na kaming lahat sa test at ang pinakahinihintay naming marinig ay narinig na "Class dismiss"

"Hoy! Napaano kana naman ba? Sinong gumawa sayo neto?!" galit na galit na tanong sakin ni itlog. Angry egg lang ang peg?

"Aba eh nabuhusan ng mantika doon sa may CR e. Pakana ata ni Baktidol" saad ko. Sinabi ko na ang totoo, aba open naman ako dito kay Crexe eh.

LUNAWhere stories live. Discover now