He look at me with hatred. His brown eyes showed me how I'm going to die if he finds me. Those eyes that I can never forget, those eyes always reminds me of my sin."You!" Naglakad siya palapit sakin."You killed her!" Nanlilisik ang mga matang sabi niya at ng na sa harapan ko na siya hindi agad ako nakaiwas ng sakalin niya ako.
I can't breath!
It was like all my strength is slowly devouring, and I guess because I'm freaking guilty. Hindi ako nagpumiglas, tahimik akong napaluha habang mas dinidiinan niya ang pagkakasakal niya sa 'kin.
"Die!" he said. Unti-unti ng nilalamon ng dilim ang sistema ko.
Totoo ba ito? Ito na ba ang parusa sa akin dahil sa nangyari?
"Ma'am?"
"Hmm.."
I guess this is the end.
"Ma'am!" Napamulagat ako sa pagkabigla ng may malakas na yumugyog sa balikat ko.
"S-sorry," Paumanhin ko nang mapansin kong marami na pala akong naabala dahil sa pagsigaw ko.
"Are you okay?" May pag-aalalang tanong ng isang flight attendant sa'kin.
"Yeah, I'm okay. J-just a nightmare." sabi ko sa kaniya. Pagkatapos niyang masiguro na okay na ako ay umalis na siya.
Ilang sandali lang ay nag-anunsyo na ang piloto na nasa Pilipinas na kami. Napatingin naman ako sa labas ng bintana at napabuntong hininga.
"Welcome home, Maddy" sabi ko sa aking sarili. Parang may kung anong mabigat na dumagan sa aking dibdib ngunit agad ko rin itong
...
"Maddy!" Napalingon ako sa mga taong isinigaw ang pangalan ko. Napangiti ako ng makita ko ang mga kaibigan ko na nakangiti habang iwinawagay-way ang dala nitong placard. Binilisan ko naman ang aking paglalakad palapit sa kanila.
Pagkalapit ko ay patalon akong sinungaban ng yakap nina Janine at Rhane. Habang nakatayo lang si Kate at seryosong nakatingin sa amin.
"Tsk, di pa rin kayo nagbabago. Para pa rin kayong mga bata" sabi ko sa kanila, kaya napasimangot silang dalawa. Pagkatapos akong ipitin ng dalawa ay kumalas din ang mga ito. Lumapit naman sa'kin si Kate pero nakangiti na siya sa'kin. Nagulat ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. Napangiti na lang ako at napayakap na rin sa kaniya.
"I miss you" mahinang sabi niya.
"I miss you, too"
"Awe, group hug" sabi ni Rhane. Kate made an annoyed sound when Rhane and Janine joined.
"Pasalubong namin" tinignan ko si Janine, napatawa ako ng mag-puppy dog eyes siya.
"Hay, naku Janine. Kailan ka kaya magbabago" naiiling-iling na sabi ko.
"I'll never change, bud" sabi naman niya at kinindatan pa ako.
"Kahit kailan di na talaga magbabago yan. Huwag na kayong umasang titino pa utak niyan" natatawang sabi naman ni Rhane.
Naglakad na kami papunta sa nakaparadang sasakyan at sumakay doon.
"So, how's Japan?" tanong ni Kate nang nagsimula na kaming umusad. Nasa driver seat nakaupo si Rhane habang nasa passenger seat si Janine. Kami naman ni Kate sa backseat.
"Still the same. Magulo pa rin sa Underworld."
She hummed while nodding her head.
"Kamusta sila?" tinutukoy niya ang grupo namin sa Japan."They're okay, may pinababantayan lang ako sa kanila" napatingin ako sa labas ng bintana.
Dalawang taon lang ako nawala marami na agad ang nagbago sa Pilipinas. Bumalik na naman sa isip ko ang dahilan ng pag-alis ko. Two years ago, isa ako sa pinakakinatatakutan sa underworld kasama ang gangmates ko slash ang tatlo kong kaibigan. Pero isang pangyayari ang nagtulak sa'kin umalis. Naging duwag ako. Isang bagay na dapat di ko ginawa. I should have face the consequences in the first place but fear consumed me.
I'm the only daughter of one of the powerful mafia boss throughout the world. When our family were in a grave danger, my father decided to bring us to Japan. Ayoko sana pero parang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para umalis ako kasama si mama at si Keith.
Bumalik ako dahil gusto kong itama ang pagkakamali ko noon. I've hurt lot of people dahil sa kapabayaan ko. Kung parusahan man nila ako, I'll accept it. I'm now ready to face my past. I hope it's still not too late
"We're here" agad naman kaming kumilos at lumabas ng kotse. Nasa harap kami ngayon ng bahay naming magkakaibigan.
Nang makapasok kami sa loob ng bahay. Halos wala namang nagbago sa hitsura nito. Ito parin ang bahay na iniwan ko, 2 years ago.
"Maddy, pahinga ka na muna sa kwarto mo. Tawagin ka na lang namin kapag maghahapunan na" tumango na lang ako sa sinabi ni Kate. Tinulungan ako ni Rhane at Janine sa mga bagahe ko na iakyat sa dating kwarto ko.
Inilibot ko ang tingin sa dati sa kabuuhan ng kwarto. Wala ring nagbago sa kwarto maliban sa kulay ng dingding. Dati kasi dark blue ngayon naman ay light blue.
Inilapag ko sa gilid ng kama ang dala Kong bag at pagbagsak na humilata sa higaan ko. Napapikit ako ng maramdaman muli ang malambot na higaan. Hindi na rin ako nakamulat pa dahil tuluyan na akong nilamon ng antok.
"Maddy, gising na" nagising ako ng marinig ang boses ni Rhane pero nanatiling nakapikit ang aking mga mata.
"Hmm"
"Kakain na, uy" tinapik-tapik niya ang aking pisnge pero tinabig ko lang ito at tumalikod sa kaniya.
"5 minutes" bulong ko.
"Sige, pero tatawagin ko si leader" napamulat naman ako sa sinabi niya.
Oh, shit!
"Oo na ito na, babangon na" agad na sabi ko. Natatawa naman na lumabas ng kwarto ko si Rhane.
Nagmamadaling tinungo ko ang banyo at naligo.
..
"Malapit na pala ang pasukan" napaangat naman ang tingin namin kay Janine.
"Oo nga, so, leader, saang school naman tayo this time?" tanong ni Rhane kay Kate.
"We're going back to SJ Academy" napatigil ako sa pagsubo sa sinabi niya. Kahit sina Janine at Rhane ay napatigil rin.
"Ahm, sure ka leader?" paninigurado ni Janine. Alam ko kung anong iniisip niya.
"Yes, di ba Maddy?" Napatingin naman silang lahat sa akin.
Tumango ako. Nakita ko naman ang pag-aalala sa mga mata nina Janine at Rhane sa'kin. Pero wala naman silang sinabi at sumang-ayon na lang.
BINABASA MO ANG
The Love of Thorns |Completed|
Action"Your past hunted you, you can't move on, you want revenge yet you fell into love with her. The person who cause you pain. Does love would be enough to erase the past from your heart?" YEAR: 2016 DISCLAIMER! ERRORS AHEAD!!