Chapter 9

83 17 7
                                    

Jon's POV

Isang buwan na pala ang lumipas at isang buwan na rin pala simula ng bumuntot-buntot sa'kin ang nakakainis na nilalang na yun. Kahit saan ako magpunta nandoon rin siya. Mabuti na lang di siya sumasama sa CR pagpumupunta ako doon. Tss, hanggang ngayon di ko pa rin alam kung anong trip sa buhay mayroon ang babaeng yun at sa'kin nakabuntot.

Minsan sinisigawan ko siya pero matigas talaga ang bungo di nakikinig kaya di nagtagal pinabayaan ko na at ayoko mang aminin nasasanay na ako sa pinanggagawa niya. Sinong mag-aakala na ang tahimik na Queen bee ay may pagkamakulit at matigas na bungo rin pala.

Nakaupo ako ngayon sa upuan ko. Syempre alangan naman sa lapag edi para akong timang noon.

Magka-quarter to eight na wala pa rin sila. Di naman sila nale-late nang ganito ah..

Haist! Ba't ko ba hinahanap yun? Pakialam ko naman kung malate ang nakakainis na nilalang na yun.

Napatingin ako bigla sa pinto ng may marinig akong paparating.

Ang Queens. Sabay-sabay silang pumasok. Si Kate, Rhane at Janine, pero nasaan si Madison?

Baka may binili lang sa canteen at nahuli. Siguro nga kaya naman naghintay na lang ulit ako. Pasulyap-sulyap rin ako sa pinto.

Pero tumunog na ang bell wala pa rin si Madison. Where the heck is she?

Ilang minuto na ang lumipas, nandito na ang adviser namin pero wala akong Madison Elise Reyes na nakitang pumasok.

Tss, ba't ba ako umaasang darating yun? Pakialam ko naman!

Parang wala akong naririnig, di ko rin napapansin ang guro naming naglelecture. I'm preoccupied thinking where the hell is Maddy. I'm just staring at her chair na nasa harap ko.

"Missing someone?" Napabaling naman ako kay Kate ng biglang magsalita ito. Nakatingin ito sa unahan pero alam kong ako ang kinakausap nito.

"What are you talking about?" Patay malisyang tanong ko.

"She's busy on something important that's why she can't be here" she said.

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Ano namang importanting bagay yun? Tss.

"I'm not asking you?" Sabi ko.

"I know,but I know that you wanted to know where she is" nakangising turan niya.

"Hell I care" asik ko naman. Napailing na lang siya pero di pa rin naalis ang ngisi sa labi niya.

...

After 3 days

Dang it! Na saan ba kasi ang babaeng yun? Tatlong araw na siyang di pumapasok ah! Hindi ba siya nag-aalala na baka bumagsak siya?

"The fuck! Kung nag-aalala ka edi puntahan mo!" Napalingon ako kay Jameson na may katawag sa phone." Tss, huwag mo akong idadamay. Problema mo yan".

Napaisip ako sa sinabi ni Jameson. Kahit na alam kong coincidence lang 'yon may ideyang biglang pumasok sa isip ko.

Bakit parang feeling ko gusto ko siyang puntahan? Dang! Ano bang nangyayari sa'kin?

Wala akong pakialam sa kaniya.

At hindi rin ako nag-aalala.

Urgh, fine! Pupuntahan ko siya. Napatayo ako at puno ng determinadong naglakad palabas ng pinto. Nagtaka naman sila sa ikinilos ko kaya naman bago pa ako makalabas ay nagtanong si Sam.

"Saan ka pupunta, Jon?".

"May gagawin lang ako" Sabi ko saka tuluyang umalis sa tambayan.

...

Pinagpapawisan at naguguluhan sa kung anong gagawin ko habang nakatingin sa malaking bahay sa harap ko.
Andito ako ngayon sa harapan ng mansyon ng Queens. Ilang minuto na rin akong nakatunganga. Nagdadalawang isip ako kung pipindutin ko ang doorbell button.

Shit! Para naman akong dinadaga nito.

"Jon?" Napalingon naman ako sa aking kanan nang may tumawag sa pangalan ko.

Si Madison. Kalalabas lang nito sa taxi. Nagbayad pa muna ito sa driver bago naglakad palapit sa'kin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa'kin. Tinignan ko siya. Napansin ko ang maletang dala niya.

"San ka galing?" kuryusong tanong ko sa kaniya sa halip na sagutin ang tanong niya.

"Galing akong Japan. My father wants me to go there" sagot niya.

So galing pala siyang ibang bansa. Pero ba't di siya nagpaalam sa'kin?

'Bakit naman siya magpapaalam sayo e hindi naman kayo close?' Singit ng utak ko. Tss.

"Eh, ikaw anong ginagawa mo rito?" nagtataka ako nitong tinignan na parang may ginawa akong kakaiba.

I wanted to see you. Singit na munting boses na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Napalunok ako ng parang may nakabara sa lalamunan ko at di ako makasagot sa simpleng tanong niyang 'yon. Namamawis na rin ako at nakaramdam ng kakaibang kaba.
"N-Napadaan lang" palusot ko.

"Huh? Malayo na 'to sa inyo tapos sa school ah" takang sabi niya.

Tangjuice! Very nice alibi, Jon.

"Eh sa napadaan ako paki mo ba" inis na sabi ko nang wala na akong maisip na idadahilan pa. Napatawa naman siya tapos itinaas ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko.

"Chill, oo na naniniwala na po" naiiling na sabi niya. Napairap tuloy ako. "Gusto mong pumasok?"

"No need. Aalis na rin ako" sabi ko. Total nakita ko na siya, okay na siguro ako.

Nakapasok na ako sa kotse ko. Pero parang may nakalimutan ako kaya naman mabilis kong ibinaba ang windshield at isinigaw ang mga salitang tatlong araw ko ng nararamdaman.

"Maddy!" tawag ko. Napatigil naman siya sa pagbukas ng gate at lumingon sa direksyon ko.

"I miss you" sigaw ko. Bago ko pa malaman ang naging reaksyon niya ay mabilis ko ng pinausad ang sasakyang minamaneho ko habang may ngiti sa mga labi.

The Love of Thorns |Completed| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon