Chapter 10 part I

76 16 7
                                    

Madison's POV

I miss you

Shit! Get out of my head?!

"Maddy!"

Ba't ba kasi sinabi niya yun? Di tuloy ako makapag-isip ng matino ngayon.

"Madison!"

Shit! Get out of my head!!

"MADISON ELISE REYES!!"

"F**K YOU!" Bigla ko nalang iyon naibulalas ng biglang sumigaw ang tatlong 'to.

"No swearing! Na sa harap tayo ng hapag kainan" suway ni Kate.

"Sorry" taena naman kasi, di maalis -alis sa isip ko 'yung kanina.

"Maddy!"

"Huh?"

"You're spacing out again" sabi ni Kate.

Eh kasi naman.

"Kamusta sina tita at Keith?" Tanong ni Rhane.

"Okay naman" tipid kong sagot

Three days ago, nasa Japan ako. Bumisita ako kina mommy to make sure na walang gumagambala sa kanila ni Keith habang wala kami ni Dad.

Kinabukasan nagpahuli naman ako sa papasok sa classroom para bumili ng kape at egg sandwich.

"Maddy, pasok na, darating na si sir" sigaw ni Rhane. Habang palapit ako sa kanila napasulyap ako sa direksyon ni Jon na nakatingin rin pala sa'kin.

I miss you

Napaiwas agad ako ng tingin ng maalala ko ang nangyari kahapon.
Pasimple ko naman hinaplos ang puso ko dahil sa biglaan nitong pagdagundong. Kinakabahan ako pero di ko alam kung para sa ano.

Natapos ang session ng klase namin na wala akong naiintindihan dahil sa taong nasa likod ko na kung makatitig tagos hanggang buto.

Hanggang sa tumunog ang bell di ko pa rin siya kinakausap o pinapansin.

...

Bandang tanghali,

Nasa canteen kami ngayon. Siyempre kumakain 'yun naman di ba ang purpose ng pagkakaroon ng canteen di ba?

Nakita ko naman ang grupo nina Jon papasok sa canteen. Himala yatang dito siya ngayon kakain. Sa ilang araw ko kasing kasusunod sa kaniya ay may kaunti rin akong nalaman tungkol sa kaniya at kasama na doon ang pagtatambay niya sa rooftop kapag tanghali.

Tumingin siya sa gawi ko tapos umiwas ulit.
"May bibilhin lang ako" paalam ko sa mga kasama ko. Hindi ko na hinintay pa na may magsalita sa kanila at agad na umalis papunta sa may counter.

Pagkatapos kong bumili ng ice tea ay naglakad ako patungo sa pwesto nina Jon. Naririnig ko pag-uusap nila pero wala naman akong paki kung ano man 'yon.

"Ehem" tikhim ko para makuha ko ang kanilang atensyon. Yung tatlo napatingin sa'kin pero 'tong nakatalikod sa'kin di man lang lumingon.

"Oh" sabi ko sabay abot ko ng ice tea sa kaniya.

Napasulyap siya sa ice tea bago tumingin sa'kin.
"Ano naman yan?" Tanong niya.

"Pagkain? Duh! Di ka naman bulag di ba?" Sarkastikong sabi ko. Humarap siya sa'kin na magkasulubong na naman Ang mga kilay niya. Inis na naman po siya. Magsasalita na sana siya ng may umepal.

"Well, well, well. What do we have here" napabaling kami sa mga bagong dating. "Maddy"

"Cassidy" banggit ko sa pangalan niya.

"Di naman ako nainform na despirada ka na pala ngayon" nanguuyam na sabi niya. Natawa naman ang mga alipores niya.

Dumating na pala ang bruha at mga galamay niya.

Tsk. Fame whore!

As if naman papatulan ko ang sinabi niya patungkol sa'kin.

"Ako nga rin di ako nainform na officially member ka na pala ng mga clown" parang wala lang na sabi ko.

"What?! You call me a clown?!" Nanlalaking matang sigaw niya. I smirk. "Mukha kang isda".

"Easy, witch. You're starting to look like a fish. Oh, great you're a clown fish" I said while smirking. Narinig ko namang napatawa ang iba sa mga nakikinood.

Wow ha, ano 'to sa tingin nila sinehan? Tss, mga tsismoso't tsismosa.

"You, bitch!" Sigaw niya. Akmang sasampalin niya ako ng unahan ko siya ng suntok. So ayun siya tulog. Nagsitili naman ang mga taong nakakita sa ginawa ko. Well, I don't care.

"Dalhin niyo na yan sa clinic" sabi ni Kate. I saw she wink at me. Parang gusto ko tuloy tumawa.

Nakatingin pa rin ako sa binuhat na si Cassidy nang may biglang humila sa akin.

Si Jon lang pala.

"Get in. Now!" Utos nito sa'kin nang na sa parking lot na kami at sa harap ng kotse niya.

Dali-dali naman akong pumasok sa kotse niya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

He just rolled his eyes at me and doesn't even answer me. Oh, well, gano'n naman talaga siya.

...

Akala ko naman kung saan kami papunta. Sa mall lang pala.
Tapos ang bastos di man lang ako hinintay at nauna ng pumasok.

"Anong gagawin natin dito?" Hinihingal na tanong ko ng mahabol ko siya.

"Tss, stop asking and follow me" masungit na sabi niya.

Napadpad kami sa isang boutique. Nagtaka naman ako ng pumasok si Jon doon. No choice ako kaya hinabol ko na naman siya. Shut up and follow daw sabi e.

"Here, try this" abot niya sa'kin ng isang dress. Tsk. I hate pink. "What?! Try it, I hate waiting so hurry up" inis na namang utos sa'kin.

Tss, bakit ko ba sinusunod ang gungong na 'to? Haist!

Isinuot ko na yung pink dress kaya lumabas na ng fitting room. Naabutan ko naman siyang nakaupo sa isang sofa doon at mukhang bagot na bagot habang abala sa pagtipa sa kaniyang cellphone.

Nang mapansin niya ako saka lamang nag-angat ng tingin. Pinasadahan namin niya ng tingin ang aking kabuohan.

"I don't like the color" komento niya saka muling inabala ang sarili sa pagtipa sa kaniyang cellphone.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Mabuti naman kung gano'n cause I really don't like pink.

"Try all of that" sabi niya. Ngayon ko lang napansin ang saleslady sa tabi ko na may dalang-. Napabaling ulit ako kay Jon.

"Seryoso? Itong lahat?" Shocks! Kay rami naman nito at siya lahat pumuli. Wait pumili o randomly niya lang pinagkukuha. He just give me a do-i-look-i'm-joking look.

Kinuha ko sa babae lahat ng damit at bagsak ang balikat na bumalik sa fitting room.

After 17263738736 years nakapili na rin siya. Kaloka 'tong lalaking 'to.

Napili niya ang off shoulder na amber dress. Nagustuhan ko rin yun dahil sa rose na design ng tela. Simple lang siya pero nakaka-attract at mabuti na lang din siya ang nagbayad. Total siya naman humila sa'kin dito e.

Pero teka nga lang..

"Bakit ba tayo bumili ng damit?" Takang tanong ko sa kaniya. Kasi aanhin ko namang 'tong dress e lagi lang naman ako naka jeans.

"Tomorrow is my sister's birthday" sagot niya.

Huh?

"Ano namang kinalaman ko doon?"

"Tss, obviously you're going to be my date. So, stop asking ihahatid na kita sa inyo" sabi niya saka lumabas. Habang ako ito naiwang nakanganga.

Shit! Date daw

The Love of Thorns |Completed| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon